Pinutakti ng batikos mula sa netizens si Paul Soriano kasabay ng anila'y pagtatakip niya sa pagsisinungaling umano ni Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa whereabouts nito.
January 29, 2022, Sabado, agaw-pansin ang Twitter post ni Paul ng behind-the-scene pictures ng Unity campaign video ng tambalan nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio para sa 2022 elections.
Si Paul ang direktor ng campaign ad, at may picture siyang kasama sina Marcos Jr. at Duterte-Carpio sa tapat ng blue screen sa isang studio.
May litrato rin si Paul kunsaan nakatawa si Marcos Jr. habang nagre-review ng script.
Pero pinakanaging tampok ng debate ay ang tinagurian ng netizens na "resibo"—ang clapper kunsaan makikitang "January 8, 2022" ang petsa nang kunan ang shoot.

Hindi kaila na noong January 7, 2022 ay hindi sumipot si Marcos Jr. sa pagdinig ng kinahaharap nitong disqualification cases sa Commission on Elections (Comelec).
Naglabas ang kampo ni Marcos Jr. ng medical certificate na nagsasabing siya ay dumaranas ng sintomas ng COVID-19 at kasalukuyang naka-quarantine noon.
Nakasaad din sa medcert na nagkaroon ng "close contact" si Marcos Jr. sa dalawang taong nagpositibo sa virus.
Big deal ito, ayon sa mapanuring netizens, dahil malinaw na lumabag si Marcos Jr. sa quarantine protocols sa pag-shoot nito ng campaign video noong January 8.
Tinawag din nilang "sinungaling" si Marcos Jr. dahil paano raw nangyaring hindi ito dumalo sa pagdinig ng Comelec kung kinabukasan ay nakapag-shoot pa ito ng video.
Dawit sa batikos si Paul na supporter ng presidential aspirant na si Marcos Jr. Ninong din si Marcos Jr. sa kasal ni Paul at actress-host na si Toni Gonzaga noong 2015.
Batikos ng isang netizen: "Huli ka balbon! Ayan binuko ka ni inaanak. So paano na naman kayang pagpapalusot ang gagawin ng supporters mo?"

Inilabas pa ng isang netizen ang kopya ng medical certificate ni Marcos Jr. tungkol sa pagkakaroon nito ng sakit noong January 7, 2022.


Sabi pa ng isang netizen, "So either he lied about being sick to begin with, or nagbreak ng quarantine protocol.
"And BBM supporters still defend this walking red flag?"



Linggo, January 30, 2022, nang maglabas ng paglilinaw si Paul.
Depensa niya, hindi raw kasama si Marcos Jr. sa shoot noong January 8, 2022.
"The UNITY commerical was shot all over the Philippines for one week. On January 8, 2022 I was in Davao with my staff and crew shooting the Davao portion of the commerical.
"We were in Brgy. Kapatagan capturing the beauty of Mt. Apo. "
Sa panayam ng SMNI noong January 31, inulit ni Paul na inuna niyang kunan ang on-location sites na kasama sa campaign video at ibang araw raw niya kinunan si Marcos Jr.
Pero hindi binanggit ni Paul ang eksaktong petsa kung kailan naganap ang shoot niya kasama ang presidential aspirant.
"Tapos January 8 I shot all the vignettes na kasama lahat ng mga talents.
"Wala pa dito si BBM and Sara," saad ni Paul na ang tinutukoy na BBM ay si Marcos Jr. o Bong Bong Marcos.
"They were never with me from January 4 to January 8. I was just basically on standby.
"After my shoot in Davao, I was on standby, waiting for confirmation from Atty. Vic when the studio shoot will happen with BBM and Sara."
Hindi naman kumbinsido ang netizens sa paliwanag ni Paul.
Pakiramdam nila ay gumawa umano ng "excuse" si Paul para kay Marcos Jr., na sinasabing kung hindi nag-breach ng quarantine protocol ay nagsinungaling umano sa pagkakasakit nito.



PAUL DENIES HE SAID ANYTHING ABOUT CANCELING MINORITY
Sa kabilang banda, pinabulaanan ni Paul ang kumakalat na quote niya sa social media na nagsasabing: "I am not afraid of being canceled by the minority."
Ikinainis ng netizens ang sinasabing quote na iyon ni Paul dahil tila minamaliit nito ang grupong hindi si Marcos Jr. ang napipisil na presidential aspirant sa 2022 elections.
"I just like to be on the record. I never said that," diin ni Paul sa SMNI.
Patuloy niya: "I'm the type of person also that I'll never cancel anyone. Di naman ako ganung tao.
"There's no need for me to cancel anyone, whether you like me, you love me, you hate me.
"I just wanna get the record straight. I didn't say that I would cancel anyone."
PAUL MOVES FORWARD
Sa huli, sinabi ni Paul na hindi niya hinahayaang maapektuhan siya ng matinding batikos na inabot niya dahil sa isyu.
"Life goes on for me.
"I brought my son to online school.
"I'm gonna have coffee with my wife for a bit and talk about what really matters in life," aniya.
Nanindigan din siya sa pagsuporta niya sa tambalan nina Marcos Jr. at Duterte-Carpio.
"It's unfortunate what happens online, but that's part of the society today.
"At the end of the day, I subscribe to unity as what BBM and Sara are living by.
"Hopefully, our country will understand and one day realize it's important to come together rather than be against each other."
