PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera grateful to personal "water boy" Dingdong Dantes at Miss U

Marian Rivera recalls crying during five-day hotel quarantine.
by Rose Garcia
Published Dec 23, 2021
Marian Rivera Dingdong Dantes Urvashi Rautela
Marian Rivera on Urvashi Rautela's kind words about her happy marriage with Dingdong Dantes: "Sabi niya, 'Your husband is so loving.' Sobrang love na love raw ako, ganyan. Sabi niya, you’re very lucky to each other.' May mga gano’n si Urvashi.
PHOTO/S: @marianrivera Instagram

Ipinagmalaki ni Marian Rivera na wala siyang mahihiling pa mula sa maalagang mister na si Dingdong Dantes.

Tila iniwan ni Dingdong ang pagiging Kapuso Primetime King niya sa Pilipinas nang sumama kay Marian Rivera sa Eilat, Israel.

Kuntento ang aktor na nasa backseat lang, at siya pa mismong nagsabi na sapat na sa kanya na maging "water boy" at "photographer" ni Marian sa 70th Miss Universe.

Si Marian ay isa sa mga hurado sa prelims at coronation night ng pageant.

"Alam mo naman ‘yang si Dong, all-out talaga ‘yan sa akin. Palaging siya ang nagtsi-cheer sa akin, nandiyan para sa akin," nakangiting pahayag ni Marian.

Nakapanayam si Marian sa virtual mediacon ng GMA Network noong December 21.

Dito ay ikinuwento niya na pati si Miss Universe India 2015 at Bollywood actress Urvashi Rautela ay nakipasuyo ng tubig kay Dingdong.

Si Urvashi ay kapwa hurado ni Marian sa 70th Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Minsan nga, natatawa ko kay Urvashi. Sabi niya, 'Can you call your husband? I also need water.'

"Sabi ko, 'Huh? Ginawang ano ang asawa ko, nakakaloka!" natatawang bulalas ng Kapuso actress.

Urvashi Rautela and Marian Rivera

Pero ang totoo ay hangang-hanga raw si Urvashi dahil halata raw na happily married couple sina Marian at Dingdong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad pa ni Marian: "Sabi niya, 'Your husband is so loving.' Sobrang love na love raw ako, ganyan. Sabi niya, you’re very lucky to each other.' May mga gano’n si Urvashi.

"Although kahit hindi naman sabihin ni Urvashi ‘yon, I’m very thankful, nandiyan si Dong para sa akin."

Sinabi na raw ni Marian kay Dingdong na babawi siya ngayong nandito na sila sa Pilipinas.

"As in, sinabi ko nga, 'Dad, okay lang ako.' Sasabihin niya, 'Hindi, ano ang kailangan mo?'

"Kapag giniginaw ako, talagang to the rescue. Kapag inaantok ako, to the rescue. Nauuhaw ako, to the rescue. So lahat ginawa niya talaga.

"Kaya sabi ko, 'Pag-uwi mo ng Manila, may reward ka. Ipagluluto kita.'"

Marian Rivera and Dingdong Dantes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MISSING ZIA AND ZIGGY

Limang araw nagpalipas sa hotel quarantine ang mag-asawang Marian at Dingdong nang makauwi sa Pilipinas.

Sa tagal na di nakapiling ang mga anak na sina ZIa at Ziggy ay naiyak daw si Marian sa lungkot.

Ayon kay Marian, “So, nag-quarantine kami ng five days. Sa quarantine days na ‘yon, do’n ako lalong nalungkot.

"Siyempre, nandoon lang kami, wala na ‘kong ginagawa, hindi na ‘ko busy.

"Although every day siguro sa isang araw, mga nakaka-limang zoom kami ng mga anak ko. Talagang araw-araw, maya’t maya, alam mo yun?

"So noong nandoon ako sa quarantine, umiiyak na ‘ko. Sabi ko, 'Dad, ito na yung kurot. Talagang hindi ko na kaya. Talagang gusto ko ng makita ang mga anak ko.'

"Kahit sabihin mong nasa Zoom, kahit nandito na ‘ko sa Manila, pero hindi ko pa rin nakikita, hindi ko pa rin nayayakap ng literal, sabi ko, 'Nalulungkot talaga ‘ko.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot daw sa punto na napraning na siya na baka ma-extend pa sila sa hotel quarantine.

"So iyak ako ng iyak hanggang sa finally, na-swab [test] na kami, naghintay pa kami."

"So habang naghihintay, iyak ako ng iyak. Natatakot ako. Sabi ko, 'Ang tagal namang lumabas! Naku, baka anong mangyari sa akin? Another 13 days na naman ako.'

"So napa-paranoid na ‘ko. Gustong-gusto ko ng umalis. Hanggang finally, naka-receive kami ng message na yung test nga namin ay negative at puwede na kami [umuwi].

"Ay, nagsasayaw na ‘ko! Lahat na lang yata sinayaw ko sa tuwa ko," masiglang kuwento pa rin ni Marian.

Sinorpresa ng couple ang kanilang mga anak sa mismong araw ng uwi nila kaya nagulat daw talaga ang mga ito.

"Hindi namin sinabi sa mga bata na uuwi kami kaya sinurprise namin sila. Siyempre, sigaw ng sigaw si Zia. 'Mom! Mom! You’re here!' Feeling niya, 'Is this a dream?' Gumagano’n si Zia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So nakakatuwa na finally, nakauwi na talaga ‘ko."

Marian Rivera with kids Zia and Ziggy

CHRISTMAS PLANS

At dahil malapit na ang Pasko, tinanong na rin namin si Marian kung ano ang plano nila ngayong Kapaskuhan at ikalawang taon na nasa pandemya pa rin.

Sagot ni Marian, "Same pa rin, sama-sama pa rin kasama ang pamilya. Siyempre, magluluto pa rin ako. Magluluto pa rin si Mommy, sila Mama. Gano’n pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun nga lang, ang kaibahan, siyempre dati, pumupunta sa church. Pero ngayon, siguro mag-oonline na lang muna ulit kami."

Hindi rin sigurado si Marian kung magagawa nila ngayon ang dating regular na pagdalaw sa ina niya sa Cavite tuwing Kapaskuhan.

"Titingnan ko kasi baka naman pwede, paplanuhin namin.

"Kasi si Mama, sinasabi niya na, 'Pahinga na lang. Saka na lang siguro kayo pumuntang pamilya rito kapag maayos na. Puwede naman kaming pumunta diyan sa bahay.'

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on Urvashi Rautela's kind words about her happy marriage with Dingdong Dantes: "Sabi niya, 'Your husband is so loving.' Sobrang love na love raw ako, ganyan. Sabi niya, you’re very lucky to each other.' May mga gano’n si Urvashi.
PHOTO/S: @marianrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results