Tinuldukan na ng vlogger-singer na si Kimpoy Feliciano ang mga haka-haka sa totoong relasyon nila ni Heaven Peralejo.
Sa kanyang unang vlogmas na inilabas sa Facebook kahapon, December 2, binigyang linaw ni Kimpoy kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ng Kapamilya actress.
Sinagot ni Kimpoy ang ilang katanungang ibinato ng netizens sa kanya. Isa na rito kung sila ba ni Heaven.

Sagot niya, “Ini-expect ko naman 'yan na lalabas 'yan sa mga questions natin.
“Hindi talaga kami ni Heaven.
"And hindi ko alam kong maniniwala pa rin kayo dahil siyempre, yung iba meron na silang sariling paniniwala na kahit sasabihin mo hindi, iisipin nila na, ‘Ah, tinatago lang or ayaw niyo lang aminin or blah, blah.’
“So, yun nga, e, nasa sa inyo na kung maniniwala kayo o hindi pero sinabi na rin naman ni Heaven sa interview niya na friends lang talaga kami.”
Ang tinutukoy ni Kimpoy ay ang panayam ng ABS-CBN personality na si Darla Sauler kay Heaven na lumabas noong November 29.
Paliwanag ni Heaven sa pagkakaibigan nila ni Kimpoy, “Hindi, hindi talaga, as in.
"Di ba, pag kunyari yung friend mo, ‘Uy beh,’ ganun?
“Pero kami ni Kimpoy, we are very best friends.”
Sinang-ayunan ito ni Kimpoy sa kanyang vlog.
Aniya, “Yun, friends lang talaga kami. Friends lang kami ni Heaven.
"We're really close and siya yung lagi kong nakakasama recently. Talagang sobrang nagkasunodo kami. Yun, we're friends.”
"SAFE PLACE SA ISA'T ISA"
Ayon kay Kimpoy, matagal na silang magkaibigan ni Heaven. Baka raw kasi akala ng ibang tao ay ngayon lamang siya nagkakilala.
Paano sila naging super close ni Heaven?

Tugon ni Kimpoy, “Ah, some people thought recently lang kami magkakilala ni Heaven because of the movie.
“Kasi, guys, may ginagawa kami ni Heaven na movie which is Happy Times, hindi pa ipinalabas, so magkasama kami dun.
“So, matagal na kami magkakilala ni Heaven noon pa, siguro pagkalabas pa lang niya ng PBB.”
Si Heaven ay housemate ng Pinoy Big Brother Lucky 7 noong 2016.
Patuloy ni Kimpoy, “Merong mga events na usually kami ang magkasama, so ayan, ha.
“Hanggang sa naging friends kami. Dun din talaga kami naging close sa Happy Times, lagi kaming magkausap, sabay kaming kumakain.
“Tapos nagkataon na nagkaroon ng Siargao trip, tapos kami yung magkasama for like a week kami lang [at ibang kaibigan].
“There were times during that trip na nag-share din kami ng hinaing sa isa’t isa pagdating sa personal lives namin and sa industry.
“Nakahanap kami ng parang safe place sa isa’t isa.”
