Masayang-masaya ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa kanyang Top 5 finish sa katatapos lamang na Miss Universe 2021 na ginanap sa Eliat, Israel nitong Linggo ng gabi, December 12 (Lunes ng umaga, December 13, sa Pilipinas).
Sa eksklusibong panayam ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN News kay Beatrice, sinabi nitong proud siya sa kanyang narating sa ika-70 edisyon ng Miss Universe pageant.
View this post on Instagram
Pahayag ni Beatrice tungkol sa kanyang Top 5 finish: “Well, I’m just really happy that I was able to deliver a really good performance for the Filipino people, especially that majority of the audience are Filipinos.
“Of course, I wanted to show them what we are capable of, really do my best. So, I’m very satisfied with everything that I did, and no regrets.
“Alam kong naibigay ko lahat so walang mga doubts and I’m really happy that we were able to reach the Top 5.”
Kinakabahan ba siya tuwing nagtatawag ng mga kandidatang nakapasok sa Top 16, Top 10, hanggang sa Top 5?
Nakangiting sabi ng Cebuana beauty queen, “Surprisingly, hindi po.
"Usually, I feel nervous even during rehearsals, kinakabahan ako.
“Pero kanina, parang... kasi it was the last that we will be up on that stage and makakasasama ko yung mga delegates. I was just really enjoying the moment and doing my best.
“Binigay ko na po lahat, sa experience ko kanina. Just really happy with the result.”
Aminado naman si Beatrice na kinabahan siya sa Q&A portion pagtawag sa Top 5 finishers ng pageant, pero naitawid naman daw niya ito nang maayos.
ROOTING FOR MISS UNIVERSE HARNAAZ SANDHU
Kahit hindi ganun katagal sila nagkasama ng mga kandidata, inamin ni Bea na napalapit siya sa bagong hirang na Miss Universe na si Harnaaz Kaur Sandhu ng India.
Kuwento niya, “Si Miss India, she’s one of our roommates, and we all knew na siya po talaga yung mananalo.
"We are all rooting for her, kasi nga she works really hard, and there are even times na sobrang pressured niya na tinutulungan namin siya.
“So, we're very happy for her. We know what she's capable of and we’re very happy with the result. We’re proud of her.”
First runner-up si Nadia Ferreira ng Paraguay at second runner-up si Lalela Mswane ng South Africa.
Nagpasalamat si Beatrice sa maraming Pinoy sa audience sa Red Sea Resort, ang venue ng grand coronation night ng Miss Universe 2021.
Maging ang host na si Steve Harvey ay nagulat sa dami ng mga Pinoy na nasa venue.
Nakatakdang lumipad pabalik ng Pilipinas si Beatrice bukas, December 14.
