PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame bids emotional goodbye to GMA-7

Willie explains why he did not renew his contract with GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Feb 11, 2022
willie revillame wowowin
Willie Revillame on why he did not renew his contract with GMA Network: "Bakit hindi po ako pumirma? Una, por delicadeza. Magso-show ako sa GMA habang ako naman ho ay nagpaplano sa isang istasyon na kalaban ng GMA. Hindi ho tama iyon. Sa sobrang bait ho ng mga taga-GMA, sa sobrang bait na ipinakita nila sa akin, hindi ko ho magagawa na traydurin sila."
PHOTO/S: GMA Network

“Babalik ako. Yung mga nawalan ng trabaho, ibabalik ko kayo. I’ll see you soon.”

Ito ang pangakong binitiwan ni Willie Revillame sa pormal na pagpapaalam niya sa GMA-7 na nangyari sa live broadcast ng Wowowin nitong Biyernes ng gabi, February 11, 2022.

Hindi na muling pumirma ng kontrata si Willie sa Kapuso network dahil sa napipinto niyang paglipat sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), ang network na pag-aari ng bilyonaryo at dating senador na si Manny Villar.

Ang AMBS ang ginawaran ng gobyerno ng TV frequency na dating pagmamay-ari ng ABS-CBN, na pinagkaitan ng prangkisa ng Kongreso noong 2020.

Umere ang Wowowin sa GMA-7 sa loob ng anim na taon at walong buwan.

WILLIE ON GMA CONTRACT, CONVERSATION WITH VILLAR

Bago pormal na nagpaalam, may mga nilinaw na isyu si Willie tulad ng fake news na walang alok sa kanyang bagong kontrata ang Kapuso management at may mga kinakausap na siyang mga personalidad para lumipat sa AMBS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin niya: “Kaya yung mga nagsasabi na walang kontrata, huwag ho kayong maniniwala kung kani-kanino. Sa akin lang kayo maniwala.”

Bilang patunay, ipinakita ni Willie ang kopya ng kontrata nila ng GMA-7 na may bisa hanggang sa February 2023, pero hindi na niya pinirmahan dahil sa delikadeza.

willi revillame gma contract

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad ni Willie: “More than a month, nasa akin na po ang kontrata.

"Actually po, ang kontrata, three months before, inaalam na po ng kompanya kung magre-renew ka pa.

“Para ho yung mga haka-haka ninyo na pinagsasabi ninyo ng kung anu-ano, ito ang totoo.

“Nag-usap ho kami ni Senator [Manny] Villar [noong February 2], ang sabi niya, ‘May frequency, may franchise, puwede na.’

"Pero ang sabi ko, 'Ano ho ba ang plano niyo?' Wala pa siyang plano, zero, kasi wala raw siyang alam sa industriyang ito, that’s why kinausap niya ako.

“Sabi ko, 'Mabigat ho iyan. Una sa lahat, ano ang kailangan natin? Lalabas kayo ng frequency, wala kayong transmitter. Walang transmitter, e, yun ho ang nagbibigay ng signal sa buong Pilipinas. Isang problema po ‘yan.'

“Another problem is wala naman tayong concept, wala naman tayong content ng programa. Magmula sa umaga hanggang madaling-araw, anong ipapalabas? So, zero na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para malaman niyo lang, wala pa hong plano kasi pinag-aaralan pa lang. Pinag-aaralan ng kanyang pamilya, pinag-aaralan pa rin ho ng kanyang anak na si Sir Paolo.

Ang tinutukoy na "Sir Paolo" ni Willie ay si Paolo Villar, kasalukuyang president-CEO ng Vista Land and Lifescapes, Inc., isa sa mga negosyo ng pamilya Villar.

Dagdag pa ng veteran TV host, “Iyan ho ang katotohanan, wala hong plano pa kasi hindi ho ganoon kadaling magbukas ng isang channel.

"Saka, saan ang studio nila? Saan magso-show? Hindi ho ganoon kadali. It will take time.

"Ngayon, yung sinasabi ninyo na may kinakausap na silang artista. May kinakausap na kaming lahat na artista. May sinasabi na kinukuha si ganito, hindi po totoo iyan.

“Ako po ang makikipag-usap kahit kanino at hindi ko iyan gagawin hangga’t nandito ako sa GMA-7, at wala pa kaming usapan kung ano ang deal namin ni Senator Manny Villar.”

OUT OF DELICADEZA

Hindi rin nakalimutang ikuwento ni Willie ang naging pag-uusap nila noong February 3 ni Joey Abacan, ang GMA-7 executive na nagpaalaala sa kanya tungkol sa kontrata niya sa Kapuso network na dapat nang mapirmahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Willie, “Bakit hindi po ako pumirma? Una, por delicadeza. Magso-show ako sa GMA habang ako naman ho ay nagpaplano sa isang istasyon na kalaban ng GMA.

“Hindi ho tama iyon. Sa sobrang bait ho ng mga taga-GMA, sa sobrang bait na ipinakita nila sa akin, hindi ko ho magagawa na traydurin sila.

“Isipin niyo, por delicadeza at respeto ko kay Mr. [Felipe] Gozon, sa lahat dito. Nagso-show ako araw-araw dito, pero after nagmi-meeting ako sa kabilang channel?

"Hindi ko ho kayang gawin iyon kaya ako, kahit ang bigat sa loob ko, isang paa ko naka-forward, isang paa ko hindi ko maigalaw dahil ang bigat.

“Napamahal na ho sa akin ang mga tao dito. Wala akong naging problema dito for six years and eight months.”

Sa Zoom meeting nila ni Joey noong February 3, 2022, hindi napigilan ni Willie ang mapaluha nang sabihin niya ang kanyang pasyang huwag nang mag-renew ng kontrata sa Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was so emotional, naluha, naiyak ho ako. Sabi ko, 'Sir Joey, hindi na ako makakapirma ng kontrata.'

"Nagulat siya. Sabi niya, ‘Bakit, anong nangyari, Willie? Wala naman tayong problema, ah? Bakit lilipat ka?’

“Sabi ko, hindi. Por delicadeza, hindi ko kayang gawin pumirma. Nagso-show ako sa GMA, nagtatrabaho ako sa ibang channel. Hindi ko gagawin sa inyo iyon.'”

WILLIE'S FAREWELL

Wala namang dapat ikalungkot ang loyal viewers ng Wowowin dahil sa telebisyon lamang ito hindi mapapanood. Magpapatuloy si Willie sa pagbibigay ng pag-asa at tulong sa pamamagitan ng live streaming sa official Facebook page at YouTube channel ng kanyang game at public service program.

Sa huling episode ng Wowowin sa GMA-7, pinasalamatan ni Willie ang top executives ng Kapuso network, partikular na ang chairman at CEO nitong si Attyy. Felipe L. Gozon, at lahat ng nakasama niya sa programa.

Pahayag niya: “Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat.

"Wala ako dito, wala kami dito kahit anong istasyon ang pinuntahan namin kung hindi ninyo kami sinuportahan, hindi niyo kami minahal, wala ho ang programang Wowowin. Ang buhay ho, e, kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I would just like to thank personally, especially Mr. Gozon. Attorney, maraming salamat, ibinigay mo sa akin ang 26 million [subscribers] sa social media. Iniregalo mo sa akin.

"Maraming-maraming salamat. Attorney, thank you so much. Hindi ninyo ipinagdamot sa akin yung 26 million Facebook/YouTube [subscribers] na dapat sa inyo yun, ibinigay niyo pa rin sa akin. Napakabuti ninyo,” mangiyak-ngiyak na pasasalamat ni Willie kay Atty. Gozon at sa lahat ng mga nakasama niya sa Kapuso network.

Pagpapatuloy niya, “Hindi ho ito ang katapusan. Hindi ho ako titigil.

"Itutuloy ko pa rin po yung live streaming. Meron pa rin pong Facebook at YouTube, Willie Revillame, Tutok Para Manalo.

“Tuloy pa rin po ang pagbibigay ko ng saya sa inyo. Yun nga lang ho, wala na akong TV, live streaming na lang po sa Facebook at sa YouTube.

"Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Wala ako dito kung hindi dahil sa inyong lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"GMA-7, maraming-maraming salamat sa lahat," paulit-ulit na pasasalamat ni Willie habang napapaligiran ng mga dating co-host ng kanyang programa na sinamahan siya sa huling araw sa telebisyon ng Wowowin.

wowowin last day

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on why he did not renew his contract with GMA Network: "Bakit hindi po ako pumirma? Una, por delicadeza. Magso-show ako sa GMA habang ako naman ho ay nagpaplano sa isang istasyon na kalaban ng GMA. Hindi ho tama iyon. Sa sobrang bait ho ng mga taga-GMA, sa sobrang bait na ipinakita nila sa akin, hindi ko ho magagawa na traydurin sila."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results