PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo addresses network transfer issues

Bea Alonzo says she has the blessing of ABS-CBN bosses.
by Bernie V. Franco
Published Jul 5, 2021
Bea Alonzo's emotional message to ABS-CBN: “I will never forget everything that they have done for me.”
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)

Nabahiran ng kontrobersiya ang pagpirma ng exclusive contract ni Bea Alonzo sa GMA-7 dahil sa pasaring ng ilang direktor mula sa ABS-CBN.

Ang ABS-CBN ang home network ni Bea sa loob ng dalawang dekada bago siya lumipat sa Kapuso Network nito lamang July 1, 2021.

Kasabay ng network transfer ni Bea, dalawang kilalang tao mula sa production department ng ABS-CBN ang nagpatutsada sa aktres sa pamamagitan ng social media.

May kinalaman ito sa teleseryeng iniwan umano ni Bea—ang Kahit Minsan Lang.

Sa mismong araw ng pagpirma ng kontrata ni Bea sa GMA-7, nagpasaring ang ABS-CBN director na si Erick Salud tungkol ito sa aktres na lumipat ng network bagamat “may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic.”

Malaman din ang Facebook post ng isa pang Kapamilya director na si Henry Quitain noong July 2. May pagkastigo ito tungkol sa pag-iwan sa proyektong sinimulan na at milyon na ang nagastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman biro yung itatapon na lang na pera ng kompanya kasi iniwan mo na lang basta," bahagi ng post ni Quitain.

Lumalabas na isa rin si Quitain sa mga direktor ng teleseryeng nasimulan na ni Bea.

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman si Bea ng dating Kapamilya director na si Frasco Mortiz.

Ani Mortiz, “unfair” na sisihin si Bea sa pag-iwan sa teleserye dahil marami nang nangyari, gaya ng pandemya, at may mga pagbabagong ginawa sa teleserye.

Nasa bakuran na rin ng GMA ngayon si Mortiz.

BEA OPENS UP ABOUT LEAVING ABS-CBN

Noong July 2 ay na-interview ng batikang news anchor na si Jessica Soho si Bea para sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho na umere noong Linggo, July 4.

Tinanong ni Jessica si Bea kung bakit ito nag-“ober da bakod” sa GMA.

Sagot ng aktres, “Nung 2020, hindi naging madali para sa lahat, sa buong mundo, because of the pandemic.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagkaroon ako ng chance para pag-isipan kung ano talaga ang nasa puso ko.

“But then, nung dumating yung offer ng GMA, it came at the right time and it just felt right.

“I follow my heart. Pag magaan, tama.”

Ibinahagi rin Bea na naging madamdamin ang pakikipag-usap niya sa executives ng ABS-CBN.

Sabi niya, “Pati yung pagpapaalam ko sa ABS-CBN, of course, it was very, very emotional because, siyempre, tahanan ko ‘yon for 20 years.”

Giit pa niya, may basbas ng ABS-CBN bosses ang kanyang pag-alis sa dating home network.

“Gusto kong mag-focus ngayon sa positibo, and alam ko in my heart na I got the blessing of my past bosses.

“I know na wala akong tinapakang tao.

"And moving forward, yung mga nakikilala kong mga bagong tao sa bagong yugto ng buhay ko, they’re all excited.”

Sabi pa ni Bea tungkol dating home network: “I’m very, very grateful sa lahat ng… lahat, lahat ng opportunities na ibinigay nila sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEW BEGINNINGS

Samantala, noong July 1 ay may YouTube video na inilabas si Bea bago siya pumirma ng kontrata sa GMA-7.

May title na "NEW BEGINNINGS," binalikan dito ni Bea ang pagsisimula niya sa showbiz hanggang siya ay sumikat.

Dito, naging emosyonal si Bea nang pasalamatan ang ABS-CBN at ang malaking utang na loob niya sa istasyong nagpasikat sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have ABS-CBN to thank for all the opportunities they have given me.

“They have trusted in me and they helped me hone my talent. And I will never forget everything that they have done for me.”

Pinasalamatan din ni Bea ang mga production people doon na tumulong sa kanya.

Aniya pa. “I will never forget the day when my life has changed because they trusted in me.”

Binanggit din ng aktres ang mga tao sa ABS-CBN na alam niyang kaibigan hanggang sa huli.

Nagpaliwanag din ni Bea kung bakit nagdesisyon siyang lumipat sa GMA.

Sabi niya, “I am an actress. I am here to create. That is my purpose and that is my task. I owe that to my audience.

"And though goodbyes are always painful, I know that this journey will lead me to a door of many opportunities and new learnings and growth.”

BEA'S SUPPOSED ABS-CBN TELESERYE

Nasimulan na ang Kahit Minsan Lang noong 2019, at nakapag-taping na rin si Bea ng ilang eksena para rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Bea sa cast sina Richard Gutierrez, Rafael Rosell, Jameson Blake, at Christian Bables.

Pero inabot ito ng pandemya, na-postpone, at nagkaroon na ng mga pagbabago.

September 2020, naglabas ng official statement ang Star Creatives, ang production unit ng ABS-CBN, na magpoprodyus dapat ng teleserye ni Bea.

Nakasaad dito na itutuloy pa rin ang proyekto pero hindi na si Bea ang bida.

Pagdating ng November 2020, kinumpirma ni Bea wala na siyang kontrata sa ABS-CBN.

Umalis na rin siya sa Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya Network.

Ang nagma-manage na ngayon sa career ni Bea ay ang batikang talent manager na si Shirley Kuan.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo's emotional message to ABS-CBN: “I will never forget everything that they have done for me.”
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results