Nanariwa sa alaala ni Ruffa Gutierrez ang kanyang failed marriage sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.
Ito ay matapos sumulpot sa kanyang Facebook Memories na nitong February 24 ang petsa nang ma-grant ang annulment nila ni Yilmaz isang dekada na ang nakalilipas, noong 2012.
Nagbahagi ng magkasunod na tweets si Ruffa tungkol sa kanyang broken marriage.
Ang una ay larawan niyang naka-wedding gown at nag-i-slice ng wedding cake, habang dinudumog siya ng media.
Tila kuha ito sa reception ng kanyang kasal noong 2003.
Caption ni Ruffa: “On this day, ten years ago my annulment was granted.
“Thank you Facebook memories for making me remember.”
Mukhang naging sentimental si Ruffa na mabalikan ang mapait na bahagi ng kanyang buhay na ito.
Read: Ruffa and Yilmaz: Sad ending for their fairy tale?
Nag-post din si Ruffa ng studio shot nila ni Yilmaz noong 2003. Magkarelasyon pa lang sila noon.
Sa larawan, nakaupo ang dalawa sa sofa at magkadikit ang mukha, habang nakapulupot ang isang braso ni Yilmaz kay Ruffa.
Kuha raw ito noong June 2000 o 22 taon na ang nakalilipas.
Madamdamin ang caption ni Ruffa sa larawan nila ng ex-husband.
Aniya, mapait ang bahaging iyon ng kanyang buhay pero wala siyang pinagsisisihan.
Sabi ng aktres: “What a bittersweet journey it has been.
“I now realize that not everyone is going to stay forever but I still have to keep on going and thank them for the life lessons that made me the woman I am today.
“No regrets, just love.”
Sinundan ito ni Ruffa ng dalawang red hearts a dalawang red broken hearts.
RUFFA AND YILMAZ
Ikinasal sina Ruffa at Yilmaz sa isang magarbong seremonya noong 2003.
Read: Ruffa and Yilmaz: World-Class Wedding
Nagbunga ng dalawang anak na babae ang kanilang pagsasama—sina Lorin, 18, at Venice, 17.
Isinapubliko nina Ruffa at Yilmaz ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng joint statement noong 2007.
Sa kanyang interviews ay hindi itinago ni Ruffa na nakaranas siya ng domestic violence mula sa dating asawa.
Ito rin ang dahilan kung bakit takot si Ruffa na pumunta sa Istanbul, Turkey sa tuwing iniimbitahan siya noon ni Yilmaz.
