PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmina Villarroel on "signs" that Zoren Legaspi is "the one"

Zoren Legaspi recalls moment when he kissed Carmina for the first time.
by Rachelle Siazon
Published Jan 6, 2022
Carmina Villarroel and Zoren Legaspi
Zoren Legaspi on the moment Carmina Villarroel became his girlfriend: "Walang sabi-sabi yun. Bigla mo na lang siya hahalikan. So, hinalikan ko siya. Ayun, napaupo siya! So, sabi ko, 'A, baka kami na.'" The couple got married in 2012 after many years of being in a relationship.
PHOTO/S: @zoren_legaspi / @mina_villarroel Instagram

"Walang ligawan na nangyari. We really started as friends."

Ito ang kinikilig na pahayag ni Carmina Villarroel, 46, nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nagsimula ang love story nila ni Zoren Legaspi, 49.

Pareho silang nagsimula sa showbiz noong 1987 kaya sila nagkakilala at naging magkaibigan.

"Kasi medyo sabay kami nagsimula sa showbiz. Sabay kami ni-launch ni Mother Lily," tukoy ni Carmina sa Regal Films matriarch na si Lily Monteverde.

Patuloy niya, "So, parang... di naman kami lumaki together, pero we really started as friends, co-workers, colleague, ganun.

"Tapos nung medyo na-launch na kami, napunta na siya sa mga ka-love team niya, we parted ways na.

"And then, na-rekindle yung friendship nung naging action star na siya. And then we did two movies together."

Isa sa mga pinagtambalan nilang pelikula ay ang Kahit Mabuhay Kang Muli noong 1998.

Noong panahong ito ay hiwalay na si Carmina sa ex-husband na si Rustom Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Carmina tungkol sa kanila ni Zoren, "Kasi Pasig area siya, e. I transferred from the South napunta ako sa Pasig. So, napagkuwentuhan namin, 'A, Pasig ka, Pasig din ako.'

"Parang super ang galing lang how the friendship was rekindled. Ini-introduce niya ako to his friends.

"And then we started hanging out, pero walang ligawan, e. Pero alam mong type namin yung isa't isa. Pero walang ligawan. Pero marami din kami kilig moments."

Nakapanayam ng PEP.ph sina Carmina at Zoren sa mediacon ng Stories from The Heart: The End of Us noong December 15, 2021.

Carmina Villarroel and Zoren Legaspi

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE SIGNS THAT CONVINCED CARMINA ZOREN IS THE ONE

Nang maramdaman ni Carmina na nagkakamabutihan na sila ni Zoren, nanalangin siyang gusto niyang humingi ng "signs" kung ito nga ang lalaking nakalaan para sa kanya.

Balik-tanaw ni Carmina: "When we were going out, kasi lumalabas kami at walang ligawan, pero di kami. Lumalabas kami minsan as a group, nagde-date kami.

"So, humingi ako ng sign. Tatlong sign yun, e.

"Pero yung dalawang sign, ang hiningi ko talaga, gusto ko pag sumakay ako sa pickup truck niya, sabi ko, 'Sana kantahan niya ako ng 'You Look Wonderful Tonight.'

"So, alam naman natin lahat na di siya singer, di siya kumakanta.

"For some strange reason. Hindi ko alam, Tatay, kung natatandaan mo yun. Pagsakay ko sa pickup niya na color red, yun ang tumutugtog dun sa car niya!

"Although di siya radio, CD siya. Hindi ko alam kung sinadya niya yun or nagkataon lang, pero kinilabutan talaga ako. 'Oh my gosh! Tumutugtog.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, okay na, 'Oh my gosh, I got my first sign.'"

Naalala pa ni Carmina ang sumunod na pagkakataong tumama ang "sign" na hiningi niya.

"But those signs, hindi ko yun hiningi in one night, ha? 'Basta bigyan mo lang ako ng sign if he's really the one.'

"After a while, I wasn't sure if that was that night or yung succeeding dates namin, ang hiningi kong sign, 'Sana dalhin niya yung purse or bag ko.'

"Kasi nakyu-cute-an talaga ako sa guys na dinadala yung bag ng girl. It's not because it's heavy, pero I just find it cute.

"Imagine mo, ang laki-laki nilang tao ta's dala-dala na bag pang-girly-girly. Wala lang."

Sobrang memorable at na-appreciate daw niya ang simplenge efforts ni Zoren.

Kinikilig pa ring lahad ni Carmina: "Yung mga signs na hiningi ko, yung not the usual signs, hindi yung madaling ibigay sa 'yo.

"Of all the songs, talaga yun ['You Look Wonderful Tonigh't]. I know it's not a popular song, but hindi kasing popular ng 'It Might Be You' or something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This one, papunta na ata tayo sa Fridays, kinuha niya lang yung bag ko.

"E, alam mo naman siyempre that time, action-action star, di ba? For him na naka-leather jacket, kinuha niya yung bag ko.

"So, ako talaga, 'Oh my gosh!' Yun ang little things na di niya alam na very memorable at talagang nakakakilig for me."

Isa pang insidente na naalala ni Carmina ay nang maalala ni Zoren ang pinapabili niyang imported makeup nang magtungo sa Japan ang aktor noong panahong hindi pa sila magkasintahan.

Dire-diretsong tsika pa rin ni Carmina sa PEP.ph: "For a guy to buy makeup, that's really plus points for me, especially sa kanya, action star, walang alam sa makeup.

"Because that time, wala pang Shu Uemura dito. That time pumunta siya ng Japan, sinabi niya, 'Meron ka ba gusto pabili?' Ako naman, 'Puwede mo ba ako bilhan ng makeup at nail polish na Shu Uemura?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nasabi ko lang pero di ko ine-expect na bibilhan niya talaga ako. But when he got home, binigyan niya ako ng eye shadow, nail polish... I was really amazed.

"Siyempre kinilig ako because not all guys naman would do that. Kasi, unang-una, wala silang alam sa makeup.

"Tapos yung mga kasama niya, boys, so di ko alam kung paano niya ginawa. 'Pare, tulungan mo naman ako maghanap ng makeup.'

"But I appreciate it so much na hanggang ngayon tandang-tanda ko siya."

Carmina Villarroel and Zoren Legaspi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

ZOREN REMEMBERS KISSING CARMINA FOR THE FIRST TIME

Sumunod na inusisa ng PEP.ph kung ano ang tumatakbo sa isip ni Zoren noong sinusuyo niya si Carmina.

Ayon sa Kapuso actor-director, hindi siya naniniwala sa estilong best foot forward.

Saad niya, "Di talaga ako nanliligaw. Di ako naniniwala sa courting stage. I think that's a very fake stage.

"You should be friends. There's no courting stage kasi lahat ng pangit na attitude mo, di mo talaga ipapakita yun kasi nasa courting stage ka. So, let's call it kaplastikan.

"Siyempre ang babae, gustung-gusto yung courting stage. Dinadalhan ng bulaklak, dinadalhan ng tsokolate.

"So ako, di talaga ako nanliligaw."

Paano niya ipinaalam kay Carmina na gusto niya ito?

Swabeng sagot ni Zoren: "Magkaibigan lang tayo. And then one day, pag hinalikan kita—which I did—mararamdaman mo.

"Mararamdaman natin kung tayo o hindi."

Sabay sabi ni Zoren kay Carmina tungkol sa unang pagkakataong hinalikan niya ito, "Binalikan kita, di ba, sa pintuan mo? Napaupo ka pa nga, e!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tatay!" nahihiya pero halatang kinilig na napahampas pa ng kamay na sabi ni Carmina.

Napapangiting patuloy ni Zoren, "Walang sabi-sabi yun. Bigla mo na lang siya hahalikan. So, hinalikan ko siya. Ayun, napaupo siya!

"So, sabi ko, 'A, baka kami na.'"

Swabe at hindi planado ang effort ni Zoren na iparamdam na naalala niya si Carmina tulad nga nang pasalubungan niya ang aktres ng makeup galing Japan.

"Yun, di talaga ako nanliligaw. Yung mga ginagawa ko sa kanya, it's because I like her. Tatanungin ko, ano gusto niya sa Japan.

"Nung sinabi niyang makeup, siyempre initial reaction ng guy, 'What the f*ck? Makeup? Paano ako bibili nito.'"

Ni hindi raw niya alam i-pronounce ang brand na gusto ni Carmina.

"Siyempre magtatanong ka, 'Pare, saan ba yung Shuwi... Something shuwi, Pare.' 'Baka Shu Uemura.' 'A, yun ba yun? O, tara punta na tayo.'

"Ganun yun. If you really like a girl, bibigyan mo siya ng mga bagay na gusto niya. pero di ako talaga nanliligaw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinalikan daw ni Zoren si Carmina sa unang pagkakataon noong panahong umakto siyang "bodyguard" nito.

"Hanggang sa... lagi naman ako andun sa bahay niya. And naging bodyguard kasi ako niyan.

"There was a time na bodyguard niya ako sa gabi. Pumupunta ako sa bahay niya para bantayan siya.

"Mahabang istorya 'yan, di ko maistorya ngayon.

"Pero bodyguard niya ako tuwing madaling-araw hanggang umaga. Dun nabuo 'yan."

Hindi na gaanong idinetalye ni Zoren, pero dati na nilang naikuwento sa isang TV interview na naranasan ni Carmina na may nagpaparamdam ditong multo tuwing madaling-araw.

Nasabi rin nila noong wala naman nangyari sa kanila noon liban sa naging magkasintahan nga sila.

Ipinanganak ni Carmina ang twins na anak nila ni Zoren na sina Mavy at Cassy noong January 6, 2001.

Ikinasal ang couple sa surprise wedding na plinano ni Zoren noong November 15, 2012.

Carmina Villarroel and Zoren Legaspi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zoren Legaspi on the moment Carmina Villarroel became his girlfriend: "Walang sabi-sabi yun. Bigla mo na lang siya hahalikan. So, hinalikan ko siya. Ayun, napaupo siya! So, sabi ko, 'A, baka kami na.'" The couple got married in 2012 after many years of being in a relationship.
PHOTO/S: @zoren_legaspi / @mina_villarroel Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results