Joshua Garcia, Ria Atayde call out fake news about them being an item

by Rachelle Siazon
Jan 28, 2022
Joshua Garcia, Ria Atayde
Joshua Garcia addresses poser spreading fake news that he has romantic feelings for Ria Atayde. The two are vocal about being very good friends. Five days ago, Joshua posted a photo of him and Ria (left photo) taken during a trip with their barkada.
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram / Joshua Garcia Facebook

Nilinaw nina Joshua Garcia at Ria Atayde na fake news ang hinihinalang pagkakamabutihan nila.

Ito ay sa gitna ng pagkalat ng litrato nila na ibinahagi ng isang Facebook user na may account name na "Joshua Garcia."

Makikita sa litrato si Joshua na may kasamang babae na nasisinagan ng araw.

Kalakip ng post ay may caption si "Joshua" na "Ikaw ang ang aking liwanag."

Joshua Garcia, Ria Atayde

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot ng halos 9,000 comments at 16,800 shares ang post na iyon.

JOSHUA HAS NO FACEBOOK ACCOUNT

Pero ngayong Biyernes, January 28, 2022, inihayag ni Joshua na wala siyang Facebook account.

Ang tanging social media accounts niya ay sa Instagram, kunsaan ang handle niya ay @garciajoshuae, at Twitter kunsaan ang handle niya ay @iamjoshuagarcia.

Ni-repost ni Joshua ang Facebook post ng poser niya.

Tinukoy pa ni Joshua na si Ria Atayde ang kasama niya sa litrato. Tila kuha iyon sa isa sa mga outing ng barkada nila.

Pero iginiit ni Joshua na hindi siya ang may gawa ng Facebook post, at hindi totoo ang pinapalabas ng poser niya sa caption nitong may ugnayan sila ni Ria.

"Hello! This is not mine! I don't have Facebook Page! Thank you," saad ni Joshua sa caption ng kanyang Instagram Story.

Naka-tag din sa post ni Joshua si Ria, pati na rin si Kyle Echarri. Tila si Kyle ang nagpaabot kay Joshua na may poser ito sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Rii look @ria," ani Joshua. Dagdag niya, "Thank you @kyleecharri."

RIA REMINDS NETIZENS TO "ALWAYS CHECK YOUR SOURCES"

Ni-repost naman ni Ria ang Instagram Story ni Joshua.

Base sa caption ni Ria, natawa siya sa pag-uugnay sa kanila ni Joshua.

Wala raw basehan na maging "liwanag" siya ni Joshua.

"Liwanag?! Bakit?! Hahaha. So funny but also, another reminder to always check your sources. Hahahaha."

Bukas sina Joshua at Ria sa pagiging malapit na magkaibigan.

Kabarkada nila sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kamakailan lang ay magkakasama pa silang nag-brunch date.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia addresses poser spreading fake news that he has romantic feelings for Ria Atayde. The two are vocal about being very good friends. Five days ago, Joshua posted a photo of him and Ria (left photo) taken during a trip with their barkada.
PHOTO/S: @garciajoshuae Instagram / Joshua Garcia Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results