Walang tuwirang pag-amin si Ruffa Gutierrez, 47, tungkol sa estado ng relasyon nila ni Herbert Bautista, 53, pero patuloy ang pagbitiw niya ng matalinhagang mga salita sa isyu.
Noong December 2, nag-tweet si Ruffa tungkol sa height difference nila ni Herbert.
Hindi ba isyu iyon na maliit si Herbert kumpara kay Ruffa, na akma sa pagiging dating beauty queen ang height?
Sabi naman ni Ruffa patungkol kay Herbert, "Maliit?? Well, I’m 5’10 so more than half of Filipino men are shorter than me. Besides, height doesn’t matter. Or does it?"

May nag-comment pa sa tweet ni Ruffa ng linya mula sa kantang "Love Is All That Matters."
Tila sang-ayon si Ruffa na dinugtungan pa ang lyrics ng kanta.

WHAT HERBERT SAID ABOUT RUFFA
Sa kabilang banda, wala ring tuwirang sagot si Herbert kung sila ba ni Ruffa.
Sa isang blogcon noong Martes, November 30, inusisa si Herbert sa isyu.
Sagot lang ng dating alkalde ng Quezon City, "Sige, ganito na lang. Alamin niyo muna kay Tita Annabelle kung ano ang gusto niya para kay Ruffa.
"Ganoon na lang muna. Kayo na lang muna ang magtanong sa kanya.
"So after this, puntahan niyo si Tita Annabelle para malaman niyo kung ano ang gusto niya para kay Ruffa."
Si Ruffa ay panganay na anak ng mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.
ANNABELLE ON HERBERT-RUFFA
Ang ina ni Ruffa na si Annabelle ay nagkomento ukol kay Herbert na "medyo maliit lang, pero okay lang."
Pero hindi kinumpirma ni Annabelle ang napapabalitang ugnayan nina Ruffa at Herbert.
Ayon kay Jun Lalin ng Abante, ang tanging sinabi ni Annabelle ay si Herbert ang nag-engganyo kay Ruffa na tapusin ang pag-aaral kaya nag-enrol ito ng online classes.
Binanggit din ni Annabelle na suportado niya ang kandidatura ni Herbert bilang senador sa 2022 elections.
Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa ugnayan nina Ruffa at Herbert dahil sa rebelasyon ni Kris Aquino na may bagong karelasyon si Herbert. Kay Kris din nanggaling ang clue na "beautiful girlfriend" ito.
