Andi Eigenmann’s house, area in Siargao destroyed by Typhoon Odette

by Bernie V. Franco
Dec 19, 2021
andi eigenmann philmar alipayo
Actress Andi Eigenmann and fiancé Philmar Alipayo take to social media to show the huge damage that Super Typhoon Odette wreaked in their hometown island, Siargao. Right photo shows the couple's home is heavily damaged.
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram

Hindi nakaligtas ang bahay ni Andi Eigenmann at ng fiancé niyang si Philmar Alipayo sa Siargao sa hagupit ng Super Typhoon Odette.

Nag-landfall ang bagyong Odette sa Siargao noong Huwebes, December 16, 2021.

Huwebes pa lamang ay nag-post na sa Instagram si Philmar para ipaalam na wala nang signal sa kanilang lugar.

Ang Siargao, at marami pang lugar sa Visayas at Mindanao, ay malubhang tinamaan ng super typhoon. Libu-libong katao at kabayahan ang naapektuhan.

Sunud-sunod ang post nina Andi at Philmar kaugnay ng mga pinsala hanggang sa paghingi ng tulong para sa Siargao.

Pero maging ang bahay nina Andi ay sinira ng bagyo.

Matapos ang bagyo, nag-post si Philmar sa Instagram ng hitsura ng kanilang bahay.

Makikita na may bahagi ng kanilang bubong ang lubos na napinsala. Natumba rin ang mga halaman sa harap ng kanilang gate.

Caption ni Philmar: “ATO BAYAY @ANDIEIGENGIRL KINAHANGLAN NA NATO NAG POLI NAN BOBONG” (Ang ating bahay @andieigengirl Need na natin magpalit ng bubong).

Continue reading below ↓

andi eigenmann house siargao

Sunud-sunod din ang post ni Andi ng videos sa kanyang Instagram Stories.

Nakunan sa video ang pagpunta nila sa Catangnan, ang kanilang lugar sa Siargao.

Caption ni Andi sa video: “Catangnan. On the way to ours. wiped.”

Kita sa video na nasalanta ng bagyo ang kanilang lugar: mga natumbang puno at mga sira-sirang bahay at establisimyento.

Continue reading below ↓

siargao typhoon odette

Wala sa isla sina Andi nang manalasa ang bagyo, pero kaagad silang umuwi nang humupa ito.

Emosyonal si Andi dahil bukod sa nasalanta ang kanilang lugar, marami rin sa mga kaibigan at mahal nila sa buhay sa Siargao ang naapektuhan.

Hindi raw niya maiwasang maiyak nang makatanggap ng mensahe mula sa isang kaibigang nasa isla.

Continue reading below ↓

Ni-repost ni Andi ang Facebook post ng kaibigang si Marja O’Donnell, na nagsabing ligtas sila, pero nangangailangan daw ng tulong ang mga tao sa kanilang lugar. Kailangan daw nila ng pagkain, damit, at malinis na tubig.

Caption ni Andi: “I burst into tears when marja messaged me. We are so grateful to finally hear from a loved one on the island and also to know that our family is safe.

“But the island is completely devastated and it would take time before Siargao recovers.”

Pakiusap pa ng aktres, “All the help would be very much appreciated.”

Lubos namang nagpapasalamat si Andi sa lahat ng mga taong nag-aabot ng tulong sa kanilang lugar.

andi eigenmann Instagram post

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Andi Eigenmann and fiancé Philmar Alipayo take to social media to show the huge damage that Super Typhoon Odette wreaked in their hometown island, Siargao. Right photo shows the couple's home is heavily damaged.
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results