Inihayag ni Enzo Pineda ang kanyang nararamdaman para sa nobyang si Michelle Vito kasabay ng pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo nila bilang magkasintahan.
Sa Instagram kahapon, February 28, 2022, ibinahagi ni Enzo ang kanyang anniversary message para kay Michelle.
Inihalintulad niya si Michelle sa kalawakan na walang hangganan at katapusan. Ang nobya raw ang kanyang pinakamakislap sa bituin sa kalangitan.
Mensahe ng 31-year-old Kapamilya actor: “To my dearest Dai,
“My love for you grows each passing day, like the universe that has no end, nor a beginning. Infinite and eternal.
“You are the brightest star in my sky. Thank you for your unconditional love and patience.”
Para kay Enzo, si Michelle ang dahilan kaya niya gustong maging isang mabuting tao.
Kahit may mga hinaharap na pagsubok, itinuturing daw ni Enzo na ang nakalipas na dalawang taon ang pinakamagandang nangyayari sa kanyang buhay.
Saad ni Enzo, “You are the reason why I strive to become a better man.
“Despite the challenges in life, for me this has been the best two years of my existence and counting.
“Salamat my Dai dahil binigyan mo ako ng pagkakataon mag mahal ng isang anghel.
“I’m so lucky to have an incredible and strong woman by my side.”
Nangako rin siyang laging poprotektahan ang girlfriend.
“Always remember na nandito ako lagi to support, to protect, & to love you with all my heart. I love you so much. Happy anniversary [heart emoji]"
View this post on Instagram
May isang maiksing post naman si Michelle sa kanyang Instagram.
Mensahe niya: “2 years of love and laughter. happy anniversary mahal [heart emoji] i love you.”
View this post on Instagram
Umamin si Enzo na may relasyon sila ni Michelle noong August 2020.
