Angelica Panganiban, Bea Alonzo bring boyfriends in reunion with Angel, Anne, Dimples

by Rachelle Siazon
Feb 28, 2022
Angelica Panganiban, Angel Locsin, Bea Alonzo, Dimples Romana, Anne Curtis
Sa wakas ay naipakilala na ni Angelica Panganiban ang non-showbiz boyfriend niyang si Greg Hoffman sa kanyang malalapit na celebrity friends. Ka-date naman ni Bea Alonzo ang boyfriend na si Dominic Roque. Kita sa litrato (L-R) sina Gregg, Angelica, Angel Locsin, Neil Arce, Dimples Romana, Anne Curtis, Bea, at Dominic.
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram

Achieved ang reunion ng magkakaibigang Angel Locsin, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at Dimples Romana.

Ginanap ito sa bahay ni Angel Locsin noong Linggo ng gabi, February 27, 2022. Sila ng mister niyang si Neil Arce ang hosts ng get-together.

Agaw-pansin ang masayang pagkikita ng mga sikat na aktres dahil ilan sa kanila ay kasama rin ang kanilang special someone.

Partikular na sina Angelica at Bea na nito lamang panahon ng pandemya umusbong ang love life.

Kasama ni Angelica ang non-showbiz boyfriend na si Greg Hoffman, na naging karelasyon niya noong July 2020.

Read: Angelica Panganiban celebrates first year with foreigner BF

Kasama naman ni Bea ang boyfriend na si Dominic Roque, na opisyal niyang naging nobyo noong January 2021.

Read: Bea Alonzo to Dominic Roque on their anniversary: “It took so much patience from you.”

Dumaan din sa okasyon ang mister ni Anne na si Erwan Heussaff at anak nilang si Dahlia, base sa video na ibinahagi ni Angel.

Hindi malinaw kung nagtagal ang mga ito o umalis din para iuwi ni Erwan ang anak.

Bandang hapon ang kuha ng video, at ang tanging kita sa camera ay sina Dahlia at Greg, habang maririnig ang boses ni Erwan sa background.

A REUNION TWO YEARS IN THE MAKING

Ayon kay Angel, "2 years in the making" ang pagkikita ng kanilang barkada.

Angel Locsin, Bea Alonzo, Anne Curtis, Dimples Romana, Angelica Panganiban

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya super saya nilang natuloy ang kanilang reunion.

Angel Locsin, Bea Alonzo, Anne Curtis, Dimples Romana, Angelica Panganiban

Sa tagal nilang nagkita ay ang dami raw nilang napagkuwentuhan.

Narito ang palitan nila ng mensahe tungkol sa kanilang fun get-together:

Anne Curtis, Bea Alonzo, Angel Locsin, Dimples Romana, Angel Locsin

Anne Curtis, Bea Alonzo, Angel Locsin, Dimples Romana, Angel Locsin

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Anne Curtis, Bea Alonzo, Angel Locsin, Dimples Romana, Angel Locsin

Anne Curtis, Bea Alonzo, Angel Locsin, Dimples Romana, Angel Locsin

Sa hiwalay na Instagram post ni Anne, ikinatuwa niyang sa wakas ay naipakilala niya ang anak na si Dahlia sa mga kaibigan.

Sana raw ay masundan agad ang kanilang bonding session.

Anne Curtis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa wakas ay naipakilala na ni Angelica Panganiban ang non-showbiz boyfriend niyang si Greg Hoffman sa kanyang malalapit na celebrity friends. Ka-date naman ni Bea Alonzo ang boyfriend na si Dominic Roque. Kita sa litrato (L-R) sina Gregg, Angelica, Angel Locsin, Neil Arce, Dimples Romana, Anne Curtis, Bea, at Dominic.
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results