Palaban si Cara Gonzales at ang co-stars na sina Luis Hontiveros, Jela Cuenca, at Rash Flores sa pelikulang Palitan, na idinirek ni Brillante Mendoza.
“Ginawa namin lahat para maging palaban,” sabi ni Cara sa mediacon nitong Disyembre 7, 2022, Martes ng gabi, sa Wingzone restaurant, Araneta City, Cubao, Quezon City.
“Sobrang na-boost ang self-confidence namin dito sa movie dahil nandiyan si Direk Brillante.
“Nawala yung kaba namin dahil kay Direk. Ginabayan niya kami hanggang sa matapos ang pelikula.
“Sobrang naging all-out ako dito hindi lang sa paghubad, kundi para maipakita yung story.”
Mag-i-streaming ang LGBT film na Palitan umpisa Disyembre 10, Biyernes, sa Vivamax.

Rash Flores, Cara Gonzales, and Direk Brillante Mendoza
PARTNER SWAPPING
Ano ang pananaw ni Cara sa mga taong nag-eeksperimento, nag-e-explore o adventurous sa relasyon, partikular sa nagpa-partner swapping?
Napabuntong-hininga ang baguhang aktres, “Ang totoo niyan, nasa reyalidad po talaga na nagpapalit-palit ng partners.
“Andiyan ang foursome, thresome, totoong nangyayari iyan sa mundo. Which is yun ang ipinapakita namin sa movie na ‘to.
“Hindi lang siya puro hubad. Andito yung story kung bakit nga ba nagpalit-palit ng partners, ng emosyon, sabi nga ni Direk Brillante.”

Jela Cuenca and Cara Gonzales
Sa totoong buhay, OK lang ba sa kanyang tumikim o magpatikim sa partner ng iba?
“Sa ibang tao, OK. Pero may iba’t iba naman tayong personalidad, at opinyon,” paliwanag ni Cara.
“Para sa akin, hindi ko kayang makipagpalit sa isang tao. Kasi sa relationship, kung magkakaroon ako ng karelasyon, loyal ako, e.
“So, kahit na hindi ko ito personality, sinubukan ko pa ring i-mold ang sarili ko sa movie na ‘to.
“Kasi, gusto kong maipakita sa ibang tao na isa ito sa mga nangyayari sa mundo.
“Sa movie na ‘to, may ipapalabas about marriage, at respeto sa partner mo. So, dun din natin makikita kung paano iikot yung istorya, paano namin mae-explain din talaga.”
ON MALE AND FEMALE PARTNERS
Sa pelikulang Palitan, may nakaharutan si Cara na lalaki, at meron ding babae. Nasabi rin niyang nangyayari ito sa ngayon.
Sa tunay na buhay ba, may experience na siya sa girl?
Napangiti si Cara nang mahiwaga, “Para sa akin, hindi ko alam kung ano yung magiging sa future ko, kung maiinlab ba ako sa babae, o sa lalaki talaga.
“Para sa akin, hindi ko masasabi kung ano yung magiging ako, e. Walang makapagsasabi nun kahit ibang tao, maski sarili ko, hindi ko alam kung ano talaga ako exactly.
“So, para sa akin… wala akong alam, go with the flow lang ako. Kung sino man ang mahalin ko, kung sino yung magiging mahal ko, ayun.”

Cara Gonzales and Luis Hontiveros
Dito sa pelikula, kanino siya mas nag-enjoy na makipag-love scene, sa babae o sa lalaki?
“Both,” pagngiti muli ni Cara.
“Kasi, maayos silang katrabaho, e. At ginawa nila yun professionally.”
Pantay lang ang pagkaka-enjoy niya?
“Oo naman. Pantay lang. Lahat kami, nag-e-enjoy dito. Kasi, trabaho lang kami dito.
“Hindi namin ine-enjoy about sex. Ginagawa namin ito dahil sa trabaho.”
Maikukunsidera ba niya ang sarili na may pagka-adventurous, o nananaig ang pagiging conservative?
“Yung family ko, conservative. Pero dahil sa age kong ito, at sa kabataan nga, sa mga nakakasama ko sa kabataan ngayon, parang adventurous ako,” pag-amin ni Cara, na tampok din sa pelikulang Pornstar 2: Pangalawang Putok.
“Nasa gitna lang ako lagi.”
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
