Patuloy pa ring tumatanggap ng batikos ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez, 57, dahil sa deleted Instagram post niya noong January 9, 2022.
Sinabihan siya ng ibang netizens na "insensitive" dahil sa kanyang caption.
Ani Korina sa kanyang deleted IG post: “Lahat nagka covid na. Ako never pa. And im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”
Kalakip nito ay ang kanyang beach photo.
Dahil sa matinding batikos, binura ito ni Korina.
Kinabukasan, January 10, nag-post ang broadcaster ng ibang anggulo ng kuha sa beach. Mas banayad din ang caption niya rito.
Sabi ni Korina: “Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—even as Im all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito.”
Paliwanag niya, nagkaroon siya ng “miscalculation of words” sa kanyang previous post na kanya ring binura. At ang caption sa itaas ang gusto talaga niyang sabihin.
CRITICS CONTINUE TO ATTACK KORINA
Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng bashers si Korina, na masigasig naman niyang sinagot at hindi inurungan.
Tinawag niyang “trolls” ang mga kumutya sa kanyang deleted IG post, at pinasalamatan naman nito ang mga umunawa sa kanya.
Kahapon, January 13, komento pa ni Korina sa kanyang post: “So nasaan na ang mga troll na bayaran? Napagod na ba kayo? [laughing emojis]”
Ito nga ay dahil masipag niyang sinagot ang kanyang bashers na sunud-sunod na nag-iwan ng komento nitong mga nakalipas na araw.
Sabi ng isang netizen, ni-retract daw ni Korina ang kanyang naunang post.
Pero paglilinaw ni Korina: “I didnt retract. I just said it in a way that negatrons cant comprehend [laughing emoji]”
Tila ibig ipahiwatig ni Korina na pinalitan niya ang kanyang post at nilagyan ng caption na hindi pupunahin ng bashers.
Banat naman ng isa, matalino si Korina para magkaroon siya ng “miscalculation of words” sa kanyang naunang post.
Tirada pa nito, ang unang post ni Korina ang talagang laman ng puso niya at gusto niyang sabihin.
Buwelta ni Korina: “Ikaw din. Wag kang judgemental. Be humble.”
Tinawag din siyang "troll" ni Korina at ayaw niya itong pag-aksayahan ng panahon kung hindi raw ito makaintindi.
Sabi ng isa pa, mag-post na lang daw si Korina tungkol sa kanyang kambal na anak para makalimutan na ang nangyari.
Sagot ni Korina: “Ang need kalimutan hindi ang post ko. Dapat kalimutan at itapon sa ibang planeta ang mga TROLL na bayaran.”
Depensa ng isa kay Korina, lahat na lang daw ng sasabihin nito ay binibigyang-kulay ng ibang netizens. Napaka-sensitive daw ng iba.
Sumagot si Korina at nagpaliwanag siya tungkol sa kanyang deleted post.
Aniya, ibig lang niyang sabihin doon ay blessed ang mga hindi nahawaan ng sakit, pero hindi naman niya ibig sabihing “nagkulang na o hindi blessed” ang mga tinamaan ng COVID-19.
“Baka sensitive lang sila. OR MGA TROLLS as I discover,” ani Korina tungkol sa mga nagalit sa kanyang deleted post.
Banat naman ng isa pa, ibig daw bang sabihin ni Korina ay pag dinapuan ng COVID ang tao ay dahil masama ito?
Sagot ni Korina: “Hoy wala akong sinabing ganon. Nega ka lang.”
Sabi naman ng isa pa, “misunderstood” lang si Korina.
Gusto raw ng netizen na bigyan ng benefit of the doubt si Korina sa naging kontrobersiyal niyang IG post.
Katwiran ni Korina, “Ummm… I didnt kill anyone. I just thanked [God] Ive never been infected. Nothing wrong saying that.”
Bukod sa mga komentong ito, marami pang sinagot na netizens si Korina.
Tinawag niyang trolls ang mga kumutya at bumuwelta sa kanya dahil sa pinag-usapang Instagram post na dinelete na ng broadcaster.
Narito ang ilan sa kanila: