May payo si Kim Chiu sa lahat lalo na ngayong patuloy ang pagbulusok muli ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa kanyang Instagram noong Biyernes, January 7, 2022, ibinahagi ni Kim na meron din siyang mga kamag-anak at kaibigang nahawaan ng virus.
Saad ng It’s Showtime co-host, “How’s your first week of 2022???
“For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron. I hope and pray that this will be the beginning of the end. keep safe everyone.”
Payo pa niya, ngayon ang panahong manatili ulit muna ang lahat sa kani-kanilang mga bahay.
Ginamit pa ni Kim ang viral niyang linya noong “bawal lumabas” na kahawig ng titulo ng pelikulang pinagbidahan niya, ang Huwag Kang Lalabas na entry sa Metro Manila Film Festival 2021.
Dagdag pa niya, “#BawalLumabas bahay muna, pahinga from all the parties and vacation that we had.
"Take this time to reflect, reset, eat healthy, exercise, drink your vitamins and plan for the rest of the days of 2022.”
Hinikayat din niya ang mga taong nakararanas ng mga sitomas ng COVID na mag-isolate kaagad para hindi na makapanghawa pa.
Aniya, “If you have any of the symptoms please isolate na kaagad para di mahawa yung mga kasama nyo sa bahay.
"More than anything we really have to be responsible. kaya natin to. take care everyone!”
View this post on Instagram
Kahapon, January 8, sumampa na sa lagpas 26,000 ang COVID cases, at inaasahang mas marami pa ang maitatalang kaso ngayong araw, January 9.
