PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards hands-on producer for his ForwARd concert

Alden gives an update about how he spent his holiday vacation in the U.S.
by Rose Garcia
Published Jan 20, 2022
Alden Richards
Alden Richards on producing his ForwArd concert: "As days goes by na binubuo po namin ang show, mas malaki po ang naaambag sa pagkatao ko, kasi ang dami ko pong nae-experience na bago na hindi ko pa po naranasan before."
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram

Maganda ang simula ng taong 2022 para sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Noong January 7 ay maganda ang rating at positibo ang feedback sa finale ng The World Between Us, ang prime-time series nila ni Jasmine Curtis-Smith.

Kasunod nito agad ang concert niya na Alden ForwARd na sold-out na ang tickets kahit higit isang linggo pa bago ang mismong virtual concert.

"Chineck ko po kanina ang website, actually, sold-out na po siya," masayang balita ni Alden.

"Sold-out po tayo, thankful po ako. Pero kakausapin ko po ang team.

"Kung meron pa pong gustong bumili ng tickets, we might open another slot for them to accommodate them.

"Kasi siyempre, gusto naman natin na maraming makapanood at maka-experience nitong ForwARd.

"Nakakatuwa po kasi, medyo in reality po talaga, mahirap po talagang mag-produce ng online concert."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso star sa nakaraang online mediacon para sa Alden ForwARd concert na gaganapin sa January 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanghihinayang si Alden na hindi pa rin niya personal makakasalamuha ang kanyang fans, pero masaya siyang todo ang suporta ng mga ito.

"Hindi po ganun ang reception niya as opposed to live concert na face-to-face.

"Pero, blessed din po tayo ng mga supporters natin na talagang sobra ang suporta po sa lahat ng bagay na ginagawa natin.

"Pero yun po, sold-out na po siya as of the moment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As of January 17, 2022, binuksan muli ang ticket sales para sa mga nais pang manood ng concert.

SELF-DISCOVERY

May mga naging discovery rin si Alden sa sarili habang ginagawa niya ang ForwARd, lalo pa't sa pagkakataong ito ay siya mismo ang producer.

Natuto raw siyang asikasuhin ang bawat aspeto sa pagbuo ng isang virtual concert.

"Being responsible person that I am now, mas dumoble po yun. Kasi, ang laki po ng requirements kapag ikaw ang producer at performer sa isang show," saad niya.

"Kasi, hindi lang yung mga gagawin mong performances ang iintindihin mo. Parang from start to finish, itse-check mo ang concept.

"Siyempre, itse-check mo ang venue, itse-check mo ang requirements. Yung suweldo ng mga tao, down to the last details po."

Hands-on siya sa proyektong ito.

Patuloy ni Alden, "Parang detail by detail, nandun po ako, present po ako dun. So, mahirap po siya, pero ito po yung masayang mahirap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"As days goes by na binubuo po namin ang show, mas malaki po ang naaambag sa pagkatao ko, kasi ang dami ko pong nae-experience na bago na hindi ko pa po naranasan before."

Iba raw ito sa karanasan niya noong mag-produce siya ng play, ang Care Divas, dahil noon ay bumili lang siya ng show.

Ngayon ay talagang pati pakikipag-usap sa lahat ng bumubuo ng concert ay nagawa niya.

"Parang hindi po aandar kung wala po akong consent sa lahat ng pagkatao ng concert.

"So, napakalaking achievement po ito for me and napakalaking discovery rin po na masaya pala siya. Masaya siyang gawin."

Ang proceeds ng Alden ForwArd concert ay mapupunta sa bagong tatag niyang AR Foundation na naglalayong mag-grant ng scholarships sa kabataan.

May dalawang college students na natulungan si Alden makapagtapos ng pag-aaral bukod sa iba pang scholars na tinutulungan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

GETTING TO KNOW MORE OF ALDEN

Walang celebrity guest sa Alden ForwARd concert, pero may mga guest siya tulad ng Manila String Machine at ang U.S.T. Singers.

Excited si Alden dahil nakapokus ang concert sa pagpapakilala kung sino si Richard Reyes Faulkerson, na kanyang tunay na pangalan, at hindi lang basta iyong Alden Richards na nakilala ng tao. Si Alden ay kilala rin sa palayaw na RJ sa tunay na buhay.

Kung may gusto siyang i-forward sa buhay ni RJ, ano kaya ito?

"Kasi ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ko pa po naikuwento sa lahat,” saad niya.

"Pero with this concert, makikita nila. Sana lang, noong mas bata si RJ, mas pinorward lang niya ang pagiging responsible when it comes to studies. Kasi, yun po ang na-take for granted.

"Ngayon ko nari-realize na sayang. Sana hindi ganun ang naging attitude ko towards schooling.

"Kasi siyempre, bata ka pa. Hindi mo pa alam. Lumaki ka na education, it’s part of the culture, kailangan mo siyang gawin kasi lahat yun ang ginagawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala si Alden na mas naging maganda ang karanasan niya kung sineryoso niya ang pag-aaral.

Pag-amin pa niya, “Ako, when I was young, I really took it for granted. That’s why may pagsisisi po ako on that part. Sana tinuloy ko siya, sana pinorward ko siya.

"Kasi, mas maganda ang magiging benefits po nun on my part. But it’s never too late. Puwede pa namang mag-aral.”

At paunti-unti nga, nag-o-online schooling si Alden para matapos niya ang gustong degree.

BACK TO NORMAL

Kahit mahigit dalawang linggo na mula nang magdiwang si Alden ng kanyang ika-30 kaarawan, tinanong pa rin namin siya kung ano birthday wish niya.

Nasa Amerika si Alden nang magdiwang siya ng kaarawan noong January 2, 2022, at nakauwi lamang ng bahay nila sa Laguna noong January 11.

"Siyempre, kung ano man po ang nangyayari sa akin ngayon, sana steady lang," sambit ng Kapuso actor.

Patuloy ni Alden, "Stability and hindi na po ako masyadong nag-wish kasi parang blessed naman po ang past year ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And sana lang po, bigyan pa ng maraming blessing para marami pa tayong matulungan.

"Kasi, yun naman po talaga ang purpose ng pagiging blessed—to share."

Kinamusta rin namin kay Alden ang naging U.S. vacation niya. Dahil sa pandemic nitong halos dalawang taong nakalipas, ngayon lang uli siya nakapagbakasyon at nakaalis ng bansa.

Sabi niya, "Masaya po, although ibang-iba na po talaga sa set-up, airport pa lang, departure upon arrival.

"Pero nagulat lang po ako, kasi pagdating ko po dun, alam naman natin na may pandemic worldwide, pero dun po kasi, parang hindi masyado, parang normal po.

"Parang nag-lift na po sila ng mandate sa face mask na kapag nasa labas, puwede na pong wala.

"Pero kapag pumapasok sa mga tindahan sa loob, dun lang po sila nagre-require ng face mask."

Ang maituturing daw na highlight sa trip na ito ni Alden ay ang pamumuhay niya nang normal at simple lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre po, nakasama ko ang family ko dun. Nandun ang brother ko at kapatid ng tatay ko.

"And ano lang siya, simpleng-simple lang po ang pamumuhay ko in the past three weeks na nandoon ako.

"Parang bumalik po ako sa pagiging normal na tao. Walang nakakakilala—meron po, kapag medyo public places—pero yun po siguro ang talagang naging objective ng bakasyon ko po, to really normalize myself.

"Hindi muna po tayo artista dun, turista lang."

Na-achieve nga niya ito.

"Achieved na achieved," nakangiting sang-ayon niya.

Alden Richards

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on producing his ForwArd concert: "As days goes by na binubuo po namin ang show, mas malaki po ang naaambag sa pagkatao ko, kasi ang dami ko pong nae-experience na bago na hindi ko pa po naranasan before."
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results