Dominic Roque on girlfriend Bea Alonzo: "I can see our future together."

by Rachelle Siazon
Sep 2, 2021
After all his past struggles in life, Dominic Roque says he's in a good place in terms of running a small company and having a happy relationship with girlfriend Bea Alonzo. He says of God's perfect timing, "Sobrang worth it."
PHOTO/S: CTTO / @dominicroque Instagram

"I can see our future together. Yun, yun. "

Ito ang paglalarawan ni Dominic Roque, 31, sa relasyon nila ng nobyang si Bea Alonzo, 33.

Sa unang pagkakataon ay ikinuwento ni Dominic na sobrang saya niya sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay, at malaking bahagi nito si Bea.

"Okay naman ako. Doing good actually—sa work, sa life, and sa love," halatang kinilig na turan ni Dominic.

Nakatsikahan ni Dominic ang malapit na mga kaibigang sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa Figure It Out podcast ng couple, na lumabas ngayong Setyembre 2.

Panay ang tukso ni Gabbi kay Dominic dahil noong una ay hindi pa mabanggit ni Dominic ang pangalan ni Bea.

Hirit pa ni Gabbi, "Parang alam naman yata ng lahat!"

Sagot ni Dominic, "Maraming may alam, pero eto yung time na nakapag-out kami.

"Hindi mo na iniisip yung galaw mo, sasabihin mo, you can be yourself.

"Ang sarap sa feeling."

Continue reading below ↓

Wala raw sa plano nila ni Bea na isapubliko ang kanilang relasyon nang magbakasyon sila sa California.

Pero nakaramdam si Dominic ng "freedom" at pagpapasalamat sa Diyos dahil tingin niya ay perfect timing ang nangyaring pag-amin nila ni Bea.

Saad niya, "Siguro right moment, yun lagi ko sinasabi sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. God's perfect time.

"Siguro eto rin yung time na ibinigay sa amin para lumabas kami together.

"Very thankful [ako] na ni-guide kami ni Lord sa journey namin together."

Continue reading below ↓

the sweet ig posts and bea's confirmation

Unang isinapubliko nina Bea at Dominic ang tungkol sa kanilang pag-iibigan nang maging "Instagram official" sila noong July 20, na eksaktong 31st birthday ni Dominic.

Nagbabakasyon sila sa California nang i-post sa Instagram Story ni Dominic ang video nila ni Bea na super sweet.

Unang beses nila iyon na mag-post ng couple video.

August 9 nang kumpirmahin ni Bea na nobyo niya si Dominic.

August 17 nang ikinuwento ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang love story nila ni Dominic.

Nagsimula sila sa pagiging magkaibigan, at mas lumalalim dahil sa pagpursige ng binatang iparamdam sa kanya ang pagmamahal nito.

Si Bea rin ang nagsabi sa PEP.ph na siya ang nag-post ng first couple video nila ni Dominic, na kita ng publiko, gamit ang phone ng nobyo.

Nagkataon lang daw na sobrang saya nila ni Dominic at naramdaman nitong nais niyang ibahagi ang sweet moment nilang iyon.

Continue reading below ↓

Ani Bea, "Hindi naman intentional. Sometimes you just go with the flow, go with your gut feel. And it felt right."

"Few months" na ang kanilang relasyon at bago iyon ay nagde-date na rin sila, ayon kay Bea.

DOMINIC'S PAST RELATIONSHIPS

Sa panayam ng PEP.ph, pahapyaw na natanong si Bea kung may alam siyang dating girlfriend ni Dominic na tiga-showbiz.

Continue reading below ↓

Umoo si Bea, pero hindi siya nagdetalye dahil wala raw siya sa posisyong magkuwento tungkol sa past love life ng nobyo.

Sa panayam nina Khalil at Gabbi, sinabi ni Dominic na hindi siya sanay na open book ang kanyang love life.

Ang totoo ay nagkaroon daw si Dominic ng lihim na relasyon sa isang personalidad na hindi niya pinangalanan.

"Sa close friends ko lang naman talaga may alam ng past relationships ko. At kayo, saksi din kayo sa past relationship ko.

"Ibang journey din yun. Pero... happy. Ngayon, siyempre mas masaya."

May sinabi pa sina Gabbi at Khalil na tanging silang mga malapit na kaibigan ni Dominic ang nakakaalam ng sakripisyo nito noon sa dating karelasyon.

Sang-ayon ni Dominic, "Marami kasing tao na di alam kung ano pinagdaanan ko sa past relationship ko.

"Malaking blanko lang siya na inisip ng tao na wala akong karelasyon. Kasi wala naman talaga silang makikita, e. Walang lumabas."

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung artista rin ang huli niyang ex-girlfriend.

Sabi lang niya, "So, hirap din yun. Ilang years din na ganun."

Hindi idinetalye ni Dominic kung bakit nasabi niyang mahirap ang sitwasyon sa dating relasyon.

HOT STORIES

on happy life and love: "SOBRANG WORTH IT"

Sa kabilang banda, bukas si Dominic kina Khalil at Gabbi na marami siyang hirap na pinagdaanan sa buhay.

Continue reading below ↓

Nabanggit pa ni Dominic na mula edad 17, natuto siyang maging independent at motivation niya ang makatulong sa pamilya at sa pagpapaaral sa dalawang nakababatang kapatid.

Ngayon, nasa punto raw siya ng kanyang buhay na masasabi niyang maayos ang lahat, at patuloy siyang nagsisipag para rin sa kanyang future family.

Hindi man aktibo si Dominic sa showbiz, abala ito sa pag-aari niyang kumpanya na may kinalaman sa digital marketing at social media management.

Dagdag pa rito na blooming ang kanyang love life.

Tanong ni Gabbi, "So, parang this time, pinagbigyan mo yung sarili mo na, 'Ako naman?'"

Sagot ni Dominic, "Siguro kailangan na rin. Tumatanda na rin ako, e. Di ba?"

Tanong ulit ni Gabbi, "Was it worth it?"

Masayang sabi ni Dominic, "Sobrang worth it."


Continue reading below ↓

story behind dominic's JAPAN TRIP WITH BEA IN 2019

On a lighter note, ibinuking nina Gabbi at Khalil si Dominic na sa Japan nagsimula ang panliligaw nito kay Bea noong November 2019.

Panunukso ni Gabbi kay Dominic, "Dun ang simula ng story ng iyong journey of love."

Kuwento ni Gabbi, biglaan ang pagpunta ni Dominic sa Japan noon.

"Nung 2019 kasi, nag-Japan kami ni Khalil for Halloween. Isa yun sa mga trips na looking forward kami.

"Asa kalagitnaan ng trip namin, si Papa Doms, biglang nag-text kay Khalil."

Sumingit si Khalil at inihirit ang text message sa kanya ni Dominic, "Uy, punta ako diyan.'"

Dugtong ni Gabbi, "Parang pupunta lang siya ng Q.C."

Ang totoo, nauna nang inaya nina Khalil at Gabbi si Dominic na sumama sa Japan, pero hindi raw ito sumama.

Kaya nagulat sila sa text nito.

Kuwento ni Dominic, "Actually, ni-invite nila ako pumunta nung sinabi nilang pupunta sila.

Continue reading below ↓

"So, nag-isip na ako, 'Pupunta ba ako dun?' Tapos andaming mga kaibigan na andun, di ba?"

HOW DOMINIC INVITED BEA TO A SUPPOSED ZAMBALES TRIP

Pero naisip daw ni Dominic na yayain si Bea na mag-Zambales.

Dugtong ni Dominic, "Nagkausap kami ni Bea. Dapat pupunta kami ng Zambales with Marc Nicdao.

Continue reading below ↓

"Sabi niya, 'Dom, punta tayo ng Zambales. Invite mo sila Bey kung gusto nila sumama.'

"I messaged Bea. Sabi ko sa kanya, 'Hon..."

Biglang nagpreno si Dominic sa endearment niya kay Bea at sinabing, "Ay, wala pa palang 'Hon' nun."

Natatawang sabi ni Gabbi, "Wala pa! Wala pa! 2019 pa yun."

Patuloy ni Dominic, "Sorry, sorry! Sabi ko, 'Bey, baka gusto mo sumama. Si Marc nagyaya mag-Zambales.

"Sabi niya, 'Ay, sayang, pupunta kami ng Japan.'

"Ta's nung sinabi niya pupunta sa Japan, sabi ko sa kanya sa message, 'Ahhh... Sama ako!'

"Sabi niya, 'Tara!' Ta's napaisip ako, 'Sasama ba ako?'"

Nabigla rin daw si Dominic na nauwi sa Japan ang plano niyang lumabas.

Hirit ni Gabbi, "At ano ang sabi ng kaibigan mo?"

Sagot ni Dominic, "Sabi ng kaibigan ko, 'Sama ka.'

Tila may nais pang tumbukin si Gabbi kaya pinadudugtungan niya kay Dominic ang kuwento.

Pero sabi lang ni Dominic, "Basta sama ka. Enjoy, di ba?"

Continue reading below ↓

Sumama raw si Dominic kay Bea at sa handler/travel buddy nitong si Nina Ferrer.

Nakipagkita rin si Dominic kina Khalil at Gabbi roon at sobrang na-enjoy raw nilang magkakasama sila.

Ani Dominic, "Enjoy, di ba? Andun si Ate Nina. Kami, wala naman kaming plano din. 'Sige, sama tayo dito, inom tayo diyan, kain tayo dito.'

"So, yun. Yun ang istorya."

Sabay-sabay na tumawa sina Dominic, Gabbi, at Khalil dahil sa maganda nilang alaala sa Japan.

Dugtong ni Dominic tungkol sa kanila ni Bea, "So, the rest is history."

Continue reading below ↓

CALIFORNIA TRIP WITH BEA THIS 2021

Back to present time, ibinahagi rin ni Dominic na mas nagkakilanlan sila ni Bea nitong nagbakasyon sila sa California.

Ito ang itinuturing nilang first major trip na magkasama sila bilang couple.

Kuwento ni Dominic, "Medyo matagal kami nandun—26 days. Medyo mahaba ang bakasyon.

"Sobrang saya at medyo nakakapagod din siya kasi iba yung journey na ginawa namin.

"Ang daming pinuntahan, ang daming na-experience.

"Pero maganda dun, we get to know pa yung mga ugali namin sa sarili namin and towards each other.

"So, enjoy. At pinapatibay."

Inilarawan pa ni Dominic na "triple" ang pag-iingat nila ni Bea dahil sa pandemya.

"Actually, hesitant kami at first to travel kasi andami nangyayari sa mundo.

"Pero yung news naman that time, okay naman. Okay naman mag-travel yung ibang mga kaibigan sa U.S."

Ang tinutukoy ni Dominic ay ang mga kaibigan niyang taga-New York na pinuntahan sila ni Bea sa California.

Continue reading below ↓

"Kapag nasa labas kami, naka-face mask pa rin kami, pero sometimes tinatanggal namin.

"Ayaw lang namin yung crowded places na walang face mask kasi nakakatakot."

"Normal" sa U.S. ang hindi mag-face mask.

Pero bilang nanonood sila ng news tuwing umaga, nakita raw ni Dominic na sa kalagitnaan ng trip nila roon ni Bea ay nagka-surge sa COVID cases.

"Sabi ko na lang kay Bea, 'Hon, kailangan pa rin talaga nating mag-ingat nang todo kasi nakakatakot. Nakakapraning, e.'

"When we go out, pagbalik mo ng hotel, inaano mo yung sarili mo na, 'Okay pa ba hinga ko?' May ganun talaga. Until now, may ganun pa rin tayo."

Nang mag-road trip daw sila ni Bea sa Highway 1 sa Pacific Coast Highway sa California, mas napanatag si Dominic dahil panay outdoor at hindi masyadong crowded ang mga lugar na pinuntahan nila.

"Sa buong trip namin, nag-ingat na lang kami nang todo-todo."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After all his past struggles in life, Dominic Roque says he's in a good place in terms of running a small company and having a happy relationship with girlfriend Bea Alonzo. He says of God's perfect timing, "Sobrang worth it."
PHOTO/S: CTTO / @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results