PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karen Davila claps back at basher who said all she does is travel

"Get a life, dude!"
by KC Cordero
Published Jan 8, 2022
Karen Davila's IG photos
Nasermunan ni Karen Davila ang netizen na nagsabing puro biyahe lang ang ginagawa niya. Ayon sa Kapamilya broadcaster, huwag nitong gawing guilty ang mga nanay na nais magbakasyon kasama ang mga anak.

Sinopla ng ABS-CBN news anchor na si Karen Davila ang isang netizen na nagsabing wala siyang ginagawa kundi ang magbiyahe at magpunta sa Boracay kasama ang pamilya.

Nagsimula ang isyu nang mag-comment at magpasalamat si Karen sa isang news website na nag-post ng balita noong January 7, 2022 na ang kanyang buong pamilya ay tinamaan ng COVID-19.

Matapos ito, nag-comment naman ang isang @khalid.alsugair.

Paratang nito kay Karen: “All she does is travel and go out with her family to boracay...”

Karen Davila's reply to a netizen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito pinalampas ni Karen.

Buwelta niya sa netizen" “@khalid.alsugair "all she does"??? Dude, I've been a full time working mother all my life. Don't you dare make mothers feel guilty for wanting a vacation & wanting to spend time with their kids.

"Get a life man!"

Sa kanyang panayam kay Dr. Tony Leachon sa programang Headstart ng ABS-CBN noong January 7, sinabi ni Karen na nagpositibo ang kanyang buong pamilya sa virus matapos magdiwang ng holiday season sa Boracay kung saan nakasama rin niya ang ilang showbiz friends.

Aniya, “I think it’s the perfect opportunity for me to also share with the public that my own family tested positive for COVID.

“We are COVID positive after we arrived from the holidays this coming New Year.”

Maayos naman umano ang kanilang kalagayan at nagpapagaling.

Nagpahayag din si Karen ng pangamba para sa iba na nahihirapang mag-quarantine sa kanilang mga tahanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang Disyembre 2021 ay umapela rin si Karen sa mga magulang ng mga bata na pabakunahan ang kanilang mga anak para protektado ang mga ito laban sa COVID-19.

Aniya, importante ang bakuna. Ibinahagi pa niya ang Instagram photos at video ng kanyang mga anak nang magpabakuna.

Karen Davila's son got vaccinated

Hindi napapanood sa ngayon si Karen sa TV Patrol at ang iba pa niyang co-anchors matapos mapaulat na ini-isolate sila at ang iba pang staff matapos ma-expose sa make-up artist na nag-positive sa COVID-19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasermunan ni Karen Davila ang netizen na nagsabing puro biyahe lang ang ginagawa niya. Ayon sa Kapamilya broadcaster, huwag nitong gawing guilty ang mga nanay na nais magbakasyon kasama ang mga anak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results