Napatawad na ni Alexa Ilacad ang kanyang “unofficial” ex-boyfriend na si Nash Aguas.
Ito ay sa kabila ng usaping hindi naman daw talaga pa humihingi ng kapatawaran ang dating ka-love team sa kanya.
Sa vlog ng ABS-CBN news anchor na si Karen Davila na lumabas kahapon, February 26, ibinahagi ni Alexa ang isang maiksing usapin tungkol sa kanila ni Nash.
Nataon ding ipinagdiwang niya ang kanyang ika-22 kaarawan kahapon.
Masakit man daw ang napagdaanan nila noon ni Nash, napatawad na raw niya ang binata.
Pero hindi na sila maituturing na magkaibigan.
Lahad niya, “A, no, we are not friends, but I have forgiven him even if he never really said sorry or asked for forgiveness.
“But, it’s okay. I forgave him for my own peace of my mind and for the peace in my heart.”
Inamin din ni Alexa na si Nash talaga ang kanyang unang pag-ibig at binalikan pa niya ang kantang naisulat niya ukol dito taong 2016.
Aniya, "I actually wrote it po in 2016. The day after everything crashed and fell, I was able to write 'Paano.'”
Noong October 2019, tahasang sinabi ni Alexa na buwag na ang love team nila ni Nash, ang NLex, bagamat noon ay nagkakasama pa sila sa ilang shows para sa iniendorsong damit.
Kuwento niya, “Okay naman po kami, very civil, very professional.”
Matagal silang naging magka-love team pero hindi sila naging opisyal na magkarelasyon.
“Ano po, kumbaga, MU [mutual understanding], yung ganun.
"Wala lang kaming label, pero hindi siya relationship, e.
"Pero minahal namin ang isa’t isa, wow!”
Patuloy ni Alexa, “Four or five years, pero hindi naging official. Kasi, ilang taon lang ako nun, wala pa akong 18.
“Pero, hindi joke time yung love.
“Totoo na kung umabot sana sa tamang edad, kung hindi namin napagdaanan yung mga napagdaanan namin, sobrang possible talaga na maging kami.
"Nakikita namin na gusto namin yun."
Sa ngayon ay apat na taon nang magkasintahan sina Nash at Mika dela Cruz.
