PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juliana Parizcova, Vice Ganda on good terms amid snubbing issue

Juliana Parizcova denies claim that Vice Ganda snubbed her.
by Bernie V. Franco
Published Mar 11, 2022
juliana parizcova segovia, vice ganda
Miss Q and A 2018 Juliana Parizcova (left) denies claim that Vice Ganda (right) snubbed her at a pageant for Filipina trans women last weekend.
PHOTO/S: Instagram

Ibinida ni Juliana Parizcova Segovia ang private message sa kanya ni Vice Ganda kasunod ng isyung inisnab umano siya It’s Showtime host sa isang local pageant for trans women.

Nagkita sina Vice at Juliana nang dumalo sila sa Miss International Queen Philippines 2022 pageant noong March 6, 2022, Linggo.

Nagpunta rin sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo.

Sa mga lumabas na video at larawan, makikitang hindi magkatabi ng upuan sina Vice at Juliana.

Dito na nagsulputan ang mga komento ng netizens na hindi umano pinansin ni Vice si Juliana at “sukang suka” umano ang It’s Showtime host sa Miss Q & A winner.

Hinaluan pa ng mga akusasyon kung bakit inisnab umano ni Vice si Juliana sa event.

Bakas na ang pagbatikos kay Juliana ay may kinalaman sa kanyang political stand.

juliana parizcova

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Juliana ay nakilala nang koronahang 2018 Miss Q and A, ang gay beauty pageant sa It’s Showtime kung saan main host si Vice.

Kamakailan ay naging tampok si Juliana ng parody videos na may kinalaman ngayong eleksyon.

JULIANA SETS THE RECORD STRAIGHT

Pinasinungalingan ni Juliana ang pang-iintriga sa kanila ni Vice.

Pagtatanggol ni Juliana, walang katotohanan ang ibinibintang kay Vice.

Ipinost ni Juliana ang screenshot ng mga mensahe sa kanya ni Vice via Facebook nitong March 10.

Nag-send muna si Vice ng link ng artikulo tungkol sa pagsasalita ni Juliana ukol sa isyu. Ikinatuwa ito ng Kapamilya host.

Message ni Vice, “I appreciate this. [three heart emojis]" at "Ingat ka lagi.”

Sa caption, nanawagan si Juliana na itigil ang pagpapakalat ng gawa-gawang kuwento.

Huwag din daw idamay ang mga taong nananahimik, gaya ni Vice.

Caption ni Juliana (published as is): “Tama na ang pagawa nyo ng issue at pagpapalaganap ng mga balitang walang katotohanan…gawain lang yan ng mga mahinang nilalang…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag galit kayo,galit lang walang damayan ng mga taong nanahimik..”

juliana parizcova

Nauna na ring pinasinungalingan ni Juliana ang paratang na ito sa pahayag niya sa YouTube video ng entertainment columnist na si Ogie Diaz, March 10.

Pinag-usapan sa video ni Ogie ang tungkol sa diumano’y pang-iisnab ni Vice kay Juliana.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag ni Juliana sa video clip: “Wala pong katotohanan yung mga lumalabas na balita na dinedma ako ni meme vice sa MIQ Philippines actually ang totoo po niyan ako yung lumapit kay meme nagbeso kami nagyakapan kami wala pong katototohanan yung mga lumalabas na hindi ako pinansin ni meme vice.

“At sana wag din tayo masyadong nagpapaniwala sa mga fake news lalo na kung wala namang malinaw na ebidensiya.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Q and A 2018 Juliana Parizcova (left) denies claim that Vice Ganda (right) snubbed her at a pageant for Filipina trans women last weekend.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results