PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dawn Chang on “pumatol sa boss” allegation: “Naghihintay din ako ng pruweba. Ang tagal.”

Did Dawn Chang take a swipe at Cristy Fermin?
by Bernie V. Franco
Published Feb 16, 2022
dawn chang
Dawn Chang on Filipino toxic mentality: “Pag ikaw ay isang ‘baguhang’ artista, wala kang karapatan. Pag hindi ka sikat, wala kang karapatan.’”
PHOTO/S: @thedawnchang on Instagram

May mga maaanghang na patutsada ang former Pinoy Big Brother housemate na si Dawn Chang sa Twitter kaugnay ng kinasasangkutang isyu.

Sunud-sunod ang tweets ng Kapamilya dancer at TV personality ngayong gabi ng Miyerkules, February 16, 2022.

Ngayong linggo ay nakabanggaan ni Dawn ang veteran entertainment columnist at radio host na si Cristy Fermin.

Nag-ugat ito nang akusahan ni Cristy si Dawn na “nakikipaglandian sa mga boss” ng kinabibilangang home network kaya ito nagka-career.

Mariing itinanggi ni Dawn ang akusasyong ito sa mensaheng ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 12.

Kaugnay nito, nag-demand ng public apology ang abogado ni Dawn na si Atty. Rafael Vincent R. Calinisan mula kay Cristy dahil sa character assassination umano nito sa kliyente niya.

Nag-demand din si Atty. Calinisan na i-retract ni Cristy ang akusasyon nito kay Dawn.

Hindi nagpatinag ang kampo ni Cristy.

Sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio, nag-demand din sila ng public apology mula kay Atty. Calinisan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Atty. Topacio, may mga nilabag na provisions of the Code of Professional Responsibility si Atty. Calinisan sa mga ginamit niyang salita laban kay Cristy.

Nanindigan naman si Cristy na hindi niya babawiin ang kanyang sinabi at hindi siya mag-iisyu ng public apology.

Parehong nagbigay ng deadline ang dalawang kampo na sumagot at maglabas ng public apologies ngayong Miyerkules, February 16.

Nagbabala rin ang dalawang kampo sa isa’t isa na sasampahan nila ng reklamo ang isa’t isa kapag hindi tumupad sa kani-kanilang demands.

DID DAWN TAKE A SWIPE AT CRISTY ANEW?

Ngayong Miyerkules, nag-tweet si Dawn ng pasasalamat sa mga nag-message sa kanya. Hindi raw niya inaasahan ang mainit na mga mensaheng natanggap niya.

Walang binanggit na update si Dawn ukol sa demand letters, maging ang kanyang abogado, na unang ipinost ang kanyang public statement laban kay Cristy sa pamamagitan ng Twitter.

dawn chang

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang netizen ang nag-usisa kay Dawn kung totoo raw ba ang paratang ni Cristy na “pumatol” siya sa boss ng ABS-CBN para umangat ang kanyang showbiz career.

Palabang sagot ni Dawn: “Naghihintay din ako ng pruweba. Ang tagal. Hahaha.”

dawn chang

Pinuri naman siya ng netizen “for standing up to that marites who would rather ruin someone’s reputation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot dito ni Dawn: “Mahirap po kumita ng pera. Pagpasensyahan na natin.”

dawn chang

Hindi naman pinalampas ni Dawn ang hirit ng isang netizen na sinabihan siyang huwag makisawsaw sa pulitika.

Sabi pa nito kay Dawn: “Sikat ka ba? May fan base ka ba?”

Sagot ng dancer: “Kung basehan ang kasikatan upang magkaroon ng karapatan magsalita at ipaglaban ang tama, pwes, tumahimik ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

dawn chang

May tweet din si Dawn tungkol sa aniya’y “toxic Filipino mentality.”

Sabi ni Dawn: “Pag ikaw ay isang ‘baguhang’ artista, wala kang karapatan. Pag hindi ka sikat, wala kang karapatan.’”

dawn chang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabilang banda, pinasalamatan ni Dawn ang mensahe ng suporta mula sa kanyang followers.

Pinayuhan din siya ng ilan na huwag magpa-stress sa kanyang bashers dahil ang iba sa mga ito ay trolls umano.

Sinabi rin ni Dawn na lagi siyang maninindigan sa kung ano ang tingin niyang tama.

Ang hidwaan nina Dawn at Cristy ay nag-ugat sa pagbatikos ng una kay Toni Gonzaga sa pamamagitan ng IG post.

Ikinadismaya ni Dawn ang paghu-host ni Toni sa proclamation rally ng UniTeam nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio noong February 8, 2022.

Malinaw na pagpanig ito ni Toni, na isang Kapamilya, sa UniTeam na kinabibilangan ng mga pulitikong nagpasara sa ABS-CBN, partikular na si Congressman Rodante Marcoleta.

Sa radio program ni Cristy noong February 10, inatake niya ang pagsita ni Dawn kay Toni.

Dito inakusahan ni Cristy si Dawn na “nakikipaglandian sa mga boss” para magkaroon umano ng career sa kinabibilangang TV network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang on Filipino toxic mentality: “Pag ikaw ay isang ‘baguhang’ artista, wala kang karapatan. Pag hindi ka sikat, wala kang karapatan.’”
PHOTO/S: @thedawnchang on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results