PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Clavio prays for bashers amid COVID-19 ordeal

The Kapuso news anchor says bashers hoped he would succumb to COVID-19.
by Bernie V. Franco
Published Jan 22, 2022
arnold clavio covid 19
Arnold Clavio to those who wished him ill after testing positive for COVID-19: “Nawa’y hindi ninyo maranasan ang nararanasan ngayon ng marami sa Pilipinas at sa buong mundo."
PHOTO/S: @akosiigan on Instagram

Nagpapagaling na ngayon si Arnold Clavio matapos siyang tamaan ng COVID-19 virus.

Nag-post ang GMA News anchor noong January 9, 2022, para ipaalam na isa siya sa maraming nahawa ng virus.

Nagbigay ng daily update si Arnold kaugnay ng kanyang “quarantine journey” sa Instagram.

Pagsapit ng kanyang ika-sampung araw, nag-negatibo na si Arnold sa COVID-19.

Nabanggit ni Arnold na pati ang kanyang misis ay nahawa ng virus.

Binunyag din ni Arnold na may mga nagmensahe sa kanya na sana ay matuluyan siya matapos magkasakit.

Mensahe ni Arnold, “Sa mga umasa na ako ay lumala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay.

“Nawa’y hindi ninyo maranasan ang nararanasan ngayon ng marami sa Pilipinas at sa buong mundo.

“Kalakip ang kaliwanagan ng isipan at mabatid na tayong lahat ay may pananagutan sa piling Niya.”

Hayag pa ni Arnold, binago ng kanyang pinagdaanan ang pananaw niya sa buhay.

Hindi raw siya magiging instrumento para magpakalat ng galit, inggit, paninira at kasinungalingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin niya, “Marami akong natutunan sa panahon ng pag-iisa.

“Makatitiyak kayo na isang mas matalino at mas mabuting nilalang ang magbabalik.

“Misyon kong maging instrumento ni Ama na sa gitna ng pandemic, ang ikalat natin ay ang pagmamahalan at hindi galit, kalinga at hindi inggit, pag-asa at hindi kalungkutan, katotohanan at hindi paninira’t kasinungalingan.”

Paalala niya, “Maging handa tayong lahat!!!

arnold clavio covid 19

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARNOLD THANKS FRIENDS FOR SUPPORT

Sa daily updates ni Arnold, mababasa na maraming artista at personalidad ang nag-iiwan ng mga mensahe sa kanya.

Kabilang na rito sina Gabby Concepcion, Derek Ramsay, Ogie Alcasid, Wendell Ramos, Carla Abellana, Janno Gibbs, Connie Sison, at marami pang iba.

Ang pangungumusta raw ng mga kaibigan at kaanak ay nakatulong sa panahon ng kanyang pagkakasakit.

“Sa matinding pagsubok mo maaasahan ang mga tunay na kaibigan," ani Arnold.

"At itong mga nagdaang mga araw ay hindi magiging madali sa akin at sa aking maybahay kundi dahil sa inyong lahat.

“Ang mga panalangin at mensahe, pangungumusta at tawag, ang nagsilbing bitamina para labanan namin pareho ang Omicron variant ng Covid19.”

Sa unang araw pa lang daw, ang mga magagandang mensahe mula sa mga kaibigan ang “nagpalakas sa aming immune system.”

Sabi ni Arnold, “Kayo ang aming naging booster para mapagtagumpayan ito.”

Sa huli, pinasalamatan ni Arnold ang kanyang pamilya, mga kaibigan, mga mahal sa buhay, kalaro, katrabaho, at mga tagasubaybay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

arnold clavio covid 19

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Clavio to those who wished him ill after testing positive for COVID-19: “Nawa’y hindi ninyo maranasan ang nararanasan ngayon ng marami sa Pilipinas at sa buong mundo."
PHOTO/S: @akosiigan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results