Nag-iwan ng palaisipan ang cryptic post ni Tom Rodriguez, 34, kasabay ng balitang may pinagdadaanan silang problema ng misis na si Carla Abellana, 35.
Ngayong Martes, January 25, 2022, inulat ng PEP Troika na may espekulasyong hiwalay na umano ang dalawa na kakakasal lamang tatlong buwan ang nakararaan.
Naka-unfollow na sila sa isa't isa sa Instagram.
Sa Instagram ni Tom ngayon ding Martes, kapansin-pansin ang ipinost niyang video na may written text na ".float" at may itim na background.
Base sa audio nito, maririnig ang spiels mula sa isang eksenang kuha sa Cowboy Bebop, isang Japanese anime sci-fi series tungkol sa bounty hunters na sakay ng spaceship na Bebop ang pangalan.
Saad ng karakter na si Faye, base sa IG post ni Tom, "And now you're leaving just like that.
"Why do you have to go? Why are you leaving?
"What are you gonna do?! Just throw away your life like it was nothing?!"
Makahulugan ang sagot ng bidang karakter na si Spike: "I'm not going there to die. I'm going to find out if I'm really alive."
Kasunod ng audio na ito ay may maririnig na kantang may lyrics tungkol sa isang taong nahaharap sa crossroads at tila di malaman kung ano ang gagawin.
Sabi sa isang bahagi ng lyrics: "I wonder if I stepped off / Would have float in space
"Standing at a crossroads / Frozen in place
"I'm looking for salvation / But I miss my train
"I'm too scared to go / too weak to stay."

Ten days ago, noong January 15, 2022, nag-post si Tom ng video ng crucifix habang maririnig sa background ang Christian worship song na "You Hold It All Together."
"Sunday vibes on a saturday...a blessed day to everyone," caption ni Tom kalakip ng praying emoji.
Naka-off ang comments section sa post na ito.

NETIZENS' REACTIONS
Pero sa latest post niya ngayong araw, marami sa mga tagasuporta nina Tom at Carla ang nagpaabot ng mensahe sa Kapuso couple.
Nag-alala sila sa kung anuman ang pinagdadaanan ni Tom at kung may kinalaman ba ito kay Carla.
Marami rin ang nagdarasal na kung ano man daw ito, sana ay malampasan ng mag-asawa.

carla's christmas vlog with TOM
Habang isinusulat ang artikulang ito, wala pang opisyal na pahayag sina Tom at Carla.
Noon lamang January 5, 2022 ay nag-post pa si Carla ng YouTube vlog kasama ang mister na si Tom.
Kuha iyon nang magtungo sila sa Ortigas sa Pasig City para kitain ang kanilang barkada para sa kanilang annual Christmas dinner.
Sweet na sweet pa ang mag-asawa rito.

Noong December 10, 2021 ay may vlog din si Carla na kuha sa first monthsary date nila.
Ayon pa kay Carla nang i-post din niya ito sa Instagram: "No gifts, no Honeymoon, no surprises, no grand gestures.
"I booked us a table at a place we haven’t tried yet and that’s it!
"A nice and simple Dinner out on our first month as Husband and Wife."
Ikinasal sina Tom at Carla sa Madre de Dios Chapel, Tagaytay Midlands noong October 23, 2021. Bago iyon ay higit pitong taon silang magkasintahan.
Una silang nagkatrabaho sa hit Kapuso prime-time series na My Husband's Lover noong 2013.
