Hindi lang ang mga kaibigan ni Cherry Pie Picache ang kinatagpo niya sa kanyang recent vacation sa Amerika.
Nakipagkita rin si Cherry Pie sa pamilya roon ng boyfriend na si Edu Manzano, kabilang na ang mga anak ng aktor na sina Addie at Enzo Manzano.
Sina Addie at Enzo ay mga anak ni Edu sa dating karelasyong modelo na si Rina Samson. Nakabase ang dalawa sa New York.
Sa Instagram ni Cherry Pie ngayong Biyernes, December 3, 2021, nag-post ang aktres ng group photo kasama sina Addie, Enzo, at marami pang iba.
Malaki ang posibilidad na mga kamag-anak o kaibigan ito ni Edu na sa Amerika nakatira.
Si Edu ay American citizen at may dual citizenship.
Kabilang din sa series of photos ang nakakikilig na holding hands nina Edu at Cherry Pie.
May mga larawan ding kasama nina Edu at Cherry Pie ang Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal at anak nitong si PJ.
Mukhang save the best for last ang pakikipagkita ni Cherry Pie sa side ni Edu sa kanilang U.S. trip.



Caption ng award-winning actress: “Last of the leg and definitely not the least” Sinundan niya ito ng happy emojis, gaya ng love at happiness.
Punung-puno rin ng positivity ang caption ni Cherry, indikasyong masaya ang estado niya sa buhay ngayon.
Nito lamang November 19, 2021 nang kumpirmahin ni Edu ang relasyon nila ni Cherry Pie.
Magkatrabaho ang dalawa sa ongoing ABS-CBN teleseryeng Marry Me, Marry You.
Idinaan naman ni Cherry Pie ang pag-amin sa pamamagitan ng pagpo-post ng sweet photos nila ni Edu habang nakabakasyon sa Amerika.
LUIS MANZANO reacts to EDU-CHERRY PIE ROMANCE
Samantala, nagkomento rin si Luis Manzano kaugnay ng love life ng amang si Edu.
Si Luis ay anak ni Edu sa dating asawang si Vilma Santos.
“Sobrang, ano… we were caught off guard. Talagang no one saw it coming.
“I don’t even think dad and Tita Pie saw it coming," ani Luis sa panayam ng former ABS-CBN writer na si G3 San Diego noong November 29.
Inilahad ni Luis kung paano nakarating sa kanya ang tungkol sa pagkakamabutihan ng kanyang ama at ni Cherry Pie.
Isang kaibigan daw ni Luis ang nagpadala sa kanya ng larawan. Sa picture, kasama ng kanyang kaibigan sina Edu at Cherry Pie.
Ani Luis, “Date night ata sila. So, I sent back the picture to Daddy.
“I said na, ‘Oy, Daddy, ano ka, ha, happy boy ka, ah.’”
Hindi raw ito itinanggi ni Edu at sinagot ang anak na masayang-masaya siya.
