Test of patience ang driving lesson kaya kakatwang sobrang pasensiyoso ni Rico Blanco, 48, nang turuan niyang magmaneho ang girlfriend na si Maris Racal, 24.
Umabot ng 1.8 million views ang vlog ni Maris dahil ayon sa netizens ay kuwela ang pagiging "hyper" ni Maris habang sobrang "kalmado" ni Rico.
Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maris kung paano nila hinaharap kapag mayroon silang differences at misunderstandings bilang magkarelasyon.
"Sa amin talaga, ang ironic nito sabihin, pero natutuwa ako sa mga arguments namin," nakangiting pag-amin ni Maris.
"Kasi walang sigawan na nangyayari. So, sinasabi ko yung nasa puso ko and sinasabi ko kung saan ako nanggagaling.
"Tapos siya naman ulit. Tapos tinatahi namin. 'Okay, naiintindihan na kita.' Ganun lang away namin."
Bigayan daw sila pagdating sa pagsabi ng kanilang eksplanasyon.
"Para kaming nasa korte. Hahaha! Pero sobrang calm lang talaga yung manner namin mag-usap," dagdag ni Maris.
Naniniwala si Maris na iyon ang isa sa sikreto sa masayang relasyon nila ni Rico.
"Constant communication lang ng gusto at ayaw.
"Kasi pag sinasabi niyo sa isa't isa at nire-remind niyo sa isa't isa, okay yung mangyayari, walang masyadong away."
Nakapanayam ng PEP.ph si Maris virtual mediacon ng Goodbye Girl sa Araw Ng Mga Puso, Pebrero 14, 2022.

NO COMPETITION ABOUT WHO LOVES MORE
Hindi raw isyu kina Maris at Rico ang kanilang 25-year age gap. Wala ring kompetisyon kung sino ang dapat nasusunod.
Paliwanag ni Maris, "Yes, meron talaga siyang positive impact. Unang-una, sa age namin, meron kaming iba't ibang levels ng experience sa buhay, sa mundo. So, nasi-share namin yun sa isa't isa.
"Hindi nagma-matter sa amin yung dominant, sino yung recessive. We're both like that. It's just that pinag-uusapan namin lahat.
"Hindi kami nagkukuwento sino mas magaling magbigay ng love, or sino mas mahal yung isa. It's just that mahal namin ang isa't isa and we just want to keep each other around."
May pagpapahalaga raw sila sa opinyon ng bawat isa at kung paano panatilihing maganda ang kanilang state of mind.
"Marami akong bagay na pinaka-grateful kasi si Rico yung partner ko.
"Siguro yung number one thing is... marami kasi, wait lang," napaisip na sabi ni Maris.
Patuloy niya, "Siguro the way [na] sobrang pina-prioritize niya yung mental health.
"So, anything na problem ko, or anything na problem niya, sobrang napapag-usapan talaga namin and naiintindihan namin ang isa't isa nang sobra.
"Yung factor na yun, sobrang ganda ng naidudulot sa relationship namin."
WHEN DID RICO FALL FOR MARIS?
Nabanggit ni Maris sa mediacon kahapon na first Valentine's Day nila ni Rico bilang couple noong "pre-pandemic" o noong February 2020.
Ibig sabihin, higit dalawang taon na silang magkarelasyon.
Paano nga ba sila nagkahulugan ng loob?
Hindi kaila ang pagiging bukas ni Maris na idol niya si Rico sa OPM, kaya ang kanyang "prophetic tweets" noong 2017 na sana ay magkatrabaho sila ay nagkatotoo noong 2019.
Nailunsad ang song collab nina Maris at Rico na "Abot Langit" noong May 2019.
March 2021 nang maging usap-usapan ang "jowa reveal" ni Maris, at noon ngang May 2021 kinumpirma ng dalaga na sila ni Rico.
Sa naunang mediacon ng Goodbye Girl noong February 2, 2022, sinabi ni Maris na hindi niya talaga akalaing magiging sila ni Rico.
"Sa akin, at that time, wala naman akong assumption sa kung anong puwedeng mangyari.
"Kinilig lang ako sa fact na naka-collab ko si Rico as Rico Blanco, isa sa mga idol ko sa OPM. Yun lang talaga ang kilig ko. Wala nang anything more," ani Maris.
Katambal ni Maris si Rico sa Goodbye Girl kaya magkasama sila sa mediacon.
Para naman kay Rico, nilinaw niyang nagsimulang mahulog ang loob niya kay Maris pagkatapos nilang magkatrabaho sa "Abot Langit."
"How did it happen? It's little by little lang, e. Definitely not the first time I met her. Definitely not when we were working on the song.
"I take pride kasi in my professionalism in the studio, no matter if I think the person I'm working with is attractive or not. Even on the set, when I'm doing acting. So wala, e.
"I think it's sometime after when we were done working on the song. Sa mga talks namin siguro."
Nagkukumustahan daw sila sa direct message sa Instagram hanggang sa naging malapit sila sa isa't isa.
Ibinahagi rin ni Rico na isa sa ugali ni Maris na pinakanagustuhan niya ay ang pagiging masayahin nito.
"Ang gusto ko kay Maris, she doesn't even realize it but nakaka-happy yung vibe niya.
"I think it's something na normal to them na magkakapatid. 'Coz I hang out sa sisters also and the family. That's the vibe there, parang barkada.
"Same vibe when you're hanging out with your friends. And it's really like that kahit kaming dalawa lang.
"Of course, there are days when we're down. It happens to her, it happens to me, too.
"But, like, in general, ang positive ng vibe. It brings out the best in me. Yung positive side ko nalalabas.
"Kasi, minsan nakakalimutan ko rin na I'm playful. It's a bit of childlike, yung fun in every person, she brings it out."
