Tinatawanan na lang ni Ruffa Gutierrez kapag tinatawag siyang "mukhang bakla."
Sabi ng 47-year-old actress, maraming beses na siyang tinatawag na hindi mukhang babae pero hindi raw siya nao-offend.
Ibinahagi ito ni Ruffa sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong March 9, 2022.
Inusisa muna ng host na si Vice Ganda si Ruffa kung mao-offend ito kapag napagkamalang buntis.
Pataray na isasagot daw ni Ruffa: “Hello, look at your body first before you stare at me.”
Mao-offend daw ang beauty queen-actress "especially kung flat yung tiyan ko. I’m like, ‘Do you need eyeglasses?’”
Maiinsulto din ba si Ruffa kung napagkamalan siyang bakla?
Sagot ng former beauty queen, “They always say na mukha akong bakla. I’m like, ‘It’s an honor to look gay.'
“Mas type kong magmukhang bakla [kesa mukhang buntis].”
Hirit ni Vice, paano kung mapagkamalan siyang lalaki?
“Sa laki ng boobs ko? I think they really need glasses.
“I won’t mind them na lang. I’ll just, like, hair flip na lang sila.
“Ako, usually trans o bakla. And okay lang, hello,” giit ni Ruffa.
Ruffa called “bading” in the past
Hindi ito ang unang beses na inihambing sa bakla si Ruffa.
Noong 2020, isang netizen ang namintas kay Ruffa sa kanyang acting sa Kapamilya teleseryeng Love Thy Woman (LTW).
Nakipagsagutan sa Ruffa noon sa basher sa Instagram.
Panlalait ng netizen kay Ruffa: "Ang pangit ng character mo sa LTW para kang bading [laughing emojis]."
Ganting tanong ni Ruffa: “bakit, pangit ba ang mga bading??”
Sundot ng basher (published as is): “hindi.. sa lahat ng bading ikw ang pangit [laughing emojis] para kang bading umarte.. real talk!”
Sagot uli ni Ruffa: “Loll gurllll I love BADINGS AND THEY LOVE ME BACK! So thanks for the compliment sister! Now buzz off! [waving hands emojis]”

