Diretsahang tinawag ni Erik Matti na "brazen, arrogant, at snooty" si Toni Gonzaga dahil sa tingin niyang pagmamataas at kagaspangan ng actress-host hinggil sa political stand nito.
Hindi raw niya kinaya na tila "untouchables" ang tingin ni Toni sa paninindigan nito at walang pagsasaalang-alang sa "historical fact" na may kaugnayan sa ineendorso nitong pulitiko.
Base ito sa mahabang pahayag ng beteranong direktor sa kanyang Facebook account kahapon, February 9, 2022.
Kalakip ng kanyang post ang pag-repost ni Toni ng salitang "UNBOTHERED" mula sa kanyang supporter.
Bagamat mula iyon sa netizen, kita sa post ang pag-trend sa Twitter ng "Toni Gonzaga" at "Teddie" dala ng tahasang pag-endorso ng actress-host sa tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio ngayong 2022 elections.
Ibig sabihin, malinaw na nakarating kay Toni ang saloobin ng mga katrabaho niya sa ABS-CBN at Kapamilya supporters na dismayado sa actress-host.
Ayon kay Erik, wala siyang problema sa personal choice ni Toni kung sinong kandidato ang sinusuportahan nito.
Ang hindi raw niya maatim ay ang pagiging "insensitive" at "arrogant" ni Toni sa paraan ng paghahayag ng political stand nito.
Pahayag ni Erik (published as is):
"Everyone has a right to their own political stances.
"But when Hitler runs for office after slaughtering millions of Jews and you still support his bid, the least you can do is acknowledge all the blood he has spilled and with integrity, stick to your own crazy misplaced loyalty in private or in silence.
"The atrocities of Hitler was a history that has been written that actually happened and that no one can refute."
Ipinupunto ni Erik Matti na tulad ng milyun-milyong katao na biktima sa ilalim ng pamununo ng German dictator na si Adolf Hitler noong World War II, hindi rin mabubura ang record ng "plunder" at "horrors" sa panahon ng panunungkulan ni Ferdinand Marcos Sr., ama ni Bongbong.
Kaya ikinagulat ni Erik ang aniya'y pagiging mataas at kawalan ng sensibilidad ni Toni.
Patuloy ng Facebook post ni Erik:
"In the same way the plunder and the horrors of the Marcos regime to our country the Philippines, that no one has claimed responsibility until now with the players still roaming around free, moneyed and powerful, is irefutable and a historical fact that cannot be forgotten and rewritten.
"The victims of both the Holocaust and our Martial Law were all real people with names, families and siblings that walked and talked the earth then and even survived by descendants until now.
"No one can ever say they didnt exist.
"I cannot fathom anyone, who have access to the same historical facts from our books and Youtube like everyone else, can still have the gall to hold their head so high to the point of being so arrogant and obnoxious to brush away critics and dissenters even acknowledging and flaunting it with such an insensitive hashtag.
"That is just incomprehensible."
Sa huli, gumamit si Erik ng hashtag na "#bothered" para ipahiwatig ang saloobin niya sa aniya'y kagaspangan ni Toni.
Pahayag pa ni Erik: "To give your support to any political candidate whether or not out of affinity, blood or loyalty is between you and your conscience. You can do whatever you want with your celebrity power and God’s guidance because this is a free world, after all.
"But to be brazen, arrogant and snooty makes all of it despicable, disgusting and really crude.
"What makes you people so emboldened, seeming almost like untouchables, to never have the decency to acknowledge with humble bowed heads and with Almighty God as your witness, that you are on the side of what history had unmistakably and irefutably proven to have been part of the plunder and corruption of the Philippines then and now?
"Impunity and apathy run so deep in all of us."
Ilan sa mga artistang sumang-ayon kay Erik ay sina John Arcilla at Boom Labrusca.
Sabi ni John, "Salute to you Erik Matti."
Nag-iwan naman ng perfect score emoji si Boom.
Sumang-ayon din kay Erik ang iba pang artista tulad nina Janno Gibbs, Ina Feleo, Lotlot de Leon, at Agot Isidro.
Sa hiwalay na Facebook post, isa pang beteranong direktor at aktres na si Laurice Guillen ang tahasang bumatikos kay Toni.
Maiksi pero maanghang ang binitiwang salita ni Laurice.
Sabi niya: "Toni Gonzaga is currently the face of historical revisionism in this country."
why kapamilya supporters are dismayed by toni
Kinuwestiyon ng Kapamilya supporters si Toni sa desisyon niyang iendorso ang mga pulitikong may kinalaman sa pagpapasara ng kanyang home network.
Una na rito si SAGIP party-list representative Rodante Marcoleta, na bahagi ng senatorial lineup ng Marcos-Duterte tandem. Si Marcoleta ay isa sa 70 kongresista na bumoto na huwag i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Kinuwestiyon din ang pagsuporta ni Toni kay Marcos Jr., na anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
May kaugnayan din si Marcos Sr. sa history ng ABS-CBN.
Si Marcos Sr. ay nanungkulan bilang Presidente sa loob ng 21 taon, mula 1965 hanggang 1986.
Tinaguriang diktador ang nakatatandang Marcos gawa ng batas militar na ipinatupad nito mula September 21, 1972 hanggang January 17, 1981.
Isa sa mga unang ipinatupad ni Marcos Sr. noon ay ang pagpapasara sa media companies, kabilang ang ABS-CBN. Ibinigay ang pamamalakad sa network sa kaalyado ng Pangulo na si Robert Benedicto.
Bagamat 1981 ang official lifting ng martial law, nanatili ang Presidential Decrees ni Marcos hanggang 1986.
Napatalsik ang diktadurya ni Marcos nang maganap ang makasaysayang EDSA Revolution o People Power noong February 1986.
Inilikas siya ng Estados Unidos papuntang Hawaii upang makaligtas sa poot ng mga taong dumagsa sa Malacañang.
Noon ding 1986 nabawi ng pamilya Lopez ang pag-aaring kumpanya na ABS-CBN.
Nanindigan naman si Toni sa pag-endorso niya sa tambalang Marcos-Duterte sa 2022 elections.
Sa gitna ng pagkuwestiyon ng Kapamilya supporters sa kanyang "delicadeza," nag-resign si Toni sa Pinoy Big Brother kunsaan siya ang resident main host sa loob ng 16 taon.
Sa kanyang statement sa Instagram, naglagay pa si Toni ng peace at heart emojis. Ang kanyang mister na si Paul Soriano ay peace at heart emojis din ang komento sa post ng actress-host.
Ang peace sign ay ginagamit na hand gesture ni Marcos Jr. sa kanyang mga kampanya.
Ngayong Huwebes, February 10, isinapubliko rin ng mag-asawang Toni at Paul ang kanilang pag-endorso kay Marcos Jr. Tinawag nilang "my president" ang presidential candidate.
Si Paul din ang gumawa ng campaign video para sa tambalang Marcos-Duterte.
Malapit si Paul sa pamilya Marcos dahil sinasabing pamangkin siya ng misis ni Marcos Jr. na si Liza Araneta-Marcos.
Ninong din si Marcos Jr. sa kasal ng mag-asawang Toni at Paul noong 2015.
Bukod dito, bahagi si Liza Araneta-Marcos sa movie credit ng mga pinasasalamatan ng director-producer na si Paul sa kanyang mga pelikula tulad ng First Love (2018), Kid Kulafu (2015), at Thelma (2011).
ROBIN PADILLA
Sa kabilang banda, dinepensahan ni Robin Padilla si Toni sa aniya'y pambu-bully ni Direk Erik sa actress-host.
Si Robin ay senatorial aspirant sa ilalim ng PDP-Laban, at kilalang solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinawag ni Robin na "propaganda" ang inihayag ni Erik na "historical fact" laban sa
"plunder" at "corruption" sa panahon ng diktadurya ni Marcos Sr.
"Ano ba yun napanood mo na sinasabi mo Erik matti
"Baka propaganda ang ibig mo sabihin nakikisawsaw ka pa sa pagbanat kay TONI G."
Ayon pa sa senatorial candidate, walang pakialam si Erik sa personal choice ni Toni kung sino ang nais nitong iendorso sa 2022 elections.
Buwelta pa ni Robin kay Erik: "Kung May karapatan ka sumuporta sa kandidato mo May karapatan din si TONI G
"Hindi ka naman pinakikialaman ng Tao sa sinusuportahan mo
"Pa inglis inglis ka pa
"Artistic at Political freedom niya yun kung sino ang gusto niya suportahan
"You love to talk about freedom but you don’t respect the freedom of others.
"Director ka diba kasama sa pinag aralan mo ang pag alam sa two sides ng istorya
"Anong makuha mo in Bullying a woman."
WHAT HISTORICAL RECORDS SAY ABOUT MARCOS REGIME
Taliwas sa sinasabi ni Robin na "propaganda," lehitimo ang patung-patong na legal cases ang hinarap ng pamilya Marcos dahil sa sanga-sangang isyu.
Ilan lamang sa mga ito ang mga sumusunod:
Sa isyu ng pera, inulat ng The Philippine Star noong 2019 ang utos ng Sandiganbayan na i-forfeit ang higit "160 paintings and artworks" na nagkakahalaga ng $24.325 million na binili ni former First Lady Imelda Marcos sa loob ng 21 taong panunungkulan ni Marcos Sr.
Ayon pa sa ruling ng anti-graft court, naipakita ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na "out of proportion" o hindi tugma ang "aggregate salaries" ng pamilya Marcos—na tinatayang $304,372.43 bilang public officials—sa nabiling paintings ni Imelda.
Ayon pa sa Sandiganbayan, walang naisumite ang kampo ni Imelda na sapat na basehan para mapatunayang hindi "unlawfully acquired" ang natukoy na paintings at artworks at kung anong pondo ang ginamit nila sa pagbili ng mga ito.
Sa hiwalay na ulat ng Philippine Daily Inquirer noong September 2021, nakasaad ang ruling ng Swiss Federal Court noong 1990 tungkol sa nadiskubreng perang itinago ng pamilya Marcos sa Swiss bank accounts ng limang "foundations."
Nagkakahalaga ito ng $356 million, na napaisalalim sa escrow o legal arrangement nang pansamantala itong ideposito sa Philippine National Bank (PNB) bilang "ill-gotten wealth."
Kung susuriin ang July 2003 ruling ng Supreme Court, nakasaad na sinubukan itong i-contest ng respondents na si Imelda Marcos at mga anak niyang sina Imee Marcos-Manotoc, Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., at Irene Marcos-Araneta.
Pero nagdesisyon ang Supreme Court na ang $356 million na iyon—na noong 2003 ay may tumaas ng "US$658 million inclusive of interest" sa PNB—ay pag-aari ng Republika ng Pilipinas
Wala raw naipasang ebidensya ang pamilya Marcos na "legal proof" na "record" na pag-aari nila ang perang na-escrow sa Swiss banks.
Sa isyu ng human rights, mula 1972 hanggang 1981, ayon sa 1982 report ng Amnesty International, 70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinorture, at 3,240 ang pinatay sa Pilipinas.
Ang Amnesty International ay isang non-profit global movement ng mahigit 7 milyong kataong nangangampanya para sa isang mundo kunsaan ang human rights ay tinatamasa ng lahat.