Hindi inaasahang maiyak ang mag-asawang Carmina Villarroel, 46, at Zoren Legaspi, 49, sa umpisa pa lamang ng virtual mediacon ng Stories From The Heart: The End Of Us.
Nang mga oras na iyon ay hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang dalawa sa papuri ng director nilang si Zig Zulay.
Tuwang-tuwa kasi si Zig sa resulta ng tambalan nina Carmina at Zoren sa kauna-unahang drama series nila sa GMA-7.
Unang naging emosyunal si Zoren, at saka nahawa na rin si Carmina.
Bahagya pa silang tumigil para kalmahin muna ang sarili habang nagkukuwento tungkol sa karanasan nila sa taping.
Iyon pala ay may pinagdaanang pagsubok ang kanilang pamilya nang magkasakit ang ama ni Carmina.
Saad ni Zoren, "Well, you know, kaya kasi emotional kasi may pinagdadaanan kami sa family.
"I guess, I should share it kasi, because, well isa yun sa mga...
"You know, yung dad ni Mina kasi, iyon, in and out sa hospital. So, kaya iyon isa mga, I guess, kung bakit kami nagiging emotional.
"Plus yung mga lock-in siguro, laging wala yung mga bata sa bahay."
Sa puntong ito ay nabasag na ang boses ni Zoren dahil sa sobrang emosyon.
Parehong bukas sina Zoren at Carmina sa pagsasabing hindi madali sa kanila sa tuwing sumasalang sa lock-in taping ang kanilang twins na sina Mavy at Cassy.
Katatapos lang ni Mavy na nag-lock-in taping para sa Kapuso prime-time series na I Left My Heart In Sorsogon, na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Paolo Contis, at Richard Yap.
Kasalukuyan namang nasa lock-in taping si Cassy sa upcoming Kapuso prime-time series na First Lady nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Pati si Carmina ay nasa lock-in taping din para sa iba nitong proyekto, kaya sina Zoren at Mavy lamang ang magkasama sa bahay ngayon.
Iyon ang dahilan kaya hindi dapat tatanggapin ng mag-asawa ang Stories From The Heart: The End Of Us.
"Because ayaw naming mawala sa bahay, ang dalawang magulang mawala sa bahay, so hindi namin dapat tatanggapin," saad ni Zoren
Sabay patawa ni Zoren, "And at the same time, you know, kadalasan, kami, kapag kasama ko si Mina sa isang show, we really fight, nagkakaroon kami ng away mismo sa show!
"Because she has her own style, I have my own style.
"With this one, sabi ko, 'Hon, sige i-go na natin 'to. And let's see, let's do good and magpakitang-gilas tayo dito.'"
Tulad ng paliwanag ni Zoren, sinabi ni Carmina na inaalala niya noon ang kalagayan ng amang may sakit.
"At first, we were excited because it's not naman every day that we're given a chance to do a project together. But with what's happening with my dad..." putol ni Carmina.
Hindi na naituloy ni Carmina ang kanyang sasabihin at muli itong umiyak, sabay sabi ng, "Sorry po."
Base sa trailer, ang Stories From The Heart: The End Of Us ay isang family drama kunsaan ipamamalas nina Carmina at Zoren ang bawat yugto ng relasyon ng isang couple — mula sa ligawan at pagpapakasal hanggang sa pagkawasak ng relasyon dahil sa third party at sa annulment.
Nang magpatuloy si Carmina, ipinaliwanag niya ang halu-halong emosyon nang unang i-offer sa kanila ni Zoren ang proyekto.
"At first, gusto talaga naming tanggapin because, like I said, it's not every day that you're given a chance to work on such a beautiful project.
"And then, after a while, I said, 'Hindi ko kaya. It's either ako or si Zoren na lang, kung gusto ng GMA. Pero kung kami, hindi ko talaga kaya,'" naiiyak pa ring pahayag ni Carmina.
Binanggit namin kay Carmina na tila hindi magiging maganda ang series kung hindi sila ang gaganap, lalo pa't ngayon lang sila makikitang bumida bilang magkatambal sa TV.
Kinumbinsi raw sila ng GMA bosses na sina Annette Gozon-Valdes at Redgie Magno.
Patuloy ni Carmina: "Buti nabigyan pa kami ng pagkakataon na makapag-isip-isip because, I think, sina Ms. Annette ba or sina Tita Redgie or everyone, parang inaano kami na tanggapin namin.
"So, we did a lot of thinking, and then Zoren and I talked na, 'Sige, Hon, tanggapin na natin. Bahala na. Let's just pray and leave it all up to God. And let's just give it our all.'
"And then, we are just very thankful because God really guided us. Siguro sinabi Niya, 'Gawin niyo na, Ako nang bahala, gawin niyo na.'
"And yes, we are very thankful we said yes to this project and this is really, really very close to our hearts."

ZOREN OVERWHELMED WITH ZIG DULAY'S PRAISES
Ibinahagi naman nina Zoren at Carmina na malaking bagay sa kanya ang makarinig ng positive feedback at malamang nasa "bucket list" sila ng mga nais makatrabaho ni Direk Zig.
Lahad ni Carmina: "First time ko makatrabaho si Direk Zig and nakakabitin. But I'm still very thankful dahil nabigyan ako ng chance to work with him.
"This is not the end, of us. Umpisa pa lang namin ito ni Direk, hopefully. And I'm looking forward na makatrabaho ulit si Direk Zig.
"Kasi napakagaan at nakakatuwa kasi we respect each other's opinions, points of views. Pagdating sa mga eksena, he's very giving, so ang gaan.
"Kahit mabigat yung story namin, magaan lahat kasama, magaan lahat katrabaho — from the crew, the staff and the cast.
"So, I'm very thankful kahit na maikling pagkakataon lang yung nabigay sa amin, very thankful pa din."
Proud din si Zoren dahil powerhouse daw ang creators at producers ng show.
"So, it's really a blessing and a great opportunity for us na mag-asawa to be chosen dito sa magandang programa na ito.
"And si Direk Zig, nakatrabaho ko na siya before sa Sahaya, and before Sahaya, yung Sirkus.
"Sa Sirkus, hindi ko siya masyadong napansin because it was his first time. Naglalaro lang ako dun, plus my role there is very simple.
"Yung sa Sahaya, nakita ko siya."
Ang Sirkus ay 2018 Kapuso series na pinagbidahan nina Mikoy Morales at Mikee Quintos, habang ang Sahaya ay ang 2019 series na bida si Bianca Umali.
Saludo si Zoren sa passion at work ethics ni Direk Zig, na isa sa paborito niyang direktor ngayon.
Sabi ni Zoren: "Kasi this guy has a very, very good future. Hindi lang siya nag-e-enjoy sa trabaho niya, but he makes sure na at the end of the day, yung trabaho niya ay makita ng tao na ginawa niya lahat.
"And an actor should always see that! At pag nakita ng isang artista yung ganung klase ng attitude ng isang direktor, that actor should give a thousand percent proper acknowledgment sa kanya.
"Kaya dito sa show na 'to, if not a hundred percent or one hundred one or two hundred percent, I gave it all because gusto kong mapantayan yung passion niya."

ZOREN AND CARMINA'S CONFRONTATION SCENES
Isa sa mga kaabang-abang sa series ay ang confrontation scenes na buong husay naitawid nina Zoren at Carmina.
Maghihiwalay ang mga karakter nila sa istorya dahil mahuhuli ni Carmina na may ibang babae si Zoren.
Ibang-iba ito sa kanilang happy marriage sa tunay na buhay kaya excited daw silang malaman ang feedback ng mga manonood.
"We don't normally watch it after our takes, so first time natin, ngayon lang kasi talaga namin nakita yung kabuuan nung show," tukoy ni Zoren sa long trailer na ipinakita sa virtial mediacon.
Patuloy niya, "After seeing the show, it's more of a masterpiece 'coz makikita mo kasi doon, 'Hon, mapapansin mo, it has something new, a new ingredient there.
"Something new in the project na hindi mo mapi-pinpoint na, 'Ano yun? Ano yung ginawa nila? Bakit parang iba 'to sa mga tipikal na napapanood mong ganitong show?'
"Marami nang palabas or mga istorya na mag-asawa naghiwalay because of a third party. And this is no different from that kind of story.
"But somehow, it's different."

Mapapanood ang Stories From The Heart: The End Of Us sa GMA-7 simula sa Lunes, December 20, pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.
Kasama nina Carmina at Zoren dito sina Arielle Arida, Karel Marquez, at Andrew Gan.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
