Inalmahan ni Sunshine Cruz ang ipinapakalat na fake news na buntis diumano ang kanyang dalagang anak na si Sam Cruz.
Si Sam ay pangalawa sa tatlong anak na babae ni Sunshine sa dating asawang si Cesar Montano. Ang dalawa pa ay sina Angelina at Chesca.
Sa Instagram at Facebook noong December 25, araw ng Pasko, nagbahagi si Sunshine ng ilang larawan na kuha mula sa family Christmas bonding nilang mag-anak sa kanyang bahay.
Caption ng aktres sa post: “#Christmas2021 #family”
View this post on Instagram
Sa isang larawan, kasama ni Sunshine ang tatlong anak na dalaga. May isang pose si Sam na parang nakatakip ang dalawa nitong kamay sa bandang tiyan.

Ito ang pinagmulan ng espekulasyong buntis diumano ito at ipinakalat ng ilang Facebook pages at YouTube channels.
Sabi sa isang Facebook post: “Maaaars paskong pasko walang patawad sa tsismis ah. Pero mukhang buntis nga.”
Komento ng isang netizen sa post: “Totoo ba na buntis Yung Isa sa mga anak Niya. Merry Chismis”

Sa isa pang Facebook page, nakasaad dito: “FINALLY! SAM CRUZ PREGNANT?”

Nakalagay naman sa isa pang post: “USAP-USAPAN NGAYON NG MGA MARITES ANG ISA SA DALAGANG ANAK NI SUNSHINE CRUZ, BUNTIS NGA RAW BA ITO?”

Kaagad itong pinabulaanan ni Sunshine, at kinonedana ang mga nagpapakalat nito.
Deklara niya sa kanyang Facebook post noong December 26: “FAKE NEWS!
“So easy to destroy and make fun of someone by spreading lies on social media.
“Piliin nyo pinaglalaruan nyo huwag yung bata o MINOR pa. Sam Cruz”
Biktima na rin noon ngmalisyosong posts ng netizens ang mga anak ni Sunshine.
