PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto owns petty quarrels with live-in boyfriend

Angeline Quinto details adjustment with boyfriend in live-in setup.
by Bernie V. Franco
Published Mar 8, 2022
angeline quinto pregnant
Angeline Quinto on decision to live with her boyfriend. "Nung nalaman namin na buntis ako, yun yung napag[ka]sunduan na mag-stay siya."
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram

Nagbahagi si Angeline Quinto tungkol sa pagsasama nila ng kanyang non-showbiz boyfriend sa iisang bubong.

Ibinahagi ni Angeline na nagdesisyon sila ng boyfriend na mag-live in na nang matuklasang nagdadalantao ang Kapamilya singer.

Si Angeline ay magwa-walong buwan nang buntis.

Unti-unti na ring ipinapakilala ni Angeline ang pagkatao ng kanyang boyfriend, na isinama pa niya sa kanyang maternity shoot.

“Sapilitan pa,” ani Angeline tungkol sa pagsama ng kasintahan sa kanyang maternity shoot recently.

“Syempre, iniingatan ko rin naman iyon,” pakli ni Angeline tungkol sa identity ng non-showbiz boyfriend.

Nagkuwento si Angeline sa YouTube vlog ni Vice Ganda na ipinost nitong March 7, 2022.

Hindi pinapangalanan nina Angeline at Vice ang lalaki, pero batay sa pagkakakilanlan, siya ay si Nonrev Pelayo Daquina na na-link na kay Angeline noon pa mang 2020.

ADJUSTMENT IN LIVE-IN SETUP

Kinumusta si Angeline tungkol sa pagsasama nila ng kanyang nobyo.

“Okay naman siya. Excited kami pareho,” pagtukoy ni Angeline sa kanilang magiging anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinetalye pa ni Angeline kung kailan sila nagdesisyon ng boyfriend na magsama sa iisang bubong.

“Nung bago nag-U.S. tour tayo. Nung nalaman namin na buntis ako, yun yung napag[ka]sunduan na mag-stay siya," pagbabahagi ni Angeline.

“Sabi niya mas gusto niya na nababantayan niya ako habang buntis ako.

Si Angeline at Vice ay nagkaroon ng U.S. tour noong October 2021.

Tinanong ni Vice si Angeline kung nag-aaway sila boyfriend ngayong nasa iisang bahay sila.

Nagdetalye si Angeline, “Ang babaw kasi nung mga nagiging dahilan namin, lalo na nung mga siguro mga dalawa, pangatlong buwan kong nagbubuntis.

“Ako nga minsan naiinis sa sarili ko," pag-amin ng singer.

"Halimbawa lumabas siya ng bahay, may binili lang sa Mercury Drug, hindi nagpaalam sa akin.

“Pagbaba ko dun sa baba wala siya. Pagbalik niya, ‘Saan ka galing?’ ‘Bumili lang ako ng ganito.’”

Hirit naman daw ni Angeline, “’Hindi mo ako sinabihan?’

Dugtong ng singer, “Dumating sa punto na, ‘Sige, umuwi ka na sa inyo muna,’ may ganon ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam ko naman sa sarili ko pag normal ako di ganyan, e," sabi niya.

“’Tapos siya na lang yung nagsasabi na, ‘Alam ko kasi buntis ka.’ Lagi niya ako iniintindi,” sabi ni Angeline.

Nakikipag-ayos naman daw si Angeline kapag humupa ang inis niya.

Paliwanag ni Vice, nag-a-adjust pa sila sa isa’t isa bilang magka-live-in.

ON GETTING MARRIED

Nabanggit ni Angeline na naiisip niya na magpakasal sila pagdating ng araw.

“Syempre naman, e, magkakaroon kami ng anak,” katuwiran ng ABS-CBN singer.

Pero hindi raw niya mamadaliin ang boyfriend.

“Siguro ibibigay ko rin ang oras sa kanya. Baka sadyang mas handa ako kesa siya. Puwedeng ganon.”

Paano kung nagtagal daw ay hindi pa rin nagpo-propose ang kanyang partner?

“Baka tanungin ko siya. Ganoon kalakas loob ko ngayon, siguro kasi ang iniisip ko ngayon yung bata, hindi na sa sarili ko,” ani Angeline.

“Pag hindi siya nag-propose at naubos yung limit sa sarili ko na panahon, tatanungin ko na siya nang diretso.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, sinabi ni Angeline na malaking tulong na kasama niya sa buhay ang kanyang boyfriend.

Mas naibsan daw ang lungkot niya simula nang pumanaw ang kanyang adoptive mother na si Mama Bob.

“Simula nung mawala ang Mama Bob talagang nalulungkot ako lagi, e.

"Malaking tulong sa akin na nandiyan siya,” aniya tungkol sa boyfriend.

“Nung dumating [siya] sa bahay, parang may isang tao ulit na parang gigising ka, ‘tapos siya magsasabi tungkol sa trabaho ko.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto on decision to live with her boyfriend. "Nung nalaman namin na buntis ako, yun yung napag[ka]sunduan na mag-stay siya."
PHOTO/S: @loveangelinequinto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results