Nagpatutsada si Maggie Wilson na pahirapan pa rin ang co-parenting status nila ng estranged husband na si Victor Consunji.
Inakala ng followers ni Maggie na mukhang nagkasundo na sila ni Victor nang makita silang magkasama sa 10th birthday party ng anak nilang si Connor.
Ginanap ang okasyon sa Taguig City noong Sabado, February 27, 2022.
Nakunan ng litrato sina Maggie, Victor, at Connor na magkakasama at nakangiti na animo'y walang problema.
Ni-repost pa ni Maggie ang picture na iyon sa kanyang Instagram Story.
Read: Estranged couple Maggie Wilson and Victor Consunji reunite for son Connor's 10th birthday
NO ACCESS TO SON'S PHOTOS
Pero ngayon ay may pahaging si Maggie na naha-hassle siya dahil sa estranged husband.
Inilahad ni Maggie ang insidente via Instagram Stories ngayong Martes, Marso 2.
Ipinakita niya ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ng photographer na nag-cover ng birthday party ng anak.
Humingi raw siya ng kopya ng mga litrato mula sa event, at nagsabi naman ang photographer na ipadadala ang "full set once ready."
Makalipas ang dalawang araw, biglang nagbago ang ihip ng hangin.
Humingi ng pang-unawang sabi ng photographer kay Maggie (published as is):
"Hi Ms Maggie, our sincere apologies po but we were instructed by [name omitted in screenshot] not to upload the rest of the set from Connor's party.
"We were also instructed not to send any photos po [sad face emoji] kindly ask the copy na lang daw po kay [name omitted in screenshot]."

NOT "EVERTHING IS NICE AND PEACHY"
Ayon kay Maggie, isa lamang ito sa mga halimbawa ng hassle na nararanasan niya.
Hindi man niya direktang pinangalanan si Victor, mahihinungang ang estranged husband ang pinatamaan ng actress-beauty queen.
Ani Maggie hinggil sa kawalan ng access sa litrato ng sariling anak: "OK.... Here we go again!"
Dagdag niya: "Another day...
"You might think everything is nice and peachy on the outside but this is what I have to deal with and have been dealing with on the inside for far too long now.
"Control."

BREAKUP WITH VICTOR AND CHILD VISITATION ISSUE
Hindi ito ang unang pagkakataong nagpahiwatig si Maggie na hindi sila okay ni Victor matapos ang kanilang hiwalayan.
Noong December 26, 2021, naglabas ng hinaing si Maggie na mayroon siyang "strong reasons" kung bakit siya kumalas kay Victor.
Hindi raw iyon dahil ipinagpalit niya ito sa ibang lalaki, kundi sa mga bagay na lubos na nagpahirap sa kanya sa huling mga buwan at taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
May isang "vault" daw siya na puno ng "receipts" o patunay ng kanyang pinagdaanan.
Aniya, lalabas ang katotohanan sa tamang panahon.
Nabanggit din ni Maggie noong December 26, 2021 na tumanggi si Victor na makita niya ang anak noong Pasko sa kabila ng maayos na usapan nila tungkol dito.
Ilang oras makalipas ang ipinost niyang hinaing sa social media, nag-update si Maggie na kapiling na niya ang anak.
September 2021 nang maglabas si Maggie ng joint statement nila ni Victor na "there is no animosity between us" sa kabila ng kanilang separation.
