Walang dudang parehong masaya sina Sheryn Regis at Mel de Guia sa tuwing sila ay magkasama.
Ngayong Biyernes, December 3, 2021, nag-post si Mel ng panibagong TikTok video nila ni Sheryn kunsaan parehong hanggang tainga ang kanilang mga ngiti.
Kapansin-pansin ang higpit ng yakap nila sa isa't isa pati na rin ang kanilang matching white shirts at black caps.

Consistent si Mel sa pagla-like ng comments ng netizens na suportado ang hinihinalang ugnayan nila ni Sheryn.

Kahapon, December 2, naiulat sa PEP.ph ang video ni Mel kunsaan masuyo niyang hinalikan sa pisngi si Sheryn.
SHERYN WEARS PRIDE SHIRT IN VIDEO WITH MEL
May iba pa palang videos at photos ang dalawa.
Nang magdiwang si Sheryn ng 46th birthday noong November 26, ipinost ni Mel ang dance video nila.
Nakasuot ng rainbow-colored pride shirt si Sheryn.

Ang rainbow at salitang pride ay karaniwang ginagamit patungkol sa members at allies ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, at transgender) community.
Noong October 24, ipinost ni Sheryn sa kanyang Tiktok account na "I am an ally of LGBTQIA community."
Kalakip nito ang video clip mula sa kanyang Love United concert kunsaan kumanta siya ng "Born This Way" ni Lady Gaga.
Sabi pa niya sa kanyang spiels sa concert, "Love wins always. Ano man ang pagkatao mo, may karapatan kang magmahal at mahalin pabalik. Just keep loving and keep spreading the gift of joy."
Si Mel ay kilala ng kanyang supporters bilang proud member ng LGBTQIA community.
is sheryn the mystery woman in mel's photos?
Samantala, four days ago ay may TikTok video si Mel kunsaan may kasama siyang babae na hindi kita ang mukha.
Makikitang magkayakap ang dalawa sa slideshow ng mga litrato at video na kuha mula sa kanilang mga pamamasyal.
"No caption needed," tanging saad ni Mel, na malinaw na masaya sa bagong pag-ibig.


Hindi man ipinakita ni Mel kung sino ang kasama niya, naiugnay ito kay Sheryn dahil kapareho niyang blonde hair ang mystery woman sa video at photos.


