PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez tells wife Carla Abellana "I love you" on Instagram

Is Tom wooing his wife Carla?
by Bernie V. Franco
Published Feb 12, 2022
tomcar
Is Tom Rodriguez wooing his wife Carla Abellana? Tom recently commented "I love you" on Carla's Instagram post. The couple's marriage is allegedly on the rocks, and, for a short period of time, they unfollowed each other on Instagram.
PHOTO/S: @carlaangeline and @akosimangtomas on Instagram

Nabuhayan ng loob ang mga fans ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ito ay matapos mag-“I love you!” ang aktor sa kanyang asawa sa isang recent Instagram post.

Napabalitang may pinagdadaanan sina Tom at Carla sa ulat ng PEP Troika na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 25, 2022.

May mga ispekulasyon na hiwalay na diumano ang showbiz couple tatlong buwan matapos ikasal.

Sinundan pa ito ng pag-unfollow nila sa isa’t isa sa Instagram bagamat nagsimula ulit silang i-follow ang isa't isa makalipas ang ilang oras.

Noong nakaraang linggo, nag-post ng bagong vlog si Carla at may netizen na nakapansing hindi suot ng aktres ang kanyang wedding ring.

Sa kabila nito, walang opisyal na pahayag ang mag-asawa kung ano ang estado ng kanilang pagsasama.

Pero muling nakaaninag ng pag-asa ang kanilang fans dahil sa komento ni Tom sa post ni Carla.

Nag-post si Carla ng kanyang glamour shots via Instagram nitong Biyernes, February 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento si Tom ng: “I love you [three hearts emojis]”

tom rodriguez

Nagsunud-sunod na ang komento ng netizens. Ikinagalak ng kanilang fans ang simpleng komento ni Tom para kay Carla.

Hangad ng fans na magtuloy-tuloy na pagkakaayos ng showbiz couple.

Pero walang sagot si Carla sa komento ni Tom.

READ: Tom Rodriguez and Carla Abellana's love story: a timeline

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CARLA POSTS NIGHT OUT WITH CELEBRITY FRIENDS

Ipinost naman ni Carla ang video ng kanyang girls’ night out kasama ang Kapuso celebrities na sina Max Collins, Ina Feleo, at Valeen Montenegro ngayong Sabado, February 12.

Makikita na nagkaroon ng masayang bonding time ang apat na magkakaibigan.

Makahulugan ang caption ni Carla: “I needed this.” At saka niya sinabihan ng ILY (I love you) sina Max, Ina, at Valeen.

Ni-like ni Tom ang post na ito ni Carla.

tom rodriguez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nag-post din si Ina ng larawan mula sa kanilang night out.

May maikling comment si Carla: “ILY, Ina.”

carla abellana

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Tom Rodriguez wooing his wife Carla Abellana? Tom recently commented "I love you" on Carla's Instagram post. The couple's marriage is allegedly on the rocks, and, for a short period of time, they unfollowed each other on Instagram.
PHOTO/S: @carlaangeline and @akosimangtomas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results