PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SPOTTED: Are Diego Loyzaga and Barbie Imperial back together?

Are Diego and Barbie back on good terms with each other?
by Rachelle Siazon
Published Mar 5, 2022
Barbie Imperial, Diego Loyzaga
A month after Barbie Imperial confirmed that she and Diego Loyzaga have broken up, the two were seen together at a restaurant in Pasig City.
PHOTO/S: CTTO

Nagkaayos na ba ang ex-couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial?

Namataang magkasama sina Diego at Barbie sa isang restaurant sa Pasig City kamakailan.

Ipinost ito ng isang netizen sa Facebook account nito lamang March 3, 2022.

May kasamang non-showbiz guy sina Barbie at Diego sa litrato.

Hindi malinaw kung bakit magkasama ang ex-couple liban sa caption ng netizen na si Diego ay bagong celebrity endorser ng isang slimming center.

Ikinatuwa naman ng supporters nina Diego at Barbie na mukhang nagkabati na raw ang dalawa.

Ni-repost ng isang fan ang litrato nila, at dito ay maraming nagtanong kung recent sighting ba ito.

Sana raw ay totoo ngang nagkaayos na ang dalawa.

Diego Loyzaga, Barbie Imperial

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE BREAKUP

January 2022 nang mapansin ng netizens na tila hiwalay na sina Barbie at Diego dahil wala silang paramdam sa isa't isa habang nagbakasyon sa U.S. ang aktor.

February 3, 2022 nang kumpirmahin ni Barbie na break na sila, pero hindi niya idinetalye kung ano ang dahilan nito.

Read: Barbie Imperial confirms breakup with Diego Loyzaga; reveals love lesson learned

Sa dalawang virtual mediacon noong nakaraang buwan, consistent si Barbie sa ibinahagi niyang lesson on love na dapat mahalin ang sarili kahit na nasa isang relasyon.

Napagtanto raw kasi niya na kadalasan ay bigay-todo siya to the point na nakakalimutan niyang pahalagahan ang sarili.

Noong February 14, nabanggit din ni Barbie na hindi siya ang tipo ng naniniwala sa kasabihang "Love is lovelier the second time around."

Paliwanag ni Barbie, "Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex.

"Dun na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nung time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na dun gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan.

"Parang you had your shot."

Tumagal ng isang taon ang relasyon nina Barbie at Diego. Nagdiwang sila ng anniversary noong December 12, 2021, o ilang linggo bago lumabas ang balitang nag-break na sila.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A month after Barbie Imperial confirmed that she and Diego Loyzaga have broken up, the two were seen together at a restaurant in Pasig City.
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results