Ibinahagi ni Frankie Pangilinan sa Twitter ang isang video clip ni dating Presidential Legal Counsel at senatorial aspirant Salvador Panelo na kuha ng CNN Philippines.
Sa video, kinakanta ni Panelo ang "Sana’y Wala Nang Wakas" sa campaign sortie ng UniTeam nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa isang hotel sa Quezon City kahapon, March 10, 2022.
Simpleng caption ni Frankie: “Lol”
Nagkomento sa post na ito ang ina ni Frankie na si Sharon Cuneta, na siyang orihinal na kumanta ng "Sana'y Wala Nang Wakas."
Pabirong ipinahayag ng Megastar ang kanyang pagkadismaya na kinanta ni Panelo ang awitin niya sa kampanya ng kalabang partido ng mister na si Senator Kiko Pangilinan.
Si Kiko ay tumatakbong bise presidente sa tiket ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.
Sabi ni Sharon: “WHY?!!! Tell me WHY?!!! I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it! Cannot be. Di dapat sinisira ang isang classic.
“Basta TAYO ANG AT MAY ORIG! Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG! Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya.”
Ang yumaong si Willy Cruz ang nag-compose ng "Sana'y Wala Nang Wakas."
Tila nais naman pakalmahin ni Frankie ang ina sa nararamdaman nito kaya sinabihan niyang huwag muna itong humawak ng telepono.
Ani Frankie: “mommy put the phone down”
Sumagot kaagad si Sharon sa kanya
May halong birong sabi ng singer-actress: “Dey sira my song!!! En dey will sira more!!!"
Pakuwela pa niyang sabi kay Frankie: “You’re jas my dawter u obey me i dont obey u!”
Pabiro ring sagot ni Frankie: “taray mo bestie”
SHARON DISLIKES PANELO SINGING HER SONG
Nauna nang nagpahayag ng disgusto si Sharon sa paggamit ni Panelo ng kanyang kanta sa kampanya.
Post ng Megastar sa Facebook: “Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol.”
Dagdag pa ni Sharon: “Kidding aside, only because it is campaign season, I just think something’s a bit off when you sing a song made famous by the wife of one of your Vice-Presidentiable’s political opponents while campaigning.
“On the other hand, maybe I should just thank you for reminding your crowds of Kiko whenever you sing it, whether you do so to mock us or not.”
Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag si Panelo tungkol sa naging reaksiyon ni Sharon sa pagkanta niya ng "Sana'y Wala Nang Wakas" sa kampanya.
Ayon kay Panelo, ikinalungkot niyan ganun ang naramdaman ng Megastar.
Ang "Sana'y Wala Nang Wakas" daw ang isa sa mga paborito niyang awitin dahil nagpapaalala raw ito sa kanyang pumanaw na anak na may Down syndrome.
Isa rin daw itong pagbibigay-pugay kina Willy Cruz at Sharon.
“It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song.
“I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it."
Dagdag pa niya, "I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us.
"I don’t understand what’s so offensive about that."
May permiso rin daw siya sa copyright owner ng kanta, ang Viva Records, kaya wala sa kanyang planong wakasan ang pagkanta ng nasabing awitin.
