PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas refutes claim she is supporting VP Leni Robredo

"Tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka cheapan..."
by Arniel C. Serato
Published Mar 10, 2022
Ai-Ai delas Alas refutes claim she is supporting Leni Robredo
Ai-Ai delas Alas distances self in post about celebrities supporting Vice President Leni Robredo's candidacy: “Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito... tahimik buhay ko... lahat na lang... huy!!!!"
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Pumalag si Ai-Ai delas Alas sa isang post kung saan inihilera siya sa mga female celebrity na sumusuporta umano kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Ngayong Huwebes, March 10, 2022, ibinahagi ng Comedy Queen sa Instagram ang isang larawan ng mga artistang nakasuot ng pink na nagpapakita umano ng suporta kay Robredo.

Kasama ng larawan ni Robredo ang photo collage nina Rica Peralejo, Pokwang, Sharon Cuneta, Miles Ocampo, Anne Curtis, Angel Locsin, at Ai-Ai.

Nakasulat sa photo collage: “MGA ARTISTA NAGSUOT NG PINK PARA IPAKITA ANG SUPORTA KAY LENI ROBREDO."

Tinawag ni Ai-Ai na "fake news" ang kumakalat na larawan.

Ayon sa Kapuso comedienne, nananahimik siya at hindi nakikigulo sa pulitika.

Ang larawan kung saan nakasuot siya ng pink ay kuha pa raw sa promo ng kanyang pelikulang Ang Tanging Ina N’yong Lahat taong 2018.

Ka-cheap-an daw ang mga ganitong klaseng gimik.

Paglilinaw pa ni Ai-Ai, hindi siya "LENI supporter."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong caption niya (published as is): “Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito .. tahimik buhay ko .. lahat na lang .. huy !!!!

"tanging ina ko pa picture yan tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka cheapan ... pls hindi po ako vp LENI supporter.”

Sinamahan pa niya ito ng hashtags na “#panahonpanimatusalemangpicturenayan #iwantpeace #iwantunity #silenceisdeadly

Hindi pa direktang sinasabi ni Ai-Ai kung sino ang sinusuportahan niyang kandidato ngayong 2022 elections.

Pero base sa ginamit niyang hashtag na “#iwantunity,” posibleng kumikiling siya sa kandidatura ni Ferdinand Marcos Jr.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas distances self in post about celebrities supporting Vice President Leni Robredo's candidacy: “Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito... tahimik buhay ko... lahat na lang... huy!!!!"
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results