Watch Now

AJ Raval's mother defends sexy actress' blooming relationship with Aljur Abrenica

by Bernie V. Franco
Oct 12, 2021
Alyssa Alvarez (center, in black), mother of AJ Raval, to critic of her daughter's relationship with Aljur Abrenica: "sus cno k para humusga? Ikaw b walang nagawang kasalanan? Yan mhirap sa ibang mga Pilipino masyado judgemental, kaya walang asenso. Just saying Di nman ntin hawak Ang kalooban [ng] Dios kapatid.”
PHOTO/S: @ajravsss @ajabrenica on Instagram / TikTok

Todo ang pagtatanggol kay AJ Raval ng kanyang ina na si Alyssa Alvarez kaugnay ng pakikipagmabutihan ng sexy actress sa aktor na si Aljur Abrenica.

Si AJ ay panganay na anak ng aktor na si Jeric Raval kay Alyssa, na sumabak din sa showbiz noong '90s.

Si Aljur naman ay ang estranged husband ng Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Noong nakaraang linggo, kinumpirma ni AJ na nasa “getting-to-know” stage sila ni Aljur.

Kasunod ng pag-amin ni AJ sa estado ng relasyon nila ni Aljur, lumabas sa social media ang paparazzi photos ng kanilang holding hands while walking habang namamasyal sa isang mall.

Indikasyon ang mga larawan na bagamat getting to know pa lamang sila ay hindi malayong humantong ito sa isang mas malalim na relasyon.

ALYSSA DEFENDS ALJUR

Noong October 8, Huwebes, ni-repost ni Alyssa ang larawan ni Aljur kasama angkapatid ni AJ na si Ace Raval.

Ang dalawa pang anak nina Alyssa at Jeric ay sina Vanessa at Ace Raval na parehong musicians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, sinagot ni Alyssa ang ilang nagkokomento tungkol sa pagkakamabutihan ngayon nina AJ at Aljur.

Isang supporter ang nag-repost ng screenshot ng tweet ni Kylie, na sinasabing walang isyu kung makipag-date sa iba si Aljur.

Ani Kylie, naghiwalay sila ni Aljur noon pang April 2021 at nagkasundong puwede na silang makipag-date sa iba.

Komento ng supporter, bakit mas galit pa ang ibang tao samantalang mismong asawa ni Aljur na si Kylie ay may basbas sa pakikipag-date ni Aljur sa iba?

Pagsang-ayon ni Alyssa (published as is): “oo nga eh… Mga wala na cguro magawa mga taong yun.bored na bored na sya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa namang kritiko ang nangatuwiran na kung nagawang iwan ni Aljur si Kylie, maaaring ganito rin ang sapitin ni AJ balang araw.

Nagsunud-sunod ang reply ni Alyssa sa kritiko dahil sa panghuhusga raw nito sa pagkatao ni Aljur.

Malinaw na kinakatigan ni Alyssa ang intensiyon ni Aljur kay AJ.

Ani Alyssa (published as is): “sus cno k para humusga? Ikaw b walang nagawang kasalanan?

“Yan mhirap sa ibang mga Pilipino masyado judgemental, kaya walang asenso. Just saying

“Di nman ntin hawak Ang kalooban [ng] Dios kapatid.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katuwiran naman ng kritiko, sinasabi lang niya ang posibleng kahinatnan ng kanyang anak na si AJ.

Sagot ni Alyssa: “We can never tell what tomorrow may bring..”

Muling sumagot ang kritiko ni Aljur. Concerned lang daw siya kay AJ, na baka paiyakin lang daw ni Aljur sa huli.

Sabi pa nito, “aj deserves better dapat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero naninindigan si Alyssa na walang nakakaalam sa kahihinatnan ng buhay ng isang tao kundi ang Diyos lamang.

Kung mangyari man ang kinatatakutan ng kritiko, kalooban daw iyon ng Diyos.

Katuwiran ni Alyssa: “tingnan nlang ntin..now if magkatotoo yang sinasabi mo, ehdi yun dahil sa sinabi mo, inuulit ko, Panginoong Dios Ang gagawa nyan para mailayo Ang anak ko sa mas masakit na karanasan sa buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga post din si Alyssa na indikasyong pati siya ay nakararanas ng panghuhusga sa kanyang personal na buhay dahil sa bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Alyssa ay sumasagot din sa mga kritiko nina AJ at Aljur sa kanyang TikTok account.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alyssa Alvarez (center, in black), mother of AJ Raval, to critic of her daughter's relationship with Aljur Abrenica: "sus cno k para humusga? Ikaw b walang nagawang kasalanan? Yan mhirap sa ibang mga Pilipino masyado judgemental, kaya walang asenso. Just saying Di nman ntin hawak Ang kalooban [ng] Dios kapatid.”
PHOTO/S: @ajravsss @ajabrenica on Instagram / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results