Nobyembre 10, 2021 nag-reopen ang mga sinehan sa Pilipinas.
Naudlot ang Pista ng Pelikulang Pilipino na proyekto ng Film Development Council (FDCP) of the Philippines.
Ipapalabas sana noong Disyembre 1 ang Yorme: The Isko Domagoso Story ngunit ipinagpaliban iyon.
Disyembre 15 itinanghal sa piling-piling sinehan ang dalawang pelikulang Pilipino, ang Caught In The Act ni JD Domagoso at Ilocano Defenders: War On Rape. Nakipagbakbakan ang mga ito sa James Bond film ni Daniel Craig na No Time To Die.
Disyembre 25 hanggang Enero 7 ang Metro Manila Film Festival 2021, kung saan topgrossers ang horror films na The ExorSis at Huwag Kang Lalabas. Official entries din ang A Hard Day, Kun Maupay Man It Panahon, Big Night, Love at First Stream, Huling Ulan sa Tag-araw, at Nelia.
Big winner sa awards night ang Big Night, at pinarangalan din ang A Hard Day at Kun Maupay Man It Panahon.
Matamlay ang takilya sa unang araw pa lang ng filmfest. Namamahalan daw ang mga tao sa tiket ng sine. Ang iba’y takot sa COVID-19.
Nasanay na rin daw ang mga tao sa panonood sa streaming platforms, partikular sa Netflix.
FILMS IN 2022
Enero 8 nagbukas sa local cinemas ang pinakahihintay na Spider-Man: No Way Home, kung saan marvelous si Mary Rivera bilang lola ni Ned (Jacob Batalon).
So far ay $1.8B na ang worldwide gross ng Spider-Man: No Way Home, ang pinakamalakas na pelikulang nag-open noong 2021. Ikaanim ito sa talaan ng mga pelikulang pinakamalaki ang worldwide lifetime gross.
Spider-Man: No Way Home
Enero 26, 2022 sana ang pagpapalabas sa mga sinehan ng Yorme musical na biopic ni Manila Mayor Isko Moreno, ngunit nag-streaming na ito sa limang platform umpisa Enero 21 — KTX, Upstream, Vivamax Plus, iWant TFC, at TFC IPTV Pay-Per-View.
Wala pang pelikulang Pinoy na nag-open sa mga sinehan ngayong 2022.
Pebrero 9, Miyerkules, nagbukas sa mga sinehan ang Death on the Nile at Marry Me, na sinundan ng Blacklight noong Pebrero 10.
Pebrero 16, Miyerkules, ipapalabas sa local cinemas ang West Side Story at Ghostbusters: Afterlife.
Marso 2, Ash Wednesday, ang playdate ng The Batman. Sa Mayo magso-showing ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness, ang ika-28 pelikula sa Marvel Cinematic Universe (MCU).
FUTURE OF PHILIPPINE MOVIES
Sa Sex Cinema and Society virtual forum noong Pebrero 9, Miyerkules, inusisa ang mag-inang Marria Isabel at Mara Lopez kung ano sa tingin nila ang future ng Philippine movies.
Sagot ng 30-anyos na si Mara, na nag-stay sa Amerika bago pa nag-community quarantine sa Pilipinas, “I think… definitely, streaming is the future. And ito na rin ang nangyayari sa States, hindi puno ang mga sinehan.
“Ahhm, parang going to the movies is… nostalgic na. Like ako, minsan, nakakanood pa rin.
“Pero siyempre, with COVID and everything, and enclosed space, I’m not comfortable unless empty yung cinema.
“But I think people are getting more and more comfortable with watching via streaming. Siyempre, it can reach a wider audience.
“For example, a Filipino film, kayang panoorin sa California, USA. Pero sana, for me lang, personally, iba pa rin yung makanood ka sa big screen.
“And for me, there’s nothing like going to film festivals and seeing other filmmakers and manonood kayo nang sabay-sabay ng isang pelikula, like I really miss…
“I think, for a while, bumalik na yung mga film festival sa U.S. pero nag-shut down uli because of Omicron.
“So, I’m looking forward na sana, kapag mas na-regulate na itong COVID, and mas may maganda nang protocols.
“I mean, this is here to stay, right? Na makabalik uli tayo dun, na maka-attend ulit tayo ng Cinemalaya, like maka-attend tayo ng red carpet screening.
“But definitely, I think, the future is streaming na talaga! Which is a little bit sad, pero yun nga, sana… sana makapanood pa rin tayo ng pelikula in the big screen in the long run.”
Pag-e-elaborate ng ina ni Mara na si Maria Isabel, “I always say, the future is now! I’m 64, my future is now. Ito na ngayon.
“May live streaming, tapos because of COVID, hindi tayo nagpupunta sa mga cinemas, may takot pa.
“But then, little by little, it’s gonna be a combination of both. It’s gonna be hybrid. Even film festivals, while you’re like in Cinemalaya, there’s the option to do streaming in Cinemalaya and there’s in person screening.
“So, that’s the only direction I could see. Because we love to see audience. We love to interact. We love Q&A. We wanna get to know the director in a Q&A, the actors.
“So, the future is now. Little by little, we’re gonna go to like opening cinemas again, opening film festivals, in person screening and at the same time, simultaneously, meron siyang online screening.
“It’s gonna happen anytime soon. Remember, COVID is here to stay. We just take it a day at a time. “And we’re all gonna be well. Buhay na buhay tayo! We’re alive!”
VIVAMAX IS VERY MUCH ALIVE
Buhay na buhay ang mga mapangahas na pelikula sa Vivamax.
Tweet ng Vivamax nitong Pebrero 14, Lunes ng hapon, ang Top Content of the Week sa Vivamax ay The Wife (1), Kinsenas, Katapusan (2), Silip Sa Apoy (3), Curacha, Ang Babaeng Walang Pahinga (4), Lulu (5), Pornstar 2: Pangalawang Putok (6), Mahjong Nights (7), Hugas (8), Siklo (9), at Eva (10).
Pinakamalakas sa mga Vivamax movies so far ay ang first anniversary presentation nitong Silip sa Apoy, na nag-streaming umpisa Enero 28 kasabay ang Deception nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.
Mahigit 250,000 views ang Silip sa Apoy sa unang weekend nito. Tampok dito sina Sid Lucero, Angeli Khang, at Paolo Gumabao, sa direksiyon ni Mac Alejandre.
Sa mga bagong palabas ng Vivamax this year, dalawang pelikula ang ligwak na sa Top 10, iyong Deception, at ang B&W film na Reroute nina John Arcilla, Cindy Miranda, Sid Lucero, at Nathalie Hart.
Last year pa ipinalabas sa Vivamax ang Mahjong Nights, Pornstar 2: Pangalawang Putok, at Eva.
Mag-i-streaming na sa Pebrero 18, Biyernes, ang pelikulang Boy Bastos.
Tinagurian ng beteranong manunulat na si Mario Bautista ang Vivamax bilang "Tahanan ng mga Makasalanang Pelikula."