PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beauty queen Ahtisa Manalo introduces boyfriend on Instagram

Netizen to Ahtisa Manalo: "Ahtisa wag mo muna isuko ang bataan."
by Arniel C. Serato
Published Jan 11, 2022
Ahtisa Manalo shares snaps of boyfriend Marco Suarez for the first time
Miss International 2018 first runner-up Ahtisa Manalo on her non-showbiz boyfriend Marco Suarez: "My bf is like so pretty.”
PHOTO/S: Courtesy: @ahtisa on Instagram

Samu’t saring reaction ang ikinomento ng netizens sa post ni Miss International 2018 first runner-up Ahtisa Manalo sa Instagram kahapon, January 10, 2022.

Super sweet kasi itong larawan niya kasama ang non-showbiz boyfriend na si Marco Suarez.

Ito ang unang pagkakataong ipinakilala ni Ahtisa sa publiko ang kanyang nobyo.

Sabi lang ng beauty queen sa caption: “my bf is like so pretty.”

View this post on Instagram

A post shared by Ma Ahtisa Manalo (@ahtisa)

Pinagkaguluhan naman ng netizens, lalo na ng beauty pageant aficionados, ang post na ito ni Ahtisa.

Cute naman kasi at guwapo ang nobyo nito.

Pero ayon sa ibang netizens, sana huwag daw muna isuko ng beauty queen ang Bataan dahil kailangan pa itong sumali sa Miss Universe Philippines 2022.

Buong sabi ng netizen: "Ahtisa wag mo muna isuko ang bataan. @ahtisa!!!!"

Ahtisa Manalo boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilan namang nagsabing huwag daw muna itong magpabuntis hanggang hindi pa sumali sa Miss Universe Philippines.

Saad ng isa: "Wag kang muna magpabuntis o magpakasal! Unahin mo yung pageant @ahtisa please...."

Ahtisa Manalo boyfriend

Sabi naman ng isa pang suhestiyon niya kay Marco: "Please wag mo munang anakan. maging miss universe pa yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ahtisa Manalo boyfriend

Narito ang ilan pang reaction ng netizens:

Ahtisa Manalo boyfriend

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May isa ring nagsabing huwag na lang daw sumali si Ahtisa dahil karamihan sa mga nagwaging Miss Universe Philippines ay nakahiwalayan ang kanilang karelasyon matapos silang makoronahan.

Ahtisa Manalo boyfriend

Kabilang sa kanila si Rabiya Mateo, Miss Universe Philippines 2020, na nakipaghiwalay sa longtime boyfriend nitong si Neil Salvacion.

Pati na si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez na nakipaghiwalay din sa longtime partner na si Kate Jagdon matapos makoronahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hayag na miyembro ng LGBT community si Beatrice.

Samantala, sasali na dapat noon sa Miss Universe Philippines 2020 si Ahtisa pero bigla siyang umurong sa timpalak dahil sa health reasons.

Batay sa kanyang pahayag: “I need to take care of my health and I hope everyone will be understanding of it.

"I was hoping that I'll be able to join this year; but after considering the opinion of everyone important in my life, we decided it'd be best for me not to push through."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss International 2018 first runner-up Ahtisa Manalo on her non-showbiz boyfriend Marco Suarez: "My bf is like so pretty.”
PHOTO/S: Courtesy: @ahtisa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results