Isinapubliko na ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang kanyang bagong karelasyon.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Beatrice ang larawan nila ng nobyo ngayong Martes, February 15, 2022.
Kuha ito sa Grand Hyatt Hotel, Bonifacio Global City, Taguig City, kahapon, February 14, Valentine’s Day.
Tanging caption ng beauty queen: “Valentine’s Day [heart emoji]”
View this post on Instagram
Nag-post din si Bea ng black-and-white photo sa kanyang Instagram Stories kung saan naka-tag ang boyfriend niya.

Ang pangalan ng boyfriend ni Bea ay John Odin.
Ni-repost ni John ang parehong larawan sa kanyang Instagram Stories pati na ang public post ni Beatrice.


Makikita sa profile ni John na isa siyang disc jockey (DJ).
View this post on Instagram
Ang huling nakarelasyon ni Beatrice na si Kate Jagdon ay isa ring DJ sa mga music clubs sa Cebu. Umabot ng pitong taon ang relasyon niya.
Proud member ng LGBTQ community si Beatrice.
Bago ang Miss Universe 2021 pageant na ginanap sa Eliat, Israel noong December 13, 2021 (Philippine time), kumalat ang balitang nagkakalabuan na sina Bea at Kate.
May espekulasyong may third party sa hiwalayan sa side ni Beatrice, pero walang nakapagkumpirma rito.
November 23, 2021, si Kate mismo ang nagkumpirmang tinuldukan na nila ni Bea ang kanilang relasyon.
Read: Kate Jagdon confirms breakup with Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez
Sabi ni Kate sa kanyang pahayag sa pamamagitan ng Instagram Stories: “These past few weeks have been the most difficult time of my personal life.
“It was a conscious decision to keep quiet, after all this is a personal matter and I chose my privacy above everything else.”
Minarapat daw ni Kate na maglabas ng pahayag para hindi na kumalat ang anumang maling balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Bea.
“I don’t want to say anything more that fits anyone’s situation.
“This statement will be short before rumours and falsifications get out of hand.
“I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more.”
Hinahangad daw ni Kate ang lahat ng maganda para kay Bea.
Aniya, “We all go forward with love and respect and I wish Bea the best of luck in her journey.”
Umabot hanggang Top 5 sa Miss Universe 2021 pageant si Beatrice.
