PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juliana Pariscova Segovia wants Brenda Mage to exit PBB

"Lumabas ka na ng bahay ni Kuya."
by Bernie V. Franco
Published Dec 16, 2021
juliana segovia pariscova brenda mage
Juliana Pariscova Segovia (left) takes to social media to appeal to friend and PBB housemate Brenda Mage to exit the PBB house. Juliana says Brenda's image is at stake if he remains inside the house. Brenda is now at the center of criticisms for his harsh words against fellow housemates Eian Rances and Alexa Ilacad (inset).
PHOTO/S: Facebook / YouTube (Pinoy Big Brother)

Naniniwala ang first Miss Q&A grand winner na si Juliana Pariscova Segovia na mas makabubuti para sa kanyang kaibigang si Brenda Mage na lumabas na ng Pinoy Big Brother house.

Sa pamamagitan ng Facebook, nag-post ng mensahe si Juliana para kay Brenda nitong December 14, 2021.

Si Brenda ay isa sa natitirang housemates sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Ani Juliana, “durog na durog” na si Brenda.

Nasisira umano ang reputasyon at imahe ni Brenda dahil sa pananatili nito bilang PBB housemate.

Sang-ayon din si Juliana na kapalit ng pagkasira ng imahe ni Brenda ay ang pag-rate naman ng PBB.

Post ni Juliana (published as is): “Brenda Mage..Cge na lumabas kana ng bahay ni kuya..

“Masyado ka ng durog na durog dahil sa mga nakikita nila, at Bilang isang tunay na kaibigan mas gusto ko na lumabas ka para maisalba mo pa ang pangalan mo na unti unting nasisira habang nasa loob ka ng bahay, dto mo sa labas ipagpatuloy ang pangarap mo..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dto sa labas mo ipagpatuloy ang pagpapasaya mo.”

Ayon pa kay Juliana, hindi perpekto si Brenda, pero marami itong napapasaya at magagawa niya ito sa outside world.

Aniya, “May mga pagkakamali ka pero maitatama mo lahat un kung lalabas kana at tiyak ko na sa pag labas mo maisasalba mo pa ang pangalan na matagal mong binuo, iningatan at inalagaan.”

Malalim ang hugot ni Juliana at sinabing lahat ng pinagpaguran ni Brenda para magkaroon ng pangalan ay mawawala lahat dahil sa isang pagkakamali.

Patuloy niya: “Labas na Brends tulad ng sinasabi ko lagi sayo noon, sa isang pagkakamali mo malilimutan nila kung ilang beses mo sila napasaya.. yan ang masakit na realidad ng buhay.

“Masakit bilang isang kaibigan na makita ung masasakit na salita na binibitawan nila sayo, pero un lang kasi ang nakikita nila..

“Tandaan mo MAY KAIBIGAN KA PA RIN PAG LABAS MO”

juliana segovia pariscova

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi idinetalye si Juliana ang kanyang pinaghuhugutan. Gayunpaman, maraming batikos sa kasalukuyan ang natatanggap ni Brenda dahil sa mga eksena sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Nagpakawala kasi ng maaanghang na salita si Brenda kaugnay ng pagiging close ng fellow housemates na sina Eian Rances at Alexa Ilacad.

Tinawag niyang “Oscars ang aktingan” nina Eian at Alexa.

Lumalabas na masama ang loob ni Brenda kina Eian at Alexa, na nagiging malapit sa isa’t isa bagamat noon daw ay marami silang sinasabi laban sa isa’t isa kapag nakatalikod.

Masama rin ang loob ni Brenda na lumayo ang loob sa kanya ni Eian, ngayong nagiging close na ang binata kay Alexa.

Ito naman ang dahilan kung bakit nagiging masama ang imahe ni Brenda sa viewers ng Kapamilya reality show.

eian rances alexa ilacad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng kanyang post, sinagot din ni Juliana ang komento ng ilang netizens.

Sumang-ayon siya sa komento na dapat lumabas na si Brenda bago mahuli ang lahat.

Sinegundahan din niya ang sinabi ng isang netizen na “nassra tlga image niya sa loob effectb nman para sa pbb ngrarate”

Pagsang-ayon n Juliana: “sa true mima..alam mo yanch.”

juliana segovia pariscova

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, December 16, nagkomento muli si Juliana matapos masulat ang tungkol sa panawagan niya kay Brenda na lumabas ng PBB house.

Aniya, bilang tunay na kaibigan, iniisip lang niya ang makabubuti sa kaibigang si Brenda.

Post ni Juliana: “Ang tunay na kaibigan ‘pagsasalitaan ka ng harapan kht masakit,pero ipagtatanggol ka pag hnd ka kaharap’.”

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juliana Pariscova Segovia (left) takes to social media to appeal to friend and PBB housemate Brenda Mage to exit the PBB house. Juliana says Brenda's image is at stake if he remains inside the house. Brenda is now at the center of criticisms for his harsh words against fellow housemates Eian Rances and Alexa Ilacad (inset).
PHOTO/S: Facebook / YouTube (Pinoy Big Brother)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results