PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Dawn Chang alluding to Boying Remulla in her "hindi kami bayad" post?

"Huwag nyong insultuhin ang mga Pilipinong pinaglalaban na magkaron ng gobyernong tapat."
by Arniel C. Serato
Published Mar 8, 2022
Dawn Chang takes a swipe at Congressman Boying Remulla?
Is Dawn Chang referring to Cavite 7th District Representative Boying Remulla in her tweet about "hindi kami bayad"? She posted her statement following Remulla's controversial remarks about a recent campaign rally in Cavite. On March 4, Vice President Leni Robredo's campaign rally in General Trias, Cavite drew an estimated 47,000 attendees.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

May pinaparinggan ba si Dawn Chang sa kanyang tweet na “hindi kami bayad”?

Matapang na naghayag si Dawn ng kanyang pananaw ukol sa isang taong may mas mataas na posisyon sa lipunan na aniya ay nangunguna pa umano sa paggawa ng mali.

Saad niya sa kanyang tweet nitong nakaraang March 6 (published as is), “Minsan kung sino pang nsa mataas na posisyon sya pa ang nagunguna sa pag gawa ng mali.

"Anong magiging kinabukasan natin kung ganitong klaseng lider ang pipiliin natin.

"Huwag nyong insultuhin ang mga Pilipinong pinaglalaban na magkaron ng gobyernong tapat lalo’t hindi kami bayad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan pa niya ito ng hashtag na #HindiKamiBayad.

Si Dawn ay bukas sa pagsasabing siya ay isa sa supporters ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo.

Makikita sa kanyang tweets ang pagsuot niya ng pink shirt at paggawa ng finger heart gesture bilang suporta sa kampanya ni Robredo para sa 2022 elections.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dawn Chang

Lumabas ang pahayag ni Dawn na "hindi kami bayad" kasunod ng alegasyon ni Cavite 7th District Congressman at Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin “Boying” Remulla tungkol sa supporters ng kampanya ni Robredo.

BOYING REMULLA'S "HAKOT AT BAYAD" CLAIM AGAINST A CANDIDATE

Ayon sa ulat ng media organizations, umabot sa 47,000 katao ang dumalo sa campaign rally ni Robredo noong March 4 sa General Trias, Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinontra ito ni Remulla.

Alegasyon ni Remulla, "hakot at bayad" diumano ang mga taong dumalo sa isang malaking campaign rally na ginanap sa Cavite.

Galing daw sa ibang lugar ang karamihan sa dumalo sa rally.

Hindi tahasang binanggit ni Remulla kung sinong pulitiko ang pinatamaan niya, pero binanggit niya na ang tinutukoy niyang rally ay iyong ginanap sa Cavite noong Biyernes, March 4.

Ang grupo ni Robredo ang may sortie sa General Trias Park sa Cavite sa petsang iyon.

Sa panayam ng DZRH noong March 5, pahayag ng mambabatas: "Sa siyudad ng Cavite, may pulitiko na nagbabayad ng limang daan [PH500] sa bawat a-attend.

"Tapos may jeep, tapos meron silang staging area, may t-shirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme. Hinahakot, e."

Dagdag pa niya, "Kagabi ginastusan nila yun, siguro mahina-hina yung mga anim hanggang walong milyon [PHP8M]. Kasi nga desperado na. Kasi ang survey sa Cavite, 64-15."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Remulla na "64-15" ay "64 percent" ng mga botante sa Cavite ay pabor daw sa presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., samantalang "15 percent" lamang para kay Robredo base sa "survey."

Pagtukoy pa niya kung sinong kandidato ang may "15 percent" share ng voters: “Si pink, si dilaw."

Pink ang campaign color ni Robredo.

VP ROBREDO TO DETRACTORS: "ILABAS ANG PRUWEBA"

Mariin namang itinanggi ni Robredo ang akusasyong bayad ang kanyang supporters.

Sa Kandidatalks Presidential Forum ng One News, One PH, at Go Negosyo, sinabi ni presidential candidate Robredo na insulto para sa mga Caviteño ang naging akusasyon ni Cavite 7th District Representative Remulla na binayaran umano ang mga dumalo sa kaniyang campaign rally sa General Trias.

Aniya, "Kung may pruweba, e, di ilabas ang pruweba pero ‘wag naman yung basta mag-a-accuse na very irresponsible."

Sa ulat ng Reportr.World kahapon, March 7, 2022, nakasaad na nag-trend ang hastag na "#BoyingSinungaling" matapos ang tinuran ni Remulla na "hakot at bayad" ang supporters ni Robredo sa Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong weekend, napabalita ring nag-trend ang hashtag na "#800KMinusOne" gawa ng netizens na kinontra ang pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla na "800,000" voters mula sa Cavite ang inaasahang boboto kay Marcos Jr.

Si Jonvic ay nakababatang kapatid ni Boying Remulla.

Nanindigan naman si Boying na "puwede pa umabot ng 900,000" voters mula sa Cavite ang susuporta sa preferred presidential candidate niyang si Marcos Jr.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Dawn Chang referring to Cavite 7th District Representative Boying Remulla in her tweet about "hindi kami bayad"? She posted her statement following Remulla's controversial remarks about a recent campaign rally in Cavite. On March 4, Vice President Leni Robredo's campaign rally in General Trias, Cavite drew an estimated 47,000 attendees.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results