Bea Alonzo answers mean comments about her transfer to GMA-7

by Bernie V. Franco
Mar 12, 2022
bea alonzo
New Kapuso star Bea Alonzo answers this mean comment from a netizen: "There goes a new 'has been' actress. After pasikatin ng Star Magic at ABS-CBN tapos iniwan na lang ng ganun."
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)

Sinagot ni Bea Alonzo, 34, ang mga tanong na may kinalaman sa paglipat niya sa GMA-7 matapos ang dalawang dekada sa ABS-CBN.

Binasa at sinagot ni Bea ang mean comments sa kanya ng netizens sa YouTube vlog niya na ipinost ngayong Sabado ng gabi, March 12, 2022.

Unang binasa ni Bea ang tanong tungkol sa pag-iwan niya sa ABS-CBN na kanyang dating home network.

Pumirma ng exclusive contract si Bea sa GMA-7 noong July 2021, matapos ang halos 20 taon sa ABS-CBN.

Komento ng netizen kay Bea: “Ayoko na sa iyo. Iniwan mo kasi ang Star Magic after 19 years na inalagaan ka.

“Nadapa lang ang nag-alaga sa ‘yo, iiwanan mo na lang. Hindi ba pwede na aakayin mo para makabangon?”

Malinaw na ang "nadapa" na tinutukoy ng netizen ay ang pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya network.

Mahinahong sagot ni Bea, “Siyempre, madali sa atin ang mag-comment, di ba, kapag hindi natin alam yung nangyayari..."

Continue reading below ↓

Mensahe pa niya sa nagkomento: “I acknowledge your comment. You are entitled to your own opinion, but that doesn’t make it true.

“Marami pong nangyari at maraming dahilan, at lahat kami ay okay. So, sana okay ka rin.”

Sa isa pang mean comment, tinawag si Bea na "has been actress" kasunod ng kanyang paglipat.

Ganito ang komento ng netizen: “There goes a new ‘has been’ actress. After pasikatin ng Star Magic at ABS-CBN tapos iiwan na lang ng ganun.”

Seryosong tugon ni Bea: “Hindi siya madaling desisyon.

“Super tagal kong pinag-isipan and I have my own reasons for it.

“And I wish maisa-isa ko sa iyo, pero hindi ko na kailangan gawin iyon because I don’t have to.

“I don’t have to explain myself because I think I’ve done that.”

bea alonzo

Continue reading below ↓

BEA SAYS SHE HAD ABS-CBN’S BLESSINGS

Hindi ito ang unang beses na nagsalita si Bea tungkol sa mga ibinabatong isyu sa kanya kaugnay ng paglipat niya ng network.

Sa interview sa kanya sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa July 4, 2021 episode nito, nilinaw ni Bea na maayos siyang umalis sa ABS-CBN.

Nang tumama ang pandemya, sinabi ni Bea na nagkaroon siya ng pagkakataon para pag-isipan ang kanyang susunod na hakbang.

“Nung dumating yung offer ng GMA, it came at the right time and it just felt right.

“I follow my heart. Pag magaan, tama,” saad ni Bea.

Sinabi rin ng aktres na wala na siyang kontrata nang umalis sa ABS-CBN at maayos siyang nagpaalam sa ABS-CBN bosses.

“Pati yung pagpapaalam ko sa ABS-CBN, of course, it was very, very emotional because, siyempre, tahanan ko yun for 20 years.”

Bukod sa netizens, pati ang ilan sa mga dating nakatrabaho ni Bea sa ABS-CBN ay nag-tweet ng pagkadismaya sa paglipat ng aktres.

Continue reading below ↓

Pero naninindigan si Bea na maayos siyang umalis sa dating home network.

“I know na wala akong tinapakang tao," katuwiran niya.

Malaki rin ang pasasalamat niya sa ABS-CBN na nagpasikat sa kanya.

“I’m very, very grateful sa lahat ng… lahat, lahat ng opportunities na ibinigay nila sa akin,” ani Bea.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapuso star Bea Alonzo answers this mean comment from a netizen: "There goes a new 'has been' actress. After pasikatin ng Star Magic at ABS-CBN tapos iniwan na lang ng ganun."
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results