PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Alonte on handling misunderstandings with Loisa Andalio

Loisa on Ronnie: "Wala kaming sakalan."
by Rachelle Siazon
Published Feb 18, 2022
Loisa Andalio, Ronnie Alonte, LoiNie
Loisa Andalio on relationship with Ronnie Alonte: "Hindi siya yung parang kailangan lang kilig, kailangan sweet. Ang daming kailangan para mag-work yung relationship. Kailangan nagko-compromise kayo. Di siya basta-basta. Kailangan ready ka talaga."
PHOTO/S: @imandalioloisa Instagram

Real talk ang pag-amin ng magkasintahang Loisa Andalio, 22, at Ronnie Alonte, 25, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya sila sa kanilang relasyon.

Higit limang taon na silang magkasintahan kaya marami na raw talaga silang pinagdaanan.

"Ay, grabe, matinding tanungan," saad ni Loisa nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nila naaayos ni Ronnie ang kanilang misunderstandings.

"Mas alam na namin na di nawawala yung mga di pagkakasunduan. Alam na rin namin kung paano aayusin.

"Totoo yung sinabi na once pinag-usapan niyo yung ayaw niyo, alam niyo yung limit niyo, di kayo magka-clash, e. Rerespetuhin niyo yung gusto ng isa't isa."

Mahalagang itinuturing din nilang kaibigan ang isa't isa.

"Yun ang okay sa amin ni Ronnie. Wala kaming mga sakalan. Talagang yung friends niya, friends ko din. Yung hilig ko, hilig niya din. So, talagang okay.

"Minsan nga parang magtropa lang kami. 'Uy, girlfriend mo ako, ha, baka nakakalimutan mo?'" natatawang kuwento ni Loisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "Sobrang kumportable namin sa isa't isa."

Nakapanayam ng PEP.ph si Loisa sa mediacon ng Goodbye Girl noong February 14, 2022.

ON KEEPING THEIR MISUNDERSTANDINGS PRIVATE

Sa hiwalay na mediacon ng naturang iWant series, kasama ni Loisa si Ronnie.

Ipinaliwanag dito ni Loisa na hindi naman talaga puro kilig lang ang pakikipagrelasyon.

"Sa totoo lang, nung pumasok ako sa relasyon... Wow! Akala mo ang tanda na. Hindi siya yung parang kailangan lang kilig, kailangan sweet.

"Ang daming kailangan para mag-work yung relationship. Kailangan nagko-compromise kayo.

"Di siya basta-basta. Kailangan ready ka talaga," lahad ni Loisa.

Sinang-ayunan ito ni Ronnie.

"Hindi laging masaya... Siyempre, off cam meron talagang nangyayari na di nila nakikita, di nila nababalitaan," anang aktor.

Dugtong ni Loisa, "Kasi, mas pinipili namin ayusin yun sa private, yung kami lang. Gusto namin mas tahimik lang ang buhay."

Ayon pa kay Ronnie, sinisiguro nila ni Loisa na hindi nila dinadala sa trabaho kung mayroon silang hindi pagkakaunawaan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kami ni Loisa, di kami lumalabas nang di kami okay. Kung magkaaway tayo ngayon, pag-usapan natin.

"Pero paglabas natin, okay tayong dalawa, di puwedeng magkaaway.

"Hindi lang para sa amin yun. Sa set din maaapektuhan. Ayaw naming may naapektuhang iba or madadamay."

Nang tanungin kung may rule silang iwasang mag-social media kapag sila ay magkaaway, sagot ni Loisa, "Wala naman."

"Kusa na namin. Alam naman namin na sa relasyon, normal yung nag-aaway, pero pag naayos at napahupa yung galit, pag napag-usapan, magiging okay na rin.

"Kasi, ayaw namin yung kakainin namin yung sasabihin namin sa dulo, 'A, ganyan ganyan!' Tapos kami naman uli.

"Kasi maiintindihan mo, e. Pag mahal mo, mahal mo."

"ML O AKO?"

Kuwento pa ni Loisa, hindi siya yung tipo ng girlfriend na binabawalan si Ronnie.

"Walang sakalan. 'Uy, bawal ka mag-basketball. Ay, nag-e-ML ka?' Walang ganun. Di kami naggaganun.

"Kasi nag-e-ML din ako. Wala kaming pinag-aawayan sa games. So, happy lang," ani Loisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy niyang ML ay ang mobile game na Mobile Legends.

Dugtong ni Ronnie, "Minsan binibiro din niya ako pag nakikita niya ako na masyadong tumatagal, mga nakalimang game na ako, 'ML ka na lang? ML o ako?'"

Natatawang singit ni Loisa, "Ay, grabe ka talaga! Nilaglag mo ako. Di ko na nga sinabi."

Ani Ronnie, "Biro lang naman."

Sabay napapangiting sabi ni Loisa, "Hindi, okay lang."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio on relationship with Ronnie Alonte: "Hindi siya yung parang kailangan lang kilig, kailangan sweet. Ang daming kailangan para mag-work yung relationship. Kailangan nagko-compromise kayo. Di siya basta-basta. Kailangan ready ka talaga."
PHOTO/S: @imandalioloisa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results