Dawn Chang’s camp demands public apology from Cristy Fermin for "nakikipaglandian" claim

by Bernie V. Franco
Feb 12, 2022
dawn chang
Dawn Chang's (left) camp demands public apology from Cristy Fermin, who claimed that the Kapamilya dancer-TV personality has been "nakikipaglandian sa mga boss ng ABS-CBN" for career growth.
PHOTO/S: @thedawnchang on Instagram / YouTube (One PH)

Nagbabala ang kampo ni Dawn Chang na sasampahan nila ng mga reklamo si Cristy Fermin kapag hindi ito nag-issue ng public apology sa ginawa nitong “character assassination” kay Dawn.

“ISANG MALAKING KABASTUSAN PO ANG GINAWA MO, CRISTY FERMIN, SA AMING KLIYENTE,” bahagi ng official statement ng abogado ni Dawn.

Ang two-page statement ay pirmado ng abogado ni Dawn na si Atty. Rafael Vincent R. Calinisan ng Calinisan Domino and Beron Law Offices.

Ipinost ng abogado sa kanyang Twitter account ang statement laban kay Cristy nitong February 11, 2022, Biyernes.

Giit ng lawyer, “MALICIOUS AND LIBELOUS” ang mga paratang na binitiwan ng veteran entertainment columnist laban kay Dawn.

Si Dawn ay Fourth Big Placer sa Pinoy Big Brother: 737 Edition (2015) at naging Kapamilya artist.

Naging member siya ng all-female group na GirlTrends, na dating nagpe-perform sa It’s Showtime.

CRISTY ON DAWN VERSUS TONi

Nag-ugat ang issue sa pagkondena ni Dawn sa kapwa Kapamilya artist na si Toni Gonzaga.

Continue reading below ↓

Idinaan ni Dawn ang pagpuna kay Toni sa pamamagitang ng isang Instagram post noong February 9, 2022.

Pumanig kasi si Toni sa UniTeam, ang electoral alliance nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio, tumatakbong president at vice president.

Kabilang din sa alyansang ito ang mga pulitikong responsable sa pagpapasara ng ABS-CBN network, ang home network nina Dawn at Toni.

Sa Radyo Singko program na Cristy Ferminute nitong February 10, Huwebes, binatikos ni Cristy si Dawn sa pagpuna nito kay Toni.

Banat ni Cristy, nagkakaroon ng mga projects si Dawn sa ABS-CBN dahil “nakikipaglandian sa mga boss.”

Ganito ang pahayag ni Cristy: “Alam mo raw kung sino na pa-righteous at sikat nitong Dawn Chang? Di ba, yun yung dancer? Iyan yung dancer.

“Dancer iyan na nasa ano dati, sa lunchtime show nila.”

Pagpapatuloy ng kolumnista: “Itong si Dawn Chang, kaya nagkakaroon ng mga trabaho iyan, alam na alam sa ABS…

“Ako, Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho?

Continue reading below ↓

“E, pa-bash-bash ka pa, ikaw ang dapat i-bash, dahil wala kang mararating kung di ka nakikipaglandian sa mga boss, naku, ha.

“Dawn Chang, tumigil ka nga. Dawn Chang me. Charot!”

DAWN’S LEGAL COUNSEL DEMANDS PUBLIC APOLOGY

Sa statement ng abogado ni Dawn, tinawag nilang “malicious, hateful and malevolent response” ang pahayag ni Cristy tungkol kay Dawn.

Anila, ang pagpuna ni Dawn kay Toni ay karapatan ng kanyang kliyente.

Malaking kasinungalingan daw ang pahayag ni Cristy na nais sirain ang reputasyon ni Dawn.

“Our client will never be cowed by cowards like you who resort to character assassination just to perpetuate a wrong,” ayon pa sa statement.

Hamon ng abogado ni Dawn kay Cristy: “Pangalanan mo yung mga ‘boss ng ABS-CBN’ na ‘nakipaglandian’ sa aming kliyente.

“Because of your malicious imputations, we assure you, we will send you to jail.”

dawn chang

Continue reading below ↓

Kinondena rin ang umano’y pag-objectify ni Cristy kay Dawn.

“Ang mga babae ay nirerespeto at minamahal,” sabi pa ng abogado.

Kinuwestiyon rin nito ang ethics ni Cristy bilang entertainment journalist.

Bilang pangwakas, nagde-demand ang kampo ni Dawn na bawiin ni Cristy ang kanyang “libelous statement” at mag-issue ng public apology.

Nagbigay ng kondisyon ang abogado na ilabas ang kanyang apology sa isang "full-page ad" sa leading national broadsheets.

Binigyan si Cristy ng kampo ni Dawn ng ultimatum na hanggang “midnight of 16 February 2022 (Wednesday).”

“Failure to do so will constrain us to pursue CRIMINAL, CIVIL, and even ADMINISTRATIVE actions against you.”

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Cristy para hingan siya ng reaksiyon sa demand ng kampo ni Dawn.

Sagot ni Cristy kay PEP staff writer Arniel Serato, wala siyang babawiin sa kanyang mga sinabi.

Sasagot din umano si Cristy sa kanyang radio-online talk show sa darating na Lunes, February 14.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang's (left) camp demands public apology from Cristy Fermin, who claimed that the Kapamilya dancer-TV personality has been "nakikipaglandian sa mga boss ng ABS-CBN" for career growth.
PHOTO/S: @thedawnchang on Instagram / YouTube (One PH)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results