PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Bea Alonzo, Dominique Roque's mothers make a pinky promise?

This is not the first time that Dominic's family visited Bea's rest house.
by Rachelle Siazon
Published Dec 30, 2021
Bea Alonzo, Dominic Roque, BeaDom
May kasunduan na ba ang pamilya ng magkasintahang sina Bea Alonzo at Dominic Roque, partikular na ang kanilang mga ina na sina Mary Ranollo at Lena Roque?
PHOTO/S: @beaalonzo / @lenaroque16 Instagram

Ipinakilala na nina Bea Alonzo, 34, at Dominic Roque, 31, ang mga pamilya nila sa isa't isa.

Sama-sama silang nagdiwang ng Pasko sa malawak na rest house ni Bea sa Zambales.

Doon naninirahan ang ina ng aktres na si Mary Anne Ranollo at stepdad na si Amado Carlos. May hiwalay ring bahay sa lupain ni Bea ang kapatid niyang si James Carlos kasama ng misis nito.

Dinala ni Dominic ang mga magulang at tatlong kapatid niya roon para magbakasyon ngayong holiday season. Ang kuya ni Dominic na si Anthony Roque, na isa ring artista, ay kasama ang misis at anak nito.

Noong December 25, Araw Ng Pasko, ipinakita ni Dominic sa Instagram ang family picture nila.

"Maligayang Pasko sa lahat! #GodBlessUsAll," simpleng caption ni Dominic.

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bea and dominic's moms allude to a promise

Halatang magkasundung-magkasundo ang mga pamilya ng magkasintahan, partikular na ang kanilang mga ina.

Ang ina ni Dominic na si Lena Roque ay nag-post din sa sarili nitong Instagram account.

Ipinahiwatig din niyang hindi ito ang unang pagkakataong bumisita ang pamilya Roque sa rest house ni Bea.

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base ito sa dalawang litrato na ibinahagi nito na may caption na "Ranollo/Roque family 2020/2021."

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

Pero pinakakiniligan ng lahat ay ang pinky promise ni Lena at ng ina ni Bea na si Mary.

Saad sa caption ni Lena, "Sumpaan at Kasunduan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

IS WEDDING BELLS IN THE OFFING?

Hindi nakaligtas sa fans nina Bea at Dominic ang mga post ng ina ni Dominic.

Pakiramdam nila ay tila botong-boto ang mga ito na matuloy sa kasalan ang relasyon nina Bea at Dominic.

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

May fans pang nagtanong kung namanhikan na raw ba si Dominic sa pamilya ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wedding bells is waving," hirit pa ng iba.

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

Kung anu't ano man, masaya ang netizens na makita ang "adorable mothers" nina Bea at Dominic na sobrang magkasundo.

BeaDom, Bea Alonzo, Dominic Roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May kasunduan na ba ang pamilya ng magkasintahang sina Bea Alonzo at Dominic Roque, partikular na ang kanilang mga ina na sina Mary Ranollo at Lena Roque?
PHOTO/S: @beaalonzo / @lenaroque16 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results