Nagsalita na ang ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez sa isyung pinatutsadahan niya si Barbie Imperial.
Kaugnay ito ng mainit na mga salitang pinakawalan ni Barbie laban kay AJ dahil sa kontrobersiya sangkot ang nobyo ni Barbie na si Diego Loyzaga.
Nadawit sa isyu si Alyssa matapos kumalat sa social media ang Facebook posts niya tungkol sa "insecure woman" at "aso" na panay ang "tahol."
Noong umaga ng Lunes, November 29, nagbahagi si Alyssa ng TikTok video ng isang netizen na may mensahe tungkol sa "insecure woman" na nang-aaway ng babaeng nauugnay sa karelasyon nito.
Sabi sa TikTok video, "Any woman who fights another woman over a cheating man is an insecure woman who is battling with her self-confidence and self-worth.
"If you are that strong, go and fight your man."
Nilagyan ito ni Alyssa ng caption na "You heard it?!"

Sinundan niya ito ng personal na post tungkol sa maingay na asong tahol nang tahol.
Post ni Alyssa (published as is): "Hayaang tumahol Ang aso, aso yan eh. Alangan naman ngumeow yan.. [laughing emoji]
"Kaloka Ang ingay. Dibale titigil din yan pag napagod."
Bandang hapon ng Lunes ay may post ulit si Alyssa tungkol sa "aso" na hindi raw siya pinatulog dahil sa ingay.
Pahayag niya (published as is): "di Ako nakatulog sa tahol ng aso.
"Ngayong nagising Ako dahil nag hakot ng iba pang aso yung animal na yun. Madami na sila.
"Ayaw tumigil.teka..lalabas Ako. Papakainin ko."
Kahapon, November 30, may komento si Alyssa tungkol sa mga "Marisol" o millennial slang para sa "mareng sulsol."
"Mabuhay tayo ng mapayapa mga Marisol (mga mareng sulsol)," saad ni Alyssa kalakip ng laughing emojis.

Sa isa pang Facebook post ni Alyssa, sinabi niyang "masaya" siya kapag may "angry face emojis" na "reaction sa post ko."

Kaugnay ito ng mga napansin niyang reaksiyon ng ilang netizens sa kanyang naunang post tungkol sa asong tahol nang tahol.
Sabi ng isang commenter, malamang ay "bashers" daw ang nag-react ng angry face emoji sa post ni Alyssa.
Sagot ni Alyssa, "eh aso naman talaga yung sinasabi ko."

THE HOT ISSUE INVOLVING AJ-DIEGO-BARBIE
Hindi maiwasang maugnay ito ng netizens sa alitan nina Barbie at AJ.
Noon kasing November 28 ay tahasang sinagot ni Barbie ang alegasyong bumisita raw ang nobyo niyang si Diego sa bahay ni AJ sa Pampanga.
Galing ang impormasyong iyon sa social media personality at self-confessed "attention-seeking narcissist" na si Xian Gaza.
Pero idiniin ni Barbie na "hindi totoo" ang paratang ni Xian.
Wala raw ugnayan si Diego kay AJ liban sa pagiging co-stars nito sa sexy-thriller movie na Death of A Girlfriend.
Ayon kay Barbie, pakiramdam niya ay tino-tolerate ni AJ ang "fake news" dahil hindi nito idinedenay ang isyu.
Lalo pa't may "proof" daw siyang "friends" sina AJ at Xian, at si AJ diumano ang nagbibigay ng "chismis na information" kay Xian.
ALYSSA'S MESSAGE TO BASHERS and "Mga marisol"
Nakarating kay Alyssa ang pagkadawit niya sa alitang AJ at Barbie.
Ngayong Miyerkules, December 1, naglabas ng pahayag si Alyssa sa Facebook tungkol sa isang online "site" na binigyang-kulay daw ang kanyang posts.
Walang binanggit na mga pangalan si Alyssa, pero kalat sa Facebook ang hinala ng ibang netizens na waring pinatatamaan daw ni Alyssa si Barbie.
Ayon kay Alyssa, ayaw siyang tantanan ng "bashers" dahil sa pagkakasangkot niya sa "issue" na wala raw siyang kaalam-alam.
Pahayag ni Alyssa (published as is): "So ayaw nyo Talaga tumigil?
"Itong isang site na to na nag umpisa eh k makukutus sakin. In unfollow ko na nga nung isang Araw pa eh, (kaya siguro di Ako updated sa chismis.. pag ka mulat ng mata ko Ayan may mentions nako.
"Una sa lahat. hindi ko alam na may issue na pala. Eh nag post Ako about sa kumakahol na aso, (buti nga eh di ko pa napost yung mga pusa sa bubong na naglalampungan eh) hanggang pag gising ko nag post uli Ako..
"Kase super sira tulog ko,.at ayun na nga Ang netizen na kala mo eh may alam Talaga sa story..
"o siempre, mga nangunguna na namang bashers dun eh mga 'alam nyo na' pareparehas lang comments."
Pero kahit pinutakti raw siya ng bashers ay ayaw na niyang patulan ang mga ito.
Tinatawanan na lang niya ang mga "Marisol" sa "issue" na kinasangkutan.
"di lang Ako masyado mahilig mang husga, Kase sino ba naman Ako diba?! Di naman Ako perpek. Tao lang Ako..
"Eh pero baka kung wala akong magawa sa buhay ko at wala akong KWENTang tao, tambay sa Bahay, o tsismosa lang na puno ng inggit ata galit sa katawan abay makipag talakan Ako sa bawat thread na Makita ko..
"kaso sobrang busy kasi Ako sa work ko eh at sarili Kong buhay kaya wala akong panahon sa mga butangera.
"Basta alam ko lang, itong issue na ito Ang Hindi Dapat iyakan.. sobrang natatawa Ako, Lalo na kapag may mga Nang gagaliiting mga marites at Marisol."
Hindi raw akalain ni Alyssa na pati mga aso sa lugar niya ay madadawit sa intriga.
"Akalain mo, Bida mga aso sa amin dito. Mapapa sana all na lang Talaga eh noh.
"Para matigil na ito, mawawala muna Ako sa SOCMED. balik nalang ako next year..
Pero bakit ko gagawin yon? Para Iwas stress..
"hoy mga dzai, inistress nyo nako last time.. pero this time, di nyo alam kayo Ang source ng happiness ko Ngayon. I love yah all.
"Sorry sa mga di makapag comment ah. Yan na lang Ang reaction nyo, nadaragdagan pa Ang energy ko Last na talaga to..mga bwiset [laughing emojis]."

Kasabay nito ay ipinakita ni Alyssa ang video clip ng tatlong aso sa labas ng kanyang bahay at ipinarinig ang mga kahol ng mga ito.
Sabi pa ni Alyssa sa video: "Kaya ngayon alam niyo na yung sinasabi ko sa inyong mga aso."

Walang binanggit si Alyssa tungkol sa ibinahagi niyang TikTok tungkol sa "insecure woman" na ang karelasyon ay nauugnay sa isang "cheating" issue.
Sa kasalukuyan, wala pang direktang pahayag si AJ sa tirada sa kanya ni Barbie liban sa isang cryptic "her man" meme ni AJ na inuugnay rin sa kontrobersiya.
