PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu asked if she considered leaving ABS-CBN for another network

Kim Chiu explains her loyalty to ABS-CBN and wish for franchise renewal.
by Rose Garcia
Published Dec 15, 2021
Kim Chiu ABS-CBN
"Ginawa ko lang naman kung ano ang gusto kong gawin. Bukal sa puso ko at hindi naman kami pinilit dun, kusa talaga namin yun," says Kim Chiu referring to the time she got bashed after joining fellow Kapamilya stars fighting for ABS-CBN franchise renewal back in 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano / @chinitaprincess Instagram

Nanindigan si Kim Chiu na buo ang loyalty niya sa ABS-CBN sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng kinabibilangang network.

Hindi raw sumagi sa isip niya ang lumipat ng ibang TV network.

Ayon kay Kim, patunay nito ang pakikipaglaban niya para sa istasyon noong kasagsagan ng isyu noong 2020.

Hindi raw niya ma-imagine na pagkatapos ng matinding bashing na dinanas niya dahil sa viral "Bawal Lumabas" quote niya noon ay bigla niyang iiwan ang network at mapapanood siya sa ibang istasyon.

"Ang hirap nun," sambit ni Kim.

Sabay sabi niya, "Malaki ang utang na loob ko sa ABS-CBN dahil nga sa PBB.

"Wala namang ibang naka-discover sa akin kung hindi si Direk Lauren.

"Parang nahihiya ako."

Ang tinutukoy ni Kim na "PBB" ay ang ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 kunsaan siya nadiskubre noong 2006.

Si Laurenti Dyogi ang business unit head ng PBB noong panahong iyon. Sa kasalukuyan, si Dyogi ay head ng ABS-CBN TV Production Head at talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIM RECALLS "BAWAL LUMABAS" CONTROVERSY

Nakapanayam si Kim sa presscon ng Huwag Kang Lalabas, isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2021. Isa itong horror trilogy movie kunsaan bida siya sa episode na "Hotel."

Ginanap ang presscon sa Fisher Mall sa Quezon City noong December 12.

Ayon pa kay Kim, naramdaman niyang na-appreciate ng ABS-CBN management ang kanyang loyalty sa home network of 15 years.

"Opo, opo, sobra po," saad niya.

Hindi rin daw siya iniwan sa ere ng ABS-CBN bosses nang mapa-trouble siya dahil sa "Bawal Lumabas" controversy.

Noong May 8, 2020, nakiisa si Kim sa ABS-CBN stars na nag-online protest matapos ipasara ng National Telecommunications Commission ang broadcast operations ng Kapamilya network dahil sa napasong prangkisa nito.

Ang nais sanang ipunto noon ni Kim ay binigyan sana ang ABS-CBN ng tsansa na ayusin ang requirements para sa franchise renewal application at hindi na lang basta ito ipinasara.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi iyon naipaliwanag nang mabuti ni Kim dahil sa magulong latag niya ng kanyang saloobin.

"At sobra po ang pasasalamat ko sa ginawa nila sa akin.

"Parang hindi ko rin po alam kung ano ang nangyari sa akin nung gabing 'yon, ang dami kong nasabi na wala sa lugar," balik-tanaw ni Kim.

At natawang sabi rin niya, "Pero naging kanta naman siya."

Pero diin ni Kim, boluntaryo ang pagtatanggol niya sa ABS-CBN sa online protest na iyon.

"Ginawa ko lang naman kung ano ang gusto kong gawin. Bukal sa puso ko at hindi naman kami pinilit dun, kusa talaga namin yun.”

Mula nga sa mga natanggap na pamba-bash, ang kanyang viral quote na "Bawal Lumabas" ay naging kanta, serye, at ngayon ay isa nang pelikula.

Pagdating ng araw, ano ang babalikan niyang alaala mula sa karanasang iyon?

Sagot ni Kim, "Siyempre, maaalala ko ang story of victory. Kasi, hindi ako nagpadala sa salita ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At saka, hindi ko naman yun ginawa na mag-isa. Parang meron at meron palang tutulong sa akin kahit paano.

"Yung kahit sobrang lugmok ka na, meron talagang ise-send na someone para tulungan ka at itayo ka sa kinalalagyan mo."

Tingin ni Kim ay maipagmamalaki niya iyon sa kanyang magiging mga anak in the future.

"Opo naman po. My gosh, naka-frame na nga po lahat ng mga balita! Chos lang!" natatawang biro pa niya.

Masaya lang si Kim na napagtagumpayan niya ang bahaging iyon ng kanyang buhay.

"Sobrang masaya lang po ako na nalagpasan ko po yun. Hindi ako nagpatalo. Muntik na.”

ON ABS-CBN FRANCHISE RENEWAL

Sa kabilang banda, aminadong nag-aalala si Kim sakaling hindi pa rin bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN sa oras na talakayin muli sa Kongreso ang franchise renewal application.

"Opo naman po, opo. Sino ba ang hindi takot?" mabilis na pag-amin ni Kim nang tanungin sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa showbiz industry, malaking bagay po talaga ang ABS-CBN.

"Ang dami pong nabibigyan ng work, ang daming nabibigyan na opportunity, mga dreams na nagiging totoo, not just as artista, kung hindi the people behind the camera.

"So, isa siyang malaking pangarap na nawala."

Wala mang prangkisa, patuloy sa serbisyo ang ABS-CBN sa pamamagitan ng online platforms, cable channels, at blocktime agreements sa ibang TV networks.

"Nandiyan pa rin naman, pero siyempre iba pa rin kapag meron kaming prangkisa.

"Mas maraming taong natutulungan, mas maraming pangarap ang natutupad. Mas [marami] lang ang nawala," katuwiran ni Kim.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ginawa ko lang naman kung ano ang gusto kong gawin. Bukal sa puso ko at hindi naman kami pinilit dun, kusa talaga namin yun," says Kim Chiu referring to the time she got bashed after joining fellow Kapamilya stars fighting for ABS-CBN franchise renewal back in 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano / @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results