Kinumpirma ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño-Seguerra na bukas din ang asawa niyang si Ice Seguerra sa posibilidad na sumailalim sa breast removal surgery katulad ng ginawa ni Jake Zyrus.
Ayon nga sa FDCP Chair, sa paghahanda nila para dito, may ilang bagay na lang silang inaayos at kinukunsidera.
Nakapanayam si Liza ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa nakaraang presscon para sa Film Ambassadors' Night 2022 na ginanap sa Max's resto sa Sct. Tuazon, Quezon City noong February 22.
Pahayag niya, "Right now, nandun siya where he's embraced and recognized his identity as a man. Yung usapan na magte-testerone ba siya to transition, it's being discussed, wala pa talaga kami dun pero yung gusto niyang magpa-surgery, okay na kami.
"Pine-prepare lang namin yung proper budget para magawa. Sabi niya he wants to do that, we're just looking for the right doctor. Malay mo this year, na-inspire siya kay Jake. I know he's very, very happy for Jake."
Hangang-hanga raw si Liza sa tapang at tatag ni Jake para gawin ang prosesong ito.
Pagmamalaki niya, "I admire him, I laud for him for celebrating his identity, kasi ako mismo, personal kong na-experience sa asawa ko to come in terms of who he is.
"Kasi kahit ngayon kahit sabihin nating tanggap natin as transman si Ice, tawag natin sa kanya Ice, nirerespeto na natin ang pronouns niya pero siya, gumigising siya sa umaga, yung physicality niya pa rin as a man, di pa rin niya nakikita.
"Nakikita ko yung struggles na yun kay Ice, so for Jake to achieve that, and be comfortable and happy, kung yun ang magpapasaya sa kanya, dapat suportahan natin siya.
"Nandito tayo sa bansa natin na di pa rin ganun kaluwag at ka-open yung pagtingin sa mga transman.
"Ang LGBT, ang lawak niyan, e. Sa ngayon, okay na tayo sa mga gays, sa lesbians mayroon na ring representations, pero pagdating sa other letters—bisexuals, transgenders, transexuals—dun mismo may discrimination pa rin. We need more presence."
Ang hiling nga ng FDCP Chair kay Jake ay mapaligiran sana ito ng mga tao na tatanghap nang buong puso at maghahatid ng positibong pananaw sa singer katulad ng nangyari kay Ice.
Dagdag ni Liza, "Ang mas napag-uusapan namin ni Ice is more like… nakikita mo si Jake, di ba? I hope he's surrounded with people, he's really surrounded with positivity.
"Yung journey niya ang hirap, mas marami ang nare-receive niyang negativity which he doesn't deserve.
"Kasi si Ice suwerte siya, napalibutan siya ng mga tao na sumusuporta sa kanya, kahit yung buong industry, nararamdaman mo yung suporta saka yung love and not everyone can be as lucky as him.
"I hope with Jake he will be surrounded with love and positivity kasi nakakaapekto yun. Ang hirap nung feeling mong nag-iisa ka lang."
LIZA CHALKS UP ACCOMPLISHMENTS AS FDCP CHAIR
Bilang FDCP Chair sa loob ng anim na taon, marami-rami na ring magaganda at produktibong proyekto na nagawa si Liza para sa industriya.
Tinanong siya kung handa kaya siyang manilbihan muli bilang FDCP Chairman kung saka-sakaling kunin siya ng susunod na mauupong pangulo ng bansa lalo't co-terminus ang posisyon niya sa presidente na mananalo.
Lahad niya, "Oo, for as long as I can serve the industry. Iba yung fulfillment na binigay sa akin ng pagiging head ng FDCP at ako mismo sa sarili ko, alam ko na napakarami pang kailangang gawin.
Marami ang nagsasabi na mukhang mahihirapan ang susunod na papalit kay Liza sa ganda ng kanyang track record.
Pero mapagkumbaba naman niyang pahayag, "I think we can always find somebody who is as committed but it's always a sacrifice. It's a choice to set aside your personal dreams, lalo na talaga kung artista din sila or active worker sila sa industry. It's a choice that you will make, in the same way I chose to set aside my personal views as an actress para mas makatulong pa nang mas buong puso at buung-buo for the industry."
WILL LIZA RESUME HER ACTING CAREER?
Tinanong din ang FDCP Chairman kung may balak ba siyang balikan ang pag-arte kung saan una naman siyang nakilala.
Mabilis niyang tugon, "Oo naman, nakaka-miss siya!
"Actually, kaya din ako nasa US, kasi we're bring Ivana [Chubbuck] to the Philippines. She's a Hollywood acting coach na naging coach nila Halle Berry, Charlize Theron, Jim Carrey, Brad Pitt.
"We're bringing her to the Philippines. Ang tagal ko nang naging FDCP Chair pero ngayon pa lang ako magdadala ng programs to support our actors and to support the importance of training. Nung nandun ako, nagkaroon ako ng chance na um-attend sa master's class niya.
"Diyos ko, sobrang na-miss ko ang pag-arte! Sobrang na-miss ko yung feeling na yun! Yung parang bukas na bukas ka, you are doing things for yourself.
"I hope that our top actors in our country will have the same experience kasi ibang klase siya as a coach, as an acting coach."
FILM AMBASSADORS' NIGHT 2022
Isa sa pinaghahandaan sa ngayon ng FDCP ang papalapit na Film Ambassador's Night na gaganapin sa darating na February 27 sa Metropolitan Theater.
Labis ang tuwa ni Chair Liza na malayo at maganda ang narating ng award's night na nagbibigay pugay sa mga artista natin na kinilala ang husay sa ibang bansa at nagbigay ng parangal naman sa ating bansa.
Pagmamalaki niya, "Di namin inakala na lalaki nang ganito ang Ambassadors' Night tapos di natinag, tuluy-tuloy pa rin ang pagkapanalo ng mga Filipino sa iba't ibang festivals sa buong mundo.
Dinetalye naman ni Liza ang mga prerequisites para sa pag-qualify sa Film Ambassadors' Night.
Aniya, "First requirement, nanalo sila sa isang international film festival na pumasa sa criteria na sinet ng FDCP. Kailangan annual siya, kailangan may onsite version siya, may physical event tapos more than two years nang nagra-run. Legitimate, may mga documentation online para malaman natin kung legitimate talaga itong mga festivals na ito. Now kung nanalo sila dun, they will be recognized in Film Ambassadors' Night."
